Ang aga pa! pero hindi na ako makatulog dahil sa nadiscover ko kagabi. Kaya eto ako ngayon sa room namen, ako pa nga lang ang tao. Imaginin nyo na lang kung gano ako kaaga. Err. Ang nakakabadtrip pang part, di pa makakapasok si James. Ang lalo pang nagpabadtrip saken ngayong araw, yung LOVEBIRDS!! Kilala nyo nakung sino, sama ng sama samen. Miskimo recess and lunch buntot padin samen. Parang may mga glue pa sa katawan kung magdikit, parang wala ng bukas.
Dismissal. Di pa pwedeng makauwi si Jenny dahil may pinapagawa pa sa kanya yung teacher na favorite sya. Asar nga si Jenny e, kaya ako ‘tong magisa. Nasa locker room ako ngayon at nagaayos ng mga gamit ko. Palabas na ako ng locker room, wala namang tao, binabasa ko yung report ko..
"baka madapa!” pagtingin ko sa may doorway, si Xander, nakasandal sa may pader. “samahan mo ako.” Nagsimula na syang maglakad, kaya sumunod na lang ako. Nasa likod nya lang ako habang naglalakad kami. Wala na din kami sa school, ang layo na ng nalalakad namen. Teka! Palabas na ‘to ng subdivision ah. Tumigil sya sa tapat ng isang Café? Bakit kami nandito? Tumingin sya saken at ngumiti, napangiti naman din ako. Err.
Di na ako nakapagsalita hanggang sa nakaupo na kame. Nasa tapat ko sya ngayon at tinititigan ako!
"bakit ang tahimik mo?” tanong ni Xander.
"a.. a.. ah...” yun lang nasabi ko.
"pasensya na, gusto ko lang may kasama kumain..”
"a.. ayos lang..”
"let’s eat.” Sabi ni Xander, ano ba ‘to?! Di man lang sinigurado na okay lang talaga saken. Haix. Okay lang masarap naman ‘tong inorder nya e.
“lagi ka ba dito?” tanong ko.
“di naman.. pag trip ko lang..”
"bakit parang kilala ka na ng mga tao dito?”
"ewan ko sa kanila..” eto na naman, pinagtitinginan kame.
"don’t mind them, ngayon lang sila nakakita ng gwapo at maganda.” Huh? No daw? “balita ko magrerecital ka daw?” habol nya.
"oo nga daw e, pero di pa sure un.”
"bakit parang sa reaction mo, ayaw mo? Magaling ka naman..”
"di ako sanay humarap sa maraming tao..”
"mahiyain ka pala..” nagnod na lang ako. “gusto kasi makita ni Maestro kung katulad kadin ng mga parents mo..” napatitig na lang ako sa mata nya, beautiful but mysterious. Napatagal ang kwentuhan namen. Di namen namalayan 5:00pm na pala. May practice pa kame!
Lumabas na kami ng Café. Nakita ko si James sa tapat, may kausap na lalaki at hinawakan sya sa braso at nagngitian sila. I tried to call him pero its too late, nakapasok na sila ng kotse. Pagsakay namen ng taxi ni Xander, I texted James kung nasaan sya,
Reply: at home, nagpapahinga. Bakit?
I’m sure sa nakita ko, si James yun at kotse din nila yun. Nagsinungaling sya. Err.
"ang tahimik mo na naman..” sabi ni Xander.
"may iniisip lang.” tapos di ko alam nasa tapat na kami ng bahay namin. “sabay ka na saken papunta ng Chapel, punta ka na lang sa bahay..” sabi ko kay Xander tapos pumasok na ako sa bahay.
Pagdating namen sa Chapel, “ija, nandito ka na pala, kanina pa kita hinihintay..” sabi ni Maestro at niyaya nya akong magusap about sa recital, “nasabi na ba sa’yo ng Kuya mo na sa susunod na linggo na ang recital?”
"huh? Hindi pa po..” yun na nga, sinabi nya yung mga details. Umoo na lang ako, hindi naman ako makatanggi kasi involve yung names ng parents ko.
“thanks ija, your parents will be so proud of you..”
"your welcome pero paano po ako makakapagpractice?”
“good question.. si Xander ang magpapractice sa’yo..” sabi ni Maestro. Tumingin ako kay Xander, ngumiti sya at inabot saken yung music piece at sinabing,
“we’ll start today..”