Hindi na ako pumasok ng school. Tinuturuan na lang ako ni Jenny tapos pag exams and quizzes lang ako napasok at nagpapasa ako ng projects and requirements para hindi ako bumagsak.
After ng graduation ni Xander, pinuntahan nya agad ako para magpaalam dahil papasok na sya ng seminaryo. Search- in pa lang naman, 5 days stay muna tapos may 1 week silang madedecide kung tutuloy talaga sila. Binilin nya pang bago sya tumuloy, tatapusin na daw nya. Kahit anong mangyari, tatapusin nya.
“Bes.. malapit na birthday mo. Saan mo gustong magcelebrate?” tanong ni Jenny. Kasama namin ngayon si Raymart dahil ang magandang balita, sila na.
“dito na lang sa bahay.” Sabi ko habang busy sa paglalaro ng UNO Cards.
“bahay na naman?!” sabi ni Raymart.
“di ka na nagsawa dito sa loob ng bahay nyo!” sabi naman ni Jenny.
“pake nyo! Ayokong lumabas!”
“alam ko na kung bakit.” Singit ni Raymart.
“tsk! Tsk! Hindi ka pa rin ba nakakamove – on Bes? Ang tagal tagal na nun. Dapat nga okay ka na ngayon kasi tapos na ang 3 month rule.”
“Jenny.. Raymart! Gusto nyo bang batukan ko kayo!? Nakamove – on na ako!” i lied. Tinitigan lang ako nung dalawa na parang naghihintay ng totoong sagot.
“masama ang nagsisinungaling.” Bulong ni Raymart.
“eh alam nyo naman pala!” sigaw ko. “eh bakit pinapaalala nyo pa sakin?! Mga gunggong!” pinipigilan ko lang na di maiyak.
“sabihin mo na kaya.” Sabi ni Jenny. Nagkatinginan lang kaming tatlo at natigil sa paglalaro. Alam namin at alam ko sa isip ko na yun ang dapat kong gawin.
“hindi nya ako mapapatawad sa ginawa ko.. trust me.”
“mapapatawad ka nun, trust me. Mahal ka eh.” Sabi ni Raymart.
Ilang gabi akong dinadalaw ni Ismael sa panaginip ko. Wala akong naririnig tungkol sa kanya this past months. Hindi naman kasi gugustuhin nila Raymart at Jenny na mabugbog ko sila pag binanggit nila ng pangalan ni Ismael sa harapan ko. Kailangan ko kasing makamove on, kailangan kong makalimutan na sa isang parte ng buhay ko, mahal ko talaga sya at hindi na matatanggi pa, dahil tadhana na ang nagpasya. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko oras na ma- encounter ko sya. Magsisinungaling parin ba ako kahit sobra sobra na? Lagi akong inaabot ng madaling araw sa kakaisip at kakaemote.
Birthday ko na pala ngayon. Uuwi ang mga magulang at kapatid ko the week after next week tapos makikita nila akong ganito?! Lumabas na lang ako at tingnan ang bahay nila Xander may nakita akong van sa tapat at mga maleta. Ngayon na pala ang alis nya. Mawawala na ang kaisa isang tao na hindi pinaparamdam sakin na walang mali sa ginagawa ko. Mawawala na ang taong nakakaintindi sakin. Hindi ko na sya makikita.
Lumakas ang hangin at kinilabutan ang buong katawan ko ng nakita kong kumislap ang mata nyang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Yung idea na mawawala na sya at hindi ko na sya makikita, nasasaktan ako. Nilapitan nya ako. “it’s time.” Sabi nya ng nakangiti.
Hinila nya ako papasok ng garden nila. Nakita ko sa mukha nya ang relief sa kalooban nya. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung bakit pero isang araw ng pagiisip, nalaman kong mahal ko si Xander, kaya masakit sakin na aalis na sya at iiwan ako. Napatigil na lang ako sa malayo habang nilapitan ni Xander ang statwa na nakabalot ng puting tela.
