CHAPTER XXX: We still have each other.

244 4 0
                                    

Good day Readers! :)) sa mga hindi nakakasunod sa mga pangyayari sa soryang ito. Umpisahan nyo na lang. Hahaha. :D Ayoko ng magsummary pa! Hindi ko pa alam kung paano tatapusin 'to. Ayoko nang pahabaiin pa. Suggest naman kayo oh! :))

------------------------------------------

Wala na akong masasandalan pa. I thought I can be independent from them, pero nagkamali ako. Hindi ko pala talaga kaya.

"wag kang tatalon!!" biglang may sumigaw. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Tumayo ang mga balahibo ko at nanginig ang binti ko. Kumislap ang mga mata nya sa sikat ng araw. "ibaba mo yung hagdan!" sigaw ni Xander na nasa baba ng terrace.

Pagakyat nya. Napaupo na ako dahil hindi na kinaya ng tuhod ko. "Oh? Anong nangyari sayo?" tanong ni Xander.

"wala 'to!" sabi ko. Umupo sya sa tapat ko.

"bakit ka nandito? Nagcut ka no?!"

I nodded, "eh ikaw? Nagcut ka din no?!"

"tinatamad ako and I'm working with something."

"let me guess.. still working on that girl statue??"

"yeah. I think so. Di ko talaga alam. I've spent the whole morning na tinititigan lang yung picture pati yung marble. Pero wala akong napala."

"kaya mo yan. Ikaw pa! idol ata kita." Pinapalakas ko yung loob nya pero sarili ko, hindi ko magawa.

"idol parin ba ang tawag mo sa taong hindi alam kung paano simulan ang isang bagay kahit gusting gusto nya dahil mahal nya-" naputol bigla.

"mahal? Ang alin?"

"wala. Never mind."

"aahh.. di naman ako slow Xander. Mahal mo yung girl no?!?! Ayie." Tukso ko.

"di ko alam.."

"sus. Di alam. Madudulas ka na nga kanina eh." Tumingin sya saken. Ibang klaseng tingin. Nanlamig ang paligid. Parang umiikot yung paningin ko tapos di na ako makagalaw.

"siguro nga, mahal ko na sya.."

*block out*

"Hannah? Hannah!" Xander snapped under my nose.

"oh? Ano nga ulit yun?" ano bang nangyari saken!

"ang tagal mong magsalita. Almost I minute akong naghihintay sa sasabihin mo.."

"huh? Ano bang nangyari?"

"di ko alam. Bigla ka na lang natulala tapos ayaw mo ng magsalita. Ano bang nangyari sayo?"

"wala naman."

"weird ah."

"back in our business, mahal mo sya?"

"siguro. Oo!"

"yun naman pala eh. Diba dapat mas gusto mo syang mabuo dahil mahal mo sya?"

"pero sa istatwa ko ibubuhos yung pagmamahal ko, hindi dun sa tao."

"pwede ba yun?" I'm so confused.

"parang.. ganun kasi ang nangyayari. Yung elves nga, dati hilig ko yun, pati yung ibang mga istatwa sa bahay. Lahat yun kinaadikan ko, pero nung natuto akong magukit tapos nagsimula nako, sa bawat nauukit ko, bigla na lang, parang ayoko na."

"so.. parang ang lumalabas dito, ayaw mong I let go si girl?"

"ewan. Siguro ganun na nga." Napaisip ako bigla. So complicated naman. "umalis na pala si Kuya Hanz.." sabi bigla ni Xander.

Hindi na ako umimik tapos bigla akong naiyak. Pinunasan nya ng damit nya yung luha ko.

"Xander, hindi ko pala kaya na wala sila. Ang yabang ko pang sabihin na di ko sila kailangan. Tapos ngayon, iiyak iyak ako. I'm so stupid!"

"Hannah, nadala ka lang siguro ng sitwasyon. Ganyan talaga, masyadong mapaglaro ang tadhana." Still crying. "but, ito ang tatandaan mo. You still have me, and I still have you. We still have each other. There's nothing to worry about." He kissed me in my hands.

Sinamahan ako ni Xander hanggang sa makatulog ako. Pero joke joke lang yun para makauwi na sya. Ang dami na nyang nasayang na oras para lang punasan ang luha ko. "wag mong iisiping wala ng may pakialam sayo, I'm still here Hannah. Let me know kung kailangan mo ako. I'll leave everything for you." Naririnig kong sabi nya. Iimik kaya ako? Naramdaman kong kiniss nya ako sa noo tapos sumara na yung pinto ng terrace.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon