We arrived immediately sa Mall. “Susginoo Hannah! Mall lang ‘to!! Hindi ka naman kakainin ng buhay ng Mall no?!” Sabi ni Jenny habang hinihigit ako.
“Ayoko pumasok dyan.”
“Ano ka ba naman Eli- uh. err.. Hannah. Paano mo matutunang humarap sa ibang tao kung sa Mall lang takot kang pumasok.” Pinilit ako ni Jenny at nagbanta pa sya na sapilitan na naman ang gagawin nya pag di ako sumama. Ano pa nga bang magagawa ko? Sunod lang ako ng sunod kahit saan pumasok na boutique si Jenny.
Habang busy si Jenny sa pagpili ng damit.. napalingon ako sa kabilang store. Napabaling ang tingin ko sa isang black shirt with skull rockstar print, so lumapit ako. Hahawakan ko na sana biglang may humigit.
“Excuse me Miss. Nauna ako.” Said the strange guy, but he looked familiar.
“Anong nauna?! Akin ‘to!” Hinigit ko yung shirt.
“Miss! Panlalaki po ‘to!”
“Eh ano naman! Akin nga ‘to! Now, let go!”
Nagtawag sya ng saleslady, “May ganito pa bang shirt?” Taong nung guy.
"Ay sorry po sir, last piece na po yan.” Sabi nung saleslady at umalis na.
"Oh paano ba yan. Last piece na daw.”
“Edi akin na’to!” Hinigit ko.
“Panlalaki nga ‘to Miss. Akin na!”
“Hannah?” Si Jenny dumating na. Good. Ipagtatanggol nya ako dito sa damuhong lalaking 'to! “What’s wrong?” Lumapit samen si Jenny at mukhang ina-analyze yung situation. Tumabi sya saken at nanlaki ang kanyang mga mata. “Ismael?” Nagtataka nyang sabi.
“Jenny?” Sabi naman nung lalaki. So? Magkakilala pa pala sila. Malas nga naman.
“Wow! Ikaw na pala yan. Ang gwapo mo as usual.” Puri ni Jenny. Gwapo daw? Hindi naman eh.
“Ikaw din. Ang ganda mo padin katulad ng dati.” Wala na ba silang masabi kundi maganda at gwapo lang? Parang mga tanga lang e. Kakabwiset.
“P’re, eto mas maganda-“ May sumingit na isa pang familiar na lalaki. I don’t like to describe people, hindi ako marunong kung anong titingnan sa kanila.
“Raymart?” Sabi ni Jenny, lahat ba talaga ng tao kilala nito ni Jenny.
“P’re, si Jenny.” Sabi nung Ismael.
“Jenny?! Ikaw na ba yan?! Ang ganda mo parin ah.” Sabi nung Raymart naman. Bakit ba lahat na lang ng sinabi nila ganun. Parepareho lang. or.. siguro maganda lang talaga si Jenny. Habang naguusap yung dalawa. Napatingin ako kay Ismael.
“You look familiar.” Sabi nya.
“Jenny, Let’s go.” Pero bago pa ako makahakbang pinigilan na ako ni Jenny.
“Hindi nyo ba sya nakikilala?” Tanong ni Jenny dun sa dalawa. Yung dalawa naman kung makapagisip parang hinahalukay na ang mga information sa loob ng utak nila. “Si Hannah- este Elise pala.” Tuloy ni Jenny.
“ELISE!?” Sabay na sigaw nung dalawa.
“Remember them Hannah? 4th grade?” Kaya pala mukhang familiar kse classmate ko pala noon.
“Not so.” Then I run palabas ng boutique. Nakiupo sa mga bodyguards ko. After 10 minutes ng paghihintay, lumabas na si Jenny kasama parin yung dalawang bugok.
“Bes, they’re joining us for lunch.” Sabi ni Jenny.
“No way?!!” Protesta ko, pero Jenny gave me umayos –ka-look, “Bahala nga kayo.” Nauna na akong maglakad pero sumabay sila sakin
“Sino yung dalawang mama sa likod?” Tanong ni Raymart.
“Oo nga. Bitbit pa yung mga pinamili nyo." Singit ni Ismael. "Alalay nyo?"
“Uh? ..” Tumingin saken si Jenny. “Bodyguards ni Hannah.”
“Woooow! Talaga?! Astig naman.” Sabi ni Raymart.
“Weh? Di nga?!” Sabi naman ni Ismael. Di pa naniniwala ‘to. Masample-an nga.
“May pocket knife sya! Sasaktan nya ako!” Sigaw ko, kaya tumakbo sa side ko yung isa tapos ginapos naman nung isa si Ismael.
“Wow! Ang galing.” Sabi ni Raymart.
“Hannah, pakawalan mo na si Ismael.” Sabi ni Jenny.
“Ayaw mo pang maniwala ah.” Sabi ko tapos binitawan na nila si Ismael. Nauna na ako sa KFC. Maya maya dumating nadin sila. Umupo sa harap ko si Ismael katabi si Raymart na katapat naman si Jenny. Umorder na sila Jenny at Raymart kaya naiwan akong kasama ‘tong nakakainis na’to.
“Si Elise ka ba talaga?” tanong ni Ismael.
“Hindi, si Hannah ako.”
“Eh! Ano ba?! Si Elise ka eh!”
“Oo nga, pero si Hannah ako. Okay?”
“Ang taray mo!” Sumenyas ako sa mga bodyguards, “Sorry na..” Habol ni Ismael. Natakot na siguro, kaya pinabalik ko na sila sa pwesto nila. Nagpeace sign sya dun sa dalawa. Nagbuntong hininga sya, “Di ako makapaniwalang si Elise ka. Ang dating mangkukulam ay naging fairy.” Sabi nya na nakapangalumbaba at nakatitig saken.
“Nangaasar ka ba?”
“Pinupuri nga kita e.”
“Pwes! Naasar ako.”
“Nagbago nga itsura, masama parin naman ang ugali mo.” Naginit na ng husto ang ulo ko kaya tumayo ako, “Teka! Saan ka pupunta?” i ignore him. Dumaretso ako sa washroom.
I saw my own reflection sa mirror. Ano ba ako dati? Ano ba itsura ko dati? Hindi ko naman alam dahil hindi ako nagsasayang ng oras tumingin sa salamin. Napilitan lang naman akong maging ganito e, bakit kailangan pati yung ugali ko maiiba din dapat. Hindi naman ata fair yun. Mahinahon na ako kaya lumabas nako. Nakita ko na nakaupo na sila Jenny at masayang nagtatawanan kaya pumunta nadin ako. Pagkaupo ko hindi nako umupo at kumain na.
“Bakit mo tinatanggal yung carrots?” Tanong ng pakialamerong si Ismael. Tiningnan ko sya ng masama.
“Uhm..” Sabi ni Jenny, “Hindi kasi sya nakain ng vegetables eh.”
“Aah.. ganun ba. Alam mo bang pampahaba ng buhay ang gulay?”
“Nakain ka ba ng gulay?” Tanong ko.
“Oo naman.” Mayabang na sagot ni Ismael.
“Kung ipapatay kita ngayon, magagawa bang pahabain ng gulay yang buhay mo?!” Walang nagreact sa sinabi kong yun.
“Palabiro talaga ‘tong si Hannah.” Sabi ni Jenny na pinilit tumawa, kaya nakakairita at tinapakan naman ako sa ilalim ng table.
“Aww!” Sigaw ko but Jenny gave me please-behave-look, kaya nanahimik na lang ako hanggang sa natapos na kaming kumain.
