After ng exam, napagdesisyunan namen na gumala, pero dahil iba iba ang gusto naming puntahan, we end up sa bahay nila Ismael. Di ko din nasundan kung bakit sila pumayag ang narinig ko lang, “Masaya dun!!” sabi ni Raymart.
Malayo pala yung bahay nila 3 village ang layo samen. Nung nakarating na kami, di ako masyadong nagulat dahil hindi naman sya malaki. Parang kasing laki lang ng bahay namen. Ang pagkakaiba lang, parang molecules yung structure na parang patriangle. Nahahati sa 3 yung bahay. Maliit lang yung garden nila, may maliit na pool din. Color brown yung roof at touch of yellow yung body. Pumasok na kami sa loob. Dito ako napapanganga. Parang cathedral yung hall, circular yung shape. Napakadaming paintings ang nakadisplay, kahit yung mga kasama ko di makapagsalita. May three way. Left, right and center.
“sa right side, yung living room..” panimula ni Ismael, “sa left side naman yung dining room and kitchen at eto namang gitna, daan papuntang second floor at sa iba pang part ng bahay. Sa taas tayo, nandun yung entertainment room.”
Mali palang minaliit ko yung bahay nila Ismael, parang art exhibit na museum na cathedral. God! It’s beautiful.
“Mama ni Ismael ang nagpaint ng mga yan.” Bulong samen ni Raymart. Naglakad na kami papunta sa daan sa center, nagulat ako bigla dahil may lumitaw na magandang babae. “dumating na po pala kayo.” Sabi nung magandang babae. Her smile is as sweet as honey. Maid nila ang magandang babaeng ‘to?! “padalhan kami ng meryenda taas.” Sabi ni Ismael dun sa magandang babae.
“Raymart! Bat inuutusan nya yung babae?” pabulong na tanong ni Jenny.
“Helper kasi nila yan, si Leanne.”
“HELPER NILA NYANG MAGANDANG BABAENG ‘YAN?!?!?” sigaw ni Jenny. Tinakpan ko yung bibig nya. Tumingin silang lahat sa direction namen.
“He-he! Gutom lang si Jenny. Naghahallucinate na. He-he!” palusot ko.
“bibilisan ko na alang po ang pagdala ng pagkain sa inyo.” Sabi ni Leanne.
“halika na.” sabi ni Ismael.
Umakyat na kami sa hagdan. Nabilang ko yung mga pintong nadaanan namen, 10 lahat tapos pang11 yung entertainment room. Pagpasok naman sa loob, I was like WOOOHOOOHOOO! The room was small pero di mo masasabing maliit dahil napagkasya nila yung billiard table, flat screen TV- I think 12 inches ata tapos yung bar pa. sa bahay nga namen walang ganito e.
“nice!” sabi ni James.
“p’re billiards tayo!” sabi ni Raymart.
“sige..” sabi ni Ismael tapos tumingin sameng mga girls, “pwede kayong manuod ng movie, nadun sa cabinet yung mga DVD.”
Sumilip ako sa napakalaki nilang bintana at nakita mula sa kinatatayuan ko ang mga bodyguards kong inip na inip na. dapat pala di ko na sila pinasama e. hay.. ayoko naman nung papanuodin nila Jenny, drama and romance.
“Sali ako!” sabi ko sa mga naglalaro ng billiards.
“uh? Babae ka!” sabi ni Raymart.
“andaya naman. Hindi porket babae ako di ako pwedeng sumali sa inyo.” Marunong din naman akong magbilliards, nung 1st year HS ako lagi akong tamaby sa mga billiaran.
