CHAPTER XXVII: A Serious Conversation.

229 3 0
                                    

                Argh! Mga tao talaga pakialamera. I don’t need her. Kaya ko naman ng wala sya. Nabuhay ako ng di ko sya nakikilala pa. di sya malaking kawalan. Si Jenny lang yun.

                Magsama sama silang lahat. Si Kuya na diktador, si James na bakla at si Jenny na pakialamera. Di ko sila kailangan, I can handle myself. Malaki nako para alaga pa!

                “gin nga!” sabi nng lalaki sa tabi ko. Medyo umiikot na yung paningin ko at sumasakit ang ulo ko, “mukhang problemado ka ah?!” said the guy. Nung nafocus na yung image..

                “Ismaeeeeel..”

                “wag kang maysadong maglasing at baka kung sino sino dyan ang mahalikan mo.” Biro nya.

                “di nakakatawa yung joke mooo.. Koooorneee!”

                “makikinig naman ako sa mga sasabihin mo.” Nung una, di ko magets yung sinabi nya pero nung naprocess ko na sa utak ko.

                “alam mo baaaang.. bading si James?” uminom ako sa glass ko.

                “buti naman at nahalata mo na. ang tagal na nun.”

                “bakit di moooo sinabeee agad sakeeeen?!?!”

                “maniniwala ka ba?”

                “syempre naman!”

                “tss! Its useless. Baliw na baliw ka kay James. Di mo ako paniniwalaan. Panigurado!”

                “gagooo kaaaa!”

                “oh? Meron pa ba?”

                “nagaway kami ni Jenny at nasampal ko syaaa..” di sya umimik, “HA?! Nasampal ko ang bestfriend ko. Nasigawan ko pa.”

                “mga babae talaga. Tsktsk!”

                “magkagalit din kami ni Kuya.”

                “bakit?”

                “dahil dun saaa nalaman nyaaang.. kayooo.. kalabaaaan..”

                “kaya ko nga kayo pinapaalis agad nun. Para wala ng gulo.”

                “eeeehhh?!?!?! Bakit di mooo sinabi agad saken na kayooo palaaa ang mayari nung lintiiik na kalaban namen kung alaaam mo namaaaan palaaa na kami yuuun.. UGH! Nahihilo nakoo..”

                “ano? Meron pa?!” tanong ni Ismael, WTF! Di sya nakakatulong ah! Di na lang ako sumagot at uminom pa ng isang pang baso. Ang sakit na ng ulo ko. “nasayo ang paraan kung paano maayos ang lahat.”

                “wait! What areee you sayiiing? Di ka nakakatulooong ah..”

                “just think of it.”

                “ah! Eeewan ko sayooo!!!” yun na lang namanage kong sabihin dahil nahihilo nako.

                “bakit ngayong mas kailangan mo sila tsaka mo sila inilalayo sa’yo?!?!”

                “I don’t need them!!”

                “PRIDE!” sigaw ni Ismael. I was so stunned to answer back. “isa kang mapride na tao. Tsktsk”

                “no! I’m not. Pinapakita ko lang sa kanila na malakas ako at kaya ko!!!”

                “hindi mo naman kailangan na.. ilayo at saktan sila para lang mapatunayan mong kaya mo at malakas ka, kasi pag ganun, hindi ka na nila aalagaan pa dail nga malakas at kaya mo na.”

                “ano ako?!?!! Baby?!?! Na kailangan pang alagaan?”      

                “wala namang pinipili ang pagaalaga eh. Dapat maramdaman na isang tao na minamahal sya, dahil kung hindi..”

                “kung hindi?” uminom sya. “makikita mo ang mga sinasabi ko sa mga darating na araw na di mo sila kasama.. you should know what are you wasting.” Seryoso nyang sabi. Yung tipong nangyari na sa kanya. “tama na yan!!  Umuwi ka na.” inagaw nya yung glass ko at inalalayan ako palabas.

                “you don’t need to help me..” pumalag ako. “ I can..” naglakad nakong magisa.. nahihilo akooo.. naout of balance ako.

                “tulungan na kasi kita.”itatayo n asana nya ako.

                “no! I can! Kaya ko na!”

                “wag ka nga makulit. Di ka nga makalakad ng daretso eeh!!!” UGH! Nahihilo na talaga ako. Sumakay kami ng trike. Pagtingin ko sa labas, nakita ko yung kotse namin. Nako naman! Binaba ako ni Ismael tapos yung mga bodyguards ko binuhat ako.

                “ISMAEEEEL!!! Malakas ako! Tandaan moooo!” pumasok na kami sa kotse. Block out.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon