CHAPTER XV: I'm drunk! >:|

278 8 0
                                    

  Nandito kami ngayon sa movie house. Tumawag si Kuya saken para sabihin na under construction daw yung ibang rides sa Enchanted Kingdom, kaya napagdesisyunan na namen na manuod na lang ng movie.

                Dahil madalas na kaming lahat sa Mall, wala na kaming maisip gawin,

"dun na lang tayo sa bar ng tito ko..” suggest ni James. Dahil nga wala na kaming magawa, nagsipayagan na lahat. We’re on our way na..

“Hannah..” James said.

“hm?”

"wala lang.” tss. Yun lang pala.

                Pagdating namen, natigilan ako. Not because kinilabutan ako dahil kay Xander, its because eto yung bar na pinuntahan namin ni Jenny, kung saan ko nakita ule si James. Sa special room kami. May game station ang bar?!!? Saan ka nakakita nun?! Kung anu ano lang nilaro namen. Arcade, barilbarilan, at kung anu ano pa. syempre di mawawala ang inuman.

                Napasin ko na tahimik lang na nakaupo si Ismael at inom ng inom, ANO BA ELISE!! ANO BANG PAKIALAM MO SA KANYA!!  Sabi ko sa isip ko. Oo nga naman kase Elise!! Laro ako ng laro at lasing na din.

"Bes, tama na yan!” awat ni Jenny.

"hi.. *hik* hindi! *hik* gusto ko pa!”

"Elise, tama na! lasing ka na oh.” Sabi ni James.

“a-a-a *hik* ano ba!”

"Hannah, papagalitan tayo ni Kuya Hanz.” Kinukuha ni Jenny yung baso ko.

"di *hik* hindi yan! A-a *hik* ako ba- *hik* bahala!”

“uuwi na tayo. Akin na yang baso mo.” Sumali pa si Raymart.

"a-ayoko *hik* pang *hik* umuwi!” nakuha na nila yung baso ko, pero sa bottle naman ako uminom. “halika! *hik* inom pa tayo!”

"TAMA NA!” kinuha ni Ismael yung hawak kong baso.

"Is-Ismael *hik*.. peste ka! *hik* a-alam *hik* mo ba yun *hik*?!?!”

"tama na! Sobrang lasing ka na! Uuwi na tayo!” naikot ikot na yung paningin ko. Binuhat nya ako bigla!

"ano ba!!! *hik* ibaba mo ko!!!” sa sobrang pagpupumiglas ko, binaba nya ako, inalalayan ako nila James tumayo. Tinulak ko si Ismael against sa wall. “wag *hik* ka ngang *hik*.. umastang ta- *hik* tatay ko.”

"tama na nga. Lasing ka na.” nandilim na paningin ko.

                Ahh.. ang sakit naman ng ulo ko. Anong nangyari? Bakit nandito na ako sa kwarto ko. Naglalaro lang kami ng arcade tapos nandito nako?!?!? *knock knock* “pasok!”

"gising ka na pala Princess.” Sabi ni Kuya na may dalang tray ng pagkain.

“Kuya, anong nangyari?”

"nalasing ka kasi ng sobra kagabi.” Napatingin ako sa wall clock ko. 3pm na. so, how long ako tulog? “dinala ka nila Jenny dito, akala ko nga kung ano nang nangyari sayo e.”

"aahh.. oo nga. Parang naaalala ko na.”

"ayaw mo daw paawat e, buti napatigil ka ni Is.. Is..”

"Ismael?”

"oo sya nga!” naalala ko na. sinusubukan nila akong patigilin sa paginom. pero anong nangyari sunod?!? Pumayag ba ako umuwi? “ayos ka na ba Princess? May practice ka pa para sa recital diba?”

"ay! Oo nga pala!”

“teka! Kumain ka muna.”

                Kinain ko yung dala ni Kuya, naligo at nagbihis.. pumunta na ako sa bahay nila Xander.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon