CHAPTER X: My bandmate.

356 7 0
                                    

Its 4:50pm at my watch, nagpark na kame sa may tapat ng chapel. Naglalakad pa lang kami rinig na rinig ko na yung mga tugtog ng mga instrument. Pumasok kame sa loob. Parang naging kakaiba sa paningin ko yung Chapel namen, every Sunday naman akong nagsisimba.  Kanya kanyang group ang mga nagpapractice, depende sa instrument na tinutugtog nila. We approached an old man..

“Mr. Torres, its nice to see you again.” Bati nung old man at nagshake hands sila ni Kuya.

“pumayag na sya.” Sabi ni Kuya sabay tumingin saken. “Princess, this is Maestro Pablo, Maestro this is Hannah, my sister..” tuloy ni Kuya.

“ikaw pala ang inuca ija nila Ding at Maria.” Sabi ni Maestro Pablo. Sa sobrang lakas siguro ng pagkakasabi nya, napatigil sa pagtugtog yung mga tao at napatingin lahat samen. “tamang tama, napansin ka na nila, halika na ija, we’re about to start.”

Syempre naghesitate pako, pero tinulak ako ni Kuya, kaya wala akong nagawa, sumunod kami kay Maestro. Habang naglalakad, napatitigil ako at kinilabutan.

“is there a problem Princess?” tanong ni Kuya.

“no.. nothing.” Dumaretso nako sa paglalakd papalapit sa mga magiging bandmates ko. Lagpas 20 ata ang mga member, ang range na age nila is about 15 – 25. My most hated part, ang pagpapakilala.. dahil nga don, walang lumabas na word sa bibig ko kaya si Maestro na ang nagpakilala saken. Binigyan ako ng music piece at umupo sa tabi ng mga violinist.

“welcome..” sabi nilang sabay sabay. Natuwa naman ako dahil friendly sila. Pinapractice ko na yung music piece nang biglang nandilim ang paningin ko, nakita ko sa dilim yung mga mata. His gold eyes. Nung bumalik yung paningin ko, hinanap ko sya, impossible kasi na ganun kalakas yung tama saken nung mga mata nya kung wala sya sa tabi tabi, pero wala sya.

Nagstart na kaming magpractice, dinadahan dahan lang namin dahil medyo complicated yung music piece. Pagtingin ko sa group ng mga bass guitar. Nakita ko na, nakita ko ang mga mata nya. Kumikinang sa ilalim ng mga ilaw. Lagi na lang akong napapalingon sa kanya. Sabi ko na nga ba?! malakas ang effect ng mga mata nya saken pag nasa malapit sya. Eh bakit ganun? Kinikilabutan na naman ako.

Nag 15 - minutes break kami.

“uhm.. Nicole?” kinulbit ko yung katabi ko.

“bakit?”

“sino yung bass guitarist na yun?”  tanong ko. Sabay turo dun sa lalaking may gold na mata.

“sino??”

“ayun oh!”

“aaaaahhh.. yun ba. Si Alexander.”

“Alexander?”

“Alexander Santiago.. apo sya ni Maestro..”

“aaahh..”

“bakit?! Type mo no?!”

“di ah!” pasigaw kong sabi, “ang ganda lang ng mata nya.” Maganda daw? E kinikilabutan ako pag nakikita ko yan.

“napansin mo din pala, asset nya yan e..” at nagsimula nang magkwento si Nicole. Ang dami kong nalaman. 4th year HS na pala sya sa school ko din, ulila sa nanay at never pang nagkaGF! Impossible no?! pero yun daw talaga ang totoo.

7:00pm na natapos yung practice, “nice job Princess, ang galing mo.” Sabi ni Kuya. Nagpaalam na kami kay Maestro at sa mga nakilala ko na. text text with James the whole night.

Dumaan ang mga araw na hindi nagpaparamdam samin si Ismael, nakakapanibago lang kasi. Ang sabi naman ni Raymart, madami daw ginagawa. E bakit ganun? Kami nga walang mga homeworks at projects e. sila pa kaya?! Weird! And I smell something fishy between Raymart and Jenny.

“Bes, we’re just friend.” Sabi ni Jenny na nakatutok sa phone nya.

“talaga lang ha?! JUSt friends lang ba ang tawag sa maghapong magkatext?!”

“di naman si Raymart ‘tong katext ko no?!”

“defensive ka Bes! Wala akong sinabing si Raymart yan!”

Dyan natapos yung usapan namen ni Jenny dahil natulala na lang sya.

Nagpractice ule kami nung Thursday, bakit habang tumatagal lalo akong kinikilabutan sa mga mata nya?! Lalo akong natatakot pag alam kong nakatingin sya saken. One time nga, nanunuod kami ng movie ni James sa movie house, naramdamam ko! Kinilabutan ako! Natakot ako! Grabe! Pati ba naman dun?!?!?! Pero wala sya dun, wala akong nakitang Alexander.

Its Sunday at first time kong tutugtog sa mass. 3:00pm ang meeting at practice. Pumunta naman ako on time, pero konti pa lang kami. Mga Pilipino talaga?! Tsktsk. Wala akong magawa kasi wala pang mga tao kaya tinotono ko na lang yung violin ko nang..

“hi!” napatingin ako sa mga gold nyang mata. “para sa’yo..” inabot nya yung C2 saken at umupo sa tapat ko.

“thanks.”

“diba ikaw si Elise?!” tanong nya.

“Hannah.” I corrected.

“oo nga pala.. balita sa school na madami daw nagbago sa’yo..” ngumiti sya, “at kitang kita ko naman.”

“napilitan lang ako.”

“sino pumilit sa’yo?! Ang galing naman nya.”

“si Jenny, bestfriend ko.”

“aah, yung maganda na lagi mong kasama, buti na lang talaga napilit ka nya. Dahil hindi ka na nakakatakot!” natawa ako dahil nag act sya na monster, “di pa pala ako nagpapakilala..”

“Alexander Santiago..” panguna ko.

“Xander na lang.”

“nga pala, thank you dun sa pagtulong mo saken kay Richard.”

“wala yun, ginugulo ka pa ba nun?’

“hindi na. salamat ule.”

Nakakatuwa syang kausap at masarap kasama, pero ganun parin ang nangyayari saken at nararamdaman ko pag tinitignan ko sya sa mata, edi wag tingnan! Pero napapatingin talaga ako eh! Err. Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan parin ako, e hindi naman sya nakakatakot.

20 minutes na lang, magsstart na yung mass. Nagsisimula na ding dumating yung mga tao. Nakita ko na din si Kuya, Jenny at James sa may bandang unahan ang arte kasi netong Chapel na ‘to. Pa Orchestra Orchestra pa, pwede namang Choir na lang eh. Kinakabahan ako,

“don’t be nervous, magaling ka naman e.” sabi ni Nicole. May music piece naman kame sa harap namen kaya walang dapat ipangamba, pero natatakot lang ako na maulit yung dati. Kinilabutan ako, tumayo mga balahibo ko. Nakatingin sya saken pero ayaw kong tumingin sa kanya.

Habang tumatagal, nababawasan yung kaba ko, pero hindi nababawasan yung kilabot na nararamdaman ko.

Tapos na ang mass, pauwi na kami, may nagtext.

Galing mo kanina ah.

From: Ismael.

Reply:  thanks. Nandun ka pala?

                Hindi na sya nagreply. Loko yun ah! Samen na nagdinner si Jenny at puro puri lang ang sinasabi nya,

                “hay nako Bes, wala akong pera ngayon, wag mo akong bolahin.” Pero dahil may pasok pa bukas, di pwedeng magpagabi samen si Jenny.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon