CHAPTER XXXVIII: A Call to Serve.

215 4 0
                                    

 Dear Beloved Readers, ang tagal kong hindi nagupdate kaya dadalawahin ko ang update ngayon. PASENSYA!! :)

The next morning, ginawa ko na ang mga projects ko. YES! Malapit nakong mag4th year tapos kukunin na ako nila Mommy.

                “Bes, gusto mong gumala?” Jenny asked.

                “saan naman?” tanong ko.

                “kahit saan!”

                “AYOKO!”

                “KJ! Punta tayong Salon. Paayos tayo.”

                “tinatamad ako.”

                “bilis na kasi!!”

                “ibangon mo koooo!”

                “ibabangon ba talaga kita? Or?” pinatunog ni Jenny yung mga daliri nya.

                “sabi ko nga babangon nako.”

                Natakot ako kaya sumunod nako. Pumunta kami sa Salon nila Jenny, as usual, binati kami ng mga naggagandahang babae.

                Pagpasok namin sa loob, siniko ako bigla ni Jenny. “Aray naman! Ano ba?!” sabi ko. Ngumuso sya sa rigth side ko. Pagtingin ko, nakaway samen ang mama ni Ismael. Nakatinginan lang kami ni Jenny tapos lumapit kami.

                “Hello po Tita.” Bati ni Jenny. Nagbeso samen yung mama ni Ismael.

                “magpapaayos din kayo?” tanong nya.

                “opo sana..”

                “sabay sabay na tayo.” Masayang sabi ng mama ni Ismael. Nagtingin tingin ako sa paligid, wala ata si ate Inna. Inassist ni Jenny ang mama ni Ismael sa loob.

                “come on Bes.” Bulong nya saken. Naiilang ako kasama mama ni Ismael.

                Nagpatrim lang ako ng buhok. Naalala ko tuloy nung nagkakagulo kami dito noon. Natatawa na lang ako. After nun, nagintay na lang ako sa lobby dahil nagpapamassage pa sila. Nagbasa basa nang kung anu ano. Boooooring -__-“””

                Biglang nagbell yung door, may pumasok siguro na costumer. “goodafternoon Sir, welcome to Top Rated Salon.” Bati ng mga staff. May pumupunta din pala dito na mga lalaki. Benta ah!

                “Elise??” bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig kong boses. Hindi ako makapagsalita. Ang totoo nyan, nagulat ako dahil si Ismael yung tumawag sakin.

                “a- anong ginagawa mo – mo dito?” tanong ko.

                “uhm.. sinusundo ko lang si Mama, nakita mo ba sya?” tinuro ko yung pintuan ng massage room.

                “nandun kasama si Jenny.”

                “o sige.. salamat.” At pumasok sya dun sa pinto.

                Hindi ko alam kung anong nagyari saken, bigla na lang akong tumayo at lumabas sa Salon. Huminga ako ng sobrang lalim para mahismasmasan ako. Bakit kung saan ako pumunta, nandun din sya?! Pwede ba tantanan nya na akooo! Ayoko na. Nagrefresh muna ako tsaka bumalik sa loob. Tinuloy ko na yung pagbabasa ko ng magazine. Bumukas yung pinto at may narinig akong mga babaeng boses..

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon