CHAPTER XXIX: It's more heavier than yesterday.

240 3 0
                                    

                Inubos ko na. Lahat lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Nasa tabi ko lang si Ismael, walang nagsasalita saming dalawa. This is what i need. Silence pero may kadamay.

                “Ma’am Hannah, aalis na po si Sir Hanz.” Sabi ni Cassandra.

                “ikaw na lang ang magpaalam para sakin.” Lumabas na ng kwarto si Cassandra. Maya maya, narinig kong bumakas ang gate at ang kotse ni Kuya. Sinilip ko sya sa may bintana. Hindi man lang nya nagawang silipin ako. Aalis na nga talaga sya. Iiwan na nya talaga ako.

                Nagready na ako for school. Nakita kong may papel sa center table. Its addressed to me.

Princess, sa tingin ko ay di mo na ako kailangan. Total, matagal na din naman akong pinapabalik para makatulong ako sa kanila. Akala ko kasi kailangan mo ako dito. Madami na din kasi akong napapabayaang trabaho dahil masyado nang matagal ang pagstay ko dito. Nakakalungkot lang kasi hindi tayo ayos bago ako umalis. But still, alam kong you’re a strong woman. Kaya mo yan. Be good and take care. I love you, Princess.

                                                                                Love, Kuya

                Sinilid ko na lang sa bag ko yung sulat at umalis na. mas maganda nga yung ganito. Back to normal na ako ule. Walang kasama. I’m used to it before, masasanay ule ako.

                Pagbaba ko ng sasakyan, nakita kong papalapit saken si James. Kumulo ang dugo ko. Gusto ko syang suntukin.

                “Elise..” tawag nya habang papalapit sya. Lalo tuloy akong nagalit. Tumakbo ako at sinipa sya. “bakit mo ginawa yun?!?!” sabi nya habang nakahandusay sa lupa.

                “MTHROFBTCH- AAHH!” biglang may humigit saken.

                “ELISE!” tawag ni James. Tumingin ako sa humigit saken. Hindi ako makapagsalita at napaiyak na lang.

                “wag ka ngang umiyak dyan. Akala ko ba ubos na luha mo kahapon.” Sabi nya. Nasa likod kami ng Canteen.

'               “bakit mo ba kasi.. ako hinigit?!?!” binato ko sya ng bag ko. “tatapatin ko na nga sya na alam ko na, Ismael naman!”

                “maghulus dili ka nga. Nasa public place kyo.”

                “ano bang pakialam mo?!?! Gusto ko syang bugbugin! Gusto ko syang sipain! Gusto ko synag patayin!!! Yun ang bagay sa kanya. @#$%^&* sya.”

                “please calm down Elise.”

                “kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, makakapagrelax ka ba?!”

                “ELISE! I SAID STOP!” he shouted. Napaupo na lang ako sa lupa sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Lumapit sya saken at hinawakan ang kamay ko.

                “nagaalala ako. Elise, tama na.”

                “wala kang pakialam sa nangyayari saken.”

                “may pakialam ako dahil..” di na nya tinuloy.

                “ano?! Dahil ano?!?!” sigaw ko. “ano?! Bakit ayaw mong ituloy!!” tumungo lang sya. “kung ayaw mong magsalita, edi wag! I’m out of here!” tapos naglakad na ako paalis.

                “Elise..” lumingon ako. What..

                “Miss Torres, can you please recite the line that Juliet told Romeo in the balcony..” sabi ng teacher ko.

                “Ma’am, I don’t know.”

                “Miss Torres, hindi mo pinagaaralan ang assignment nyo.”

                “sorry.” Pinagtinginan ako ng mga classmates ko.

                Paulit ulit. Walangya ka Ismael! Dumagdag ka pa sa pasanin ko. After ng subject nay un, nagcut ako ng class. Walang nagawa ang mga bodyguards ko kundi sundin ako. Umuwi ako at nagkulong sa kwarto.

                “Ma’am Hannah, dito pa ba kayo sa kwarto kakain?” tanong nI Cassandra.

                “wala akong gana, Cassandra. Iwan mo muna ako.”

                Mapuntahan kaya si Kuya, lumabas ako ng kwarto. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Kuya, ready nang kumatok tsaka ko lang naalala na umalis nap ala sya. Iniwan na pala nya ako. SI JENNY!!! Tumakbo ako pababa tapos napatigil ako, galit pala sya saken. Umupo na lang ako sa terrace. All I have is me, me alone. Eto kaya yung sinasabi ni Ismael na mapapansin ko sa pagdaan ng panahon. Eto ba yun?!?!? Mapapatay talaga kita Ismael kasama ni James.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon