Lunch time, I told Jenny na wala akong ganang kumain, pero sa totoo ayoko lang sumabay dahil kasama na nila sila Ismael at Ericka, LOVEBIRDS?!?!? I bought na lang siomai, yun na lang muna lunch ko ngayon. Pumunta ako sa groto sa likod ng gym, napakatahimik na lugar. Perfect for me. Tinanggal ko yung coat ko. Napabuntong hininga ako..
“mukhang malalim iniisip mo ah..” AY KALABAW!! Hinanap ko yung nagsalita. Wala naman. May bumato saken ng stick mula sa taas,
"Xander?” tinanggal nya yung cap na nakatakip sa mukha nya. Nakahiga sya sa sanga! As in sa sanga ng puno!! “anong ginagawa mo dyan?”
"natutulog.”
"naabala ba kita?”
"hindi naman, wala kasing pumupunta dito ng ganitong oras kaya nakakapanibago.”
"sige, alis na lang ako.”
"WAG!” sigaw ni Xander nung patayo nako. “ I mean, you can stay..” tinakluban na naman nya yung mukha nya, “bakit dito ka nakain?”
"wala lang, para maiba naman atmosphere.”
"bakit di mo kasama BF mo?”
"BF?!” nagulat pa ako sa lagay na yun ah.
"yeah.. sino ule yun, James Villanueva.”
"he’s not my BF.”
"bakit lagi kayong magkasama?”
"actually, he’s courting me.”
"ahh.. I see, sige kumain ka na.”
Di naman mahirap makipagusap sa kanya, minsan nga lang, ayaw lumabas ng mga words sa bibig ko. Habang inuubos ko yung 10 pcs siomai ko, di ako mapakali, feeling ko naman tulog na sya. Ano yun kahit nakapikit sya tumatayo parin mga balahibo ko?!?! Ano bang meron sa lalaking ‘to.
Nung nagtime na, sabi ni Xander, mauna na daw ako. Eto naman akong si uto uto, sinunod sya. Habang naglalakad sa corridor.. parang may kulang? Parang meron akong nakalimutan?!!? Ano nga ba?
Yung coat ko!!!!!!!!!
Tumakbo ako pabalik pero hindi pa ako nangangalahati ng takbo, nakita ko na si Xander na tumatakbo at dala yung coat ko.
"nakalimutan mo..” sabi ni Xander na hingal na hingal.
"oo nga, salamat.” I gave him a smile. Sabay na kami naglakad pabalik ng building namen, sa Corridor pinagtitinginan kami ng mga tao.
"wag mo silang pansinin..” bulong saken ni Xander.
"BBBBEEESSSSSS!!!!” oh – ow? Si Jenny!! Kakapasok lang din nila ng building, nagtagpo pa mga landas namin. “akala ko ba wala kang ganang kumain?!?!” sabi ni Jenny.
"ah, sige mauna ka na, baka malate ka pa.” sabi ko kay Xander. Umalis na lang sya bigla.
"si Alexander yun ah?!” sabi ni Raymart.
"kilala mo sya?” tanong ko.
"teka! Teka! Bes, di mo pa sinasagot yung tanong ko..” singit ni Jenny.
"hay nako! I’ll explain later. Malelate na tayo oh?!” nilagpasan ko na sila Jenny at binilisan ang lakad. TSS! Nasilayan ko pa yung lovebirds! Err.
Sa room, etong si Ericka abot langit ang ngiti at napakaingay habang nagkukwento sya tungkol kay Ismael.
Habang nagaayos ako ng gamit dahil uwian na pumasok si Ismael sa room namen, nakatingin sya saken. Napangiti ako ng wala sa oras..
"Ericka!!” tawag nya. What The Fuck! Nawala sa isip ko na si Ericka ang sadya nya. Asa namang ako!!! Wait! Ano ba ‘tong iniisip ko?! Umuwi agad ako at nagpalunod sa rootbeer habang nanunuod ng Tom and Jerry nawala badtrip ko. Teka? Bakit nga ba ako badtrip?.. Jenny’s calling..
J: HANNAH!!! BAKIT BA ANG HILIG MONG MANGIWAN!?!?!?!?!?
H: ano ba Jenny?! May sundo ka naman ah!
J: KAHIT NA!! KAILANGAN MO PANG MAGPALIWANAG SAKENNNNNN!!!!
A: oo na. punta ka ng bahay. *toot*
I ended the call, baka mabasag eardrums ko sa boses ni Jenny e. dumating na si Kuya kaya sabay na kami nagdinner..
"Princess, Maestro Pablo wants you to do a recital.” Biglang sabi ni Kuya. Nabulunan tuloy ako.
"what? *cough**cough*”
"sorry Princess kung nabigla ka.. inom ka water oh..”
*cough**cough* inom. *cough* inom. Okay na.
“okay na ba?”
"yeah.. I’m fine. Nabigla lang ako.”
"sorry talaga.”
“its fine Kuya, what? Recital? Why?”
“I don’t know either why.. sabi lang nya sabihin ko daw sa’yo. Tomorrow ata nya sasabihin sa’yo ang details.” Sabi ni Kuya.
Naalala ko nung i- enroll ako ni mom sa isang violin lessons, sa graduation day namen, yun yung tutugtog kayo ng isa isa abput sa natutunan nyo sa lessons, I got a solo part tapos naputol yung string. Umiyak ako sa harap ng stage. Nakakahiya.
Di muna ako matutulog, lumabas ako ng terrace at tumugtog.. malakas ang hangin, cloudy ngayong gabi kaya di kita yung moon.. napatigil ako sa pagtugtog. Eto na naman! Kinikilabutan na naman ako. Hinanap ko sya.. at sa kabilang street, katabi ng bahay na katapat namen.. nandun sya, nakatayo, lumabas ang moon at kuminang ang mga mata nya. Ang mga mata nyang nagbibigay sakin ng ganitong pakiramdam. Ngumiti sya at nagthumbs – up.
Dun ko lang napagtanto, doon sya nakatira?????? Bakit di ko man lang naiisip.. Alexander Santiago, Santiago nga pala ang apelyido ng mga nakatira sa bahay na yun. Napakahina talaga ng ulo ko.
*********************
please leave comments and continue supporting and reading my stories. THANKS VERY MUCH!!!!!