CHAPTER XX: Buwan ng Wika.

372 4 0
                                    

                Dahil magaling nako. Pumasok na ako kinabukasan. May mga school activities na kaya maraming free time.

                August na, Buwan ng Wika. Nagdidiscuss yung adviser namen about sa mga competition na kailangan naming salihan. Dinistribute na ng mga class officers yung mga taong sasali sa ganitong pageant. Di ko nakita yung name ko sa list. Thank God!

                “dahil nalaman nyo na ang sasalihan nyo.. ang paguusapan natin ngayong umagang ito ay tungkol sa Mini Pageant.” Sabi ng adviser namen, “magbobotohan tayo kung sino ang sasali..”

                Ang nanalo sa boys si Ivan Garcia. Isa sa mga kinababaliwan ng mga babae sa buong campus. Ang pinagpipilian sa babae si Joyce at Anne.

                “Ma’am, si Hannah po!!” someone shouted.

                “oo nga Ma’am. Si Hannah na lang po..” habol ni Ericka. Bwusit ‘tong babaeng ‘to. Feeling close e.

                “oo nga Elise, ikaw na lang kaya.” Sabi ni James na katabi ko.

                “AYOKO NGA!” sigaw ko. Nagisip pa si Ma’am.

                “let’s vote!”

                Nasa cafeteria kami ngayon..

                “WHAT!!??”sigaw ni Jenny nung sinabi ko sa kanya, “ikaw ang representative ng class nyo sa pageant?”

*FLASHBACK*

                Lahat ng classmate ko tumaas ang kamay nung pinaboto ng adviser.

                “TRIP NYO KO NGAYON AH!! AYOKO NGA SABI E!!” sigaw ko. At binagsak ko yung chair ko.                          “Miss Torres.. this is a democratic country..” sabi nung adviser namen.

                “anong pakialam ko sa bansa naten?!?!? A-Y-O-K-O-N-G SUMALIIIIIIIII! KUNG GUSTO MO M;Am IKAW N ALANG ANG SUMALI, BAKA MANALO PA TAYO!”

                “report to the office! NOW!” sigaw ng Adviser ko.

*END OF FLASHBACK*

                “AHAHAHAHAHA!” ang lakas ng tawa ni Jenny, pinagtitinginan kami ng mga students.

                “Jenny, tumahimik ka nga! Nakakahiya!” sabi ko.

                “AHAHAHAHAHA!” tinakpan naming ni James yung bunganga ni Jenny.

                Nung tumahimik na si Jenny..

                “akala ko pa naman di mo ako tatawanan..” sabi ko.

                “Bes naman, natawa lang ako dun sa part na pinapunta ka ng Principal’s Office.”

                “eeee? Nakakainis. Di na ako nakapalag.”

                “buti naawa sila sa’yo.” Bulong ni Ismael.

                “anong binubulong bulong mo dyan?!!?!”

                “wala po!”

                “may laban ka naman Hannah diba?!” sabi ni Ericka. Teka! Bakit nadito yan? Sarap batukan, sya ‘tong nagsabi ng name ko kanina kaya napatawag ako sa Office.  Err.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon