Aloha mga kababayan! Feeling ko puchu puchu lang 'tong Chpater na'to. Para lang maparami. HAHAHA! Biro lang. Pero try nyo pading basahin ha! :DD
ENJOY :*
-----------------------------------------
After a week, nakalabas na ako ng hospital. Christmas break na naman kaya makakarecover ako over the vacation. Masaya ako, sobrang saya. Hindi ko masabi kung gaano, pero lagpas langit ang nararamdaman kong kasiyahan. Nabuo ule kame. Ayos na ang lahat.
Buhay na buhay ang bahay sa pagdating namen. Siguro nakikiride yung bahay namin. Sinusulit ko na ang bawat oras na kasama ko sila, dahil alam kong darating ang araw kailangan na nilang bumalik ule sa trabaho.
“Princess.. you should rest na.” sabi ni Dad. Inalalayan nila ako papunta sa kwarto.
“ang ganda na ng kwarto mo ah.” Puri ni Kuya Alex.
“si Jenny ang may pakana.” Sabi ko.
“she did a very very good job.” Mom said.
Humiga na ako sa kama, “Princess, do you want us stay here with you?” tanong ni Kuya Hanz.
“just like we used to be before.” Dugtong ni Dad. I smiled and nodded.
Di ko aakalaing mangyayari pa ito. Sa gitna ako nila Mom and Dad tapos naglatag sa baba yung mga Kuya ko. “sleep na our Princess.” Malambing na sabi ni Dad. They kissed me on my forehead at pinikit ko ang mga mata ko at natulog ako ng nakangiti.
Days passed. Unti unti na akong gumagaling. Tinanggal na nila yung braces ko sa braso. Yung mga sugat ko nawawala na din. Alagang alaga ako, naiisip ko, okay lang na ganito ako kasi nandito naman sila, pero after kong maisip yun, narealize ko naman na hindi habang buhay nandito sila.
My celebration of Christmas and New Year became so memorable. After a long long time, ngayon lang ule ako nakapagcelebrate ng kasama sila.
But sad to say, Dad has to leave kasi nagkaproblem sa construction sa LA. I understand. Imbis na ako yung mahirapan sa pagalis ni Dad, sya ang nahirapang iwan ako. Si Mom at mga Kuya ko, mageextend daw. May one week pa namang natitira sa vacation ko eh. Lulubus lubusin ko nang sobra sobra.
Pumunta kami sa hacienda nila Jenny sa Davao, “Bes.. paano na si James?” tanong ni Jenny habang nagpapakain kami ng kambing.
“wala ako sa mood para isipin yan. Gusto kong magpakasaya.” Sabi ko.
“okay. Pero dapat kang magready.
“oo, alam ko.”
“sige ah. By the way, kinakamusta ka ni Ismael at Raymart.” Napatigil ako bigla, si Ismael, yng sinabi nya saken. “hey Bes!”
“uh? Bakit?”
“tulala ka na naman. Sabi ko kinakamusta ka nila Ismael.” Ulit ni Jenny.
“okay lang naman ako, sabihin mo.”
“magkagalit ba kayo ni Ismael?”
“uh? Huh! Hindi ah.” Tumaas ang kilay ni Jenny. Parang may naiisip syang ewan.
Pinanuod ko lang si Jenny mag horseback ride, di pa kasi ako pwede dahil may braces pa ako sa binti. Nagring bigla yung phone ko. Unregistered number. “Hello? Sino ‘to?” (bigla akong kinilabutan), “Hannah.. si Xander ‘to.” Sabi nung nasa kabilang linya. Sabi ko na nga ba.
Ako: oh Xander? Ikaw pala.. (ano ba yan?! Kahit sa phone at malayo iba parin ang effect nya) napatawag ka?
Xander: ahh.. mangangamusta lang. balita ko nasa Davao daw kayo.
Ako: okay na naman ako. Nasa Davao nga kami, sa hacienda nila Jenny.
Xander: fully recovered ka na ba?
Ako: hindi ko pa masasabi, may braces pa kasi ako sa binti tsaka konting sugat.
Saglit lang naman kami nagusap dahil may practice pa sila. Kung anuano lang ginawa naming, namitas ng manga at iba pa. ang saya ng ganitong buhay, malayo sa kaguluhan sa Metro. Tahimik at fresh. Gusto ko dito na lang ako. Saturday, bumalik na kami dahil may pasok pa.