Hello!! wala lang. :)
********************************************
I opened my eyes with blur vision. Sa amoy pa lang, sa pakiramdam pa lang alam ko nang nasa Hospital ako. I tried to move, pero masakit ang buong katawan ko. Simula ulo hanggang kuko sa paa. May dextrose and oxygen tank sa tabi ng bed, tapos parang may matigas na bagay na nakakabit sa left arm and right leg ko.
I’m alone.. alone again. In this four cornered room. Nothing else. Just me alone. Tears start running down my cheeks. Siguro may nakakita lang saken sa daan na nakahandusay tapos sya na lang nagdala saken dito sa hospital or yung truck driver na nakabangga saken ang nagdala. Tapos after nila akong madala, iniwan na lang ako. Hayaan na lang akong magising isang araw na walang maalala. Pero sorry sila, buo parin ang memory ko. Walang nakalimutan ni isang maliit na detail. Pero nandun parin ang sakit. Ang sakit ng pagiwan saken ni Kuya Hanz, ang pagkalayo saken ni Jenny at ang malaman mong bading ang hinayupak na mahal mo.
*creep!*
Biglang bumukas ang pinto. Nung nakita ko sila, gusto kong tumayo at yakapin sila ng mahigpit.
“Elise.. anak.” Niyakap ako ni Mom na umiiyak. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Lalo lang bumuhos ang luha ko. “Anak, akala ko mawawala ka na samen ng Dad mo. You’d been in comatose for almost 5 days.” Mom said.
“My Princess..” lumapit si Dad and hugged me. “wag na wag mo na ulit uulitin yun. muntik pa nga kaming mauna sa langit nung sinabi samen ang nangyari sayo..”
“hi- hindi ko na- napo uulitin.” I said crying.
*creep!*
Nabaling lahat ng tingin namen sa pinto, ang dalawa kong knight in shining armor ay nandyan na. una kong napansin si Kuya Alex, dahil ang daming nagbago sa itsura nya. For how long na ba kaming hindi nagkikita? Almost 5 or 6 years na ata.
“Princess..” niyakap nya ako.
“awww..” I sreamed. Sa sobrang higpit kasi ng yakap ni Kuya Alex.
“ay sorry Princess!” sabi ni Kuya Alex. “naexcite lang ako masyado!” biglang lumapit si Kuya Hanz at pinunasan ang luha ko. Ngumiti sya.
“Kuya.. so- sorry. Hindi ko sinasadya.” I said.
“sshh. Princess. You don’t have to be sorry, ako dapat, dahil kung hindi kita iniwan, di mangyayari sayo yan. Akala ko matututo ka sa pagalis ko.”
“natuto na naman ako. Pero humantong pa sa ganito.”
“Yan kasi! Dapat nakikinig ka sa mga nakakatanda sayo!” someone shouted. Pagtingin ko.
“BES!” lumapit sya saken. “halika nga dito.” Niyakap nya ako.
“Bes.. sorry..” sabi ni Jenny.
“di naman ikaw ang may kasalanan eh.”
“kahit na! wala ako sa tabi mo sa mga times na kailangan mo ako. Nagkaganyan ka tuloy. I will never be a good bestfriend to you.”
“Jenny.. you is enough. Wala na akong hahanapin pa.”
“I’m touched!”
It’s like every pieces of me became whole again. I’m broken before but now, I’m whole. I’m complete! This is me. My family is the ones who made my whole life complete and perfect.