CHAPTER III: Unexpected Visitor

510 11 0
                                    


Nagpumilit akong umuwi na kaya nauna na ako sa sasakyan habang si Jenny ang nagnenegosasyon dun sa dalawa.

“Hay Bes..” sabi ni Jenny pagkaupo nya sa loob ng car. “Ang daming nangyari saten ngayong araw na’to no? Nakakapagod.”

"Kasalanan mo kung bakit napagod ka.” Mahina kong sabi, pero hindi pala sya nakikinig at text lang text. “Sino ba yang katext mo?”

“Si Ismael.”

“Kakahiwalay nyo palang.”

“Hinihingi nya kasi phone number mo.”

“Wag mo ibibigay!”

“Sorry Hannah! Nabigay ko na.”

“I hate you!”

“I know. I love you, too, Hannah.” Pangasar yung tono ng boses nya. Nagpipigil lang ako dahil bestfriend ko sya. Tss. At tsaka pagod na pagod nako para makipagaway sa kanya.

*****

Pagdating namen sa bahay, tumambay muna ako sa kusina at kumain ng mac ‘n cheese, at pumunta nako sa room ko. Hindi ako nakakain ng ayos kanina sa KFC kasi nawalan ako ng gana dahil sa mga kasama namin.

“AAAHHHH!!!!”  Lumabas si Jenny sa closet ko na may hawak na dress.

“What?”

“What?! Anong ginawa mo dito sa room ko!” Nagbago ang lahat, pink ang yellow ang theme ng room ko, at wala nadin yung mga dati kong gamit na pinagkaingat ingatan ko pa since nagkaisip ako.

“Love it?” Tanong ni Jenny

“I’ll kill you!”

“Buti naman nagustuhan mo. Pinaghirapan ‘to ni Cassandra.” Pilisopong sagot ni Jenny.

“CASSANDRAAAAAAAA!” Sigaw ko. At lumitaw agad sa may pinto si Cassandra.

“Bakit po ma’am Hannah?” Sabi ni Cassandra.

“Hindi ako si Hannah! Si Elise ako! Ibalik mo sa dati ang room ko! Ngayon NA!”

“Hindi po maaari ma’am Hannah.”

"At bakit hindi? Ako ang amo mo!” Hindi na umimik si Cassandra at may lumitaw na lalaki sa tabi nya. “Kuya Hanz?!” Yumuko si Cassandra at umalis na.

“Kamusta ka na, princess?” In-spread nya yung arms nya, kaya tumakbo ako at niyakap sya.

"I missed you so much, Kuya.” Paiyak kong sabi.

“I missed you too, Princess.”

*****

Siguro nagtataka kayo kung bakit Princess tawag nya saken no?! Kase po unica hija ako kaya kinalakihan ko ng yun ang tawag nila saken. Gusto kase ni mommy ng girl na anak, kaya nga kami naging tatlo eh. Basta masaya akong umuwi si Kuya Hanz. May makakasama nadin ako sa wakas.

Isang mahabang kwentuhan at kamustahan ang nangyari. Nakalimutan ko na nga yung tungkol sa pagbabago nila sa room ko eh. Pasalamat lang talaga si Jenny at Cassandra. Papalagpasin ko muna ang ginawa nila ngayon.

*****

I woke up with white ceiling, pink walls, and pink bedsheet. Sino ba namang di magugulat?! I hate pink. Its so girly kase ang dating saken. Kinuha at inalis nila lahat ng lumang gamit ko. Grr! Pumunta ako sa basement, at yun na nga nakita ko yung mga dating gamit ko. Bakit ba nila pinipilit baguhin ako? Eto ako e. Diba nila tanggap yun?! Habang nageemote ako may lumitaw na anino.

“Everybody needs to move on, Princess…” Sabi ni Kuya. Umupo sya sa harap ko. “Hindi mo dapat ikulong ang sarili mo sa napakarahas na nakaraan. You should open your doors for changes in life.” Kinuha nya yung isang cap na nakapatong sa box. “Maganda ‘to. I like your taste!” Nakangiting sabi ni Kuya. Tumayo at naglakad palabas ng basement. Di nako nakapagsalita. “Ah.. Princess?” habol nya. “I’ll wait for you at breakfast.” At tuluyan na syang nawala.

Kung lagi kong iisipin lahat ng masasakit na nangyari saken, kung lagi kong iisipin lahat ng taong nanakit saken, paano ko mapapakita ang totoong ako? Kuya is right. Everybody is capable of change.

After that moment na napagisipan ko ng magbago, I found myself searching para sa isang MATINONG damit. Ba naman ‘tong si Jenny, kung anuano ang pinagbibili. Wala nakong nagawa dahil, I’m sure, kanina pa naghihintay si Kuya sa baba, kaya nagshort nako at blouse. Err. Ayokong nakikita ang legs kooooo! When I’m brushing my hair, tumunog yung phone ko.

From: +63927*******

Goodmorning Elise :)

Sino naman ‘tong pesteng ‘to? Text ng text di nagpapakilala. Masasayang lang ang load at oras ko. Tss. Bumaba nako for breakfast at kumain kami ng sabay ni Kuya. After kumain, tumayo nako at naglakad.

“Teka teka teka Princess..” Pigil ni Kuya.

“Huh?” Napatigil naman ako.

“Humarap ka nga saken.”

“Para saan?”

“Basta!” Kaya ayun. Madali naman akong kausap e. “Then maglakad ka papunta saken.” Tuloy ni Kuya. I obeyed him, tapos bigla syang tumawa.

“Kuya naman! Pagtatawanan mo lang pala ako eh!!!” Kaya magwawalk out na sana ako.

“Wait Princess!” humarap ako sakanya at nagpout. “Kasi naman *tawa* para kang *tawa* sigang maglakad *tawa*! HAHAHAHAHAHA.” Pinaupo lang ako ni Kuya sa sala at maghintay lang daw ako sa dadating. Habang naghihintay ako, nagring yung phone ko.

+63927*******

Hi Elise! :D

Reply: Sino ba ‘to?

Hay nagreply ka din. Si Ismael ‘to.

Sus si Ismael lang pala. Bayaan  mo sya sa buhay nya. Panira ng buhay.

“GOODMORNING TORRES FAMILY!!!” Hayyyy nako. Sino pa ba sa tingin nyo? Edi si Jenny. Kailangan ba talaga ganun kataas ang energy nya? Pinaglakad ulit ako ni Kuya at katulad ng reaction ni Kuya, tumawa din si Jenny. Grabe talaga! Kahapon battered bestfriend ako, ngayon naman clown na nila ako. 

“Gurl! Para kang siga na lasing na kuba kung maglakad! Di bagay sa looks mo!” Sabi ni Jenny. At nagsimula na ang kanilang operation. Ginawa ko yun for 3 days. Grabe! Nilagyan nila ako ng board sa likod para di kuba tapos pinapalo nila yung binti ko pagpumipiki. Argh! Siguro sila yung magkapatid. Ang hilig nilang magpahirap e.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon