VIANA'S POV
Ang OP ko na. Sobrang out of place ko sa dalawang 'to.
Nakaupo ako sa harap nila sa restaurant, nakahawak sa straw ng iced tea ko na parang iyon na lang ang kakampi ko sa mundo. Si Hara, tawa nang tawa, ang sweet ng ngiti, akala mo walang bahid ng malisya. Si Asher, kalmado, composed, parang walang nangyaring tension sa condo niya kaninang umaga.
"Hahaha, talaga? Anyway, kamusta na kayo ni Viana? I was shocked when I heard the news. Is it true?" tanong ni Hara, sabay tingin sa akin na parang inosente.
Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Asher.
"No, it's not what you think. Rumors are plainly fake. Sweet lang kami sa isa't isa ni Viana."
Sweet lang.
Sweet lang?
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Aish. Bakit niya binawi? Kagabi lang halos mag-away kami dahil sa issue na 'to tapos ngayon... dine-deny niya ako sa harap ng babaeng 'to?
Excuse me?
Ngumiti ako. Yung tipong pang-cover lang. Yung hindi umaabot sa mata.
"Excuse me," sabi ko sabay tayo.
"Where are you going?" tanong ni Asher, agad.
"Hahanap ng taong hindi tanga," bulong ko. Tapos tinaasan ko siya ng kilay. "CR lang."
Naglakad ako palabas ng restaurant. Walang CR sa loob kaya dumiretso ako sa garden area ng mall. Huminga ako nang malalim. Nakakainis. Lakas ko pa namang mang-asar kay Hara kanina, tapos itong si Asher biglang umatras.
Hindi ako sanay na dine-deny. Hindi ako sanay na hindi ako pinipili. Punong puno ng inis yung isip ko ngayon.
Habang naglalakad ako, may biglang bumangga sa akin. Kainis!
"Aray! Pucha naman oh!" sigaw ko. Ang lawak-lawak ng daan, sa akin pa talaga. Bakit naman kasi out of space ako.. kasalanan ni asher to eh.
"Sorry," sabi ng lalaki.
Pareho kaming napayuko para pulutin ang mga nalaglag kong gamit—lipstick, phone, compact—
CRACK.
Napahinto ako.
Tahimik.
Slow motion.
Napunit ang pantalon niya sa likod.
Navy blue brief. Clear as day.
Napatakip ako ng bibig. "Pffft—"
Shit. Hindi pwede tumawa. Pero medyo matambok ang ass niya. Lord, bakit ngayon pa?
Namula siya at agad tumalikod. "Diyan ka lang sa likod ko. Huwag kang aalis."
"Aalis na ako. Bahala ka diyan! Ikaw 'tong bumangga—"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa magkabilang balikat niya sa likod, parang ginagawa akong human curtain.
"Bilis. It's also your fault. Hindi tayo magkakabungguan kung pareho tayong tumitingin sa dinadaanan natin."
Wow. May life lesson pa si Kuya habang sira ang pantalon.
"Ang dami mong sinasabi, Mag-CR ka ba?"
"No. Parking lot. I expected this might happen. I brought extra pants."
Napataas ang kilay ko. "So inexpect mong mangyayari 'to pero ginawa mo pa rin?"
"I took a risk."
"Risk taker ka pala."
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
