CHAPTER 27: Jealous

1.4K 37 1
                                        

VIANA POV

Dumiretso ako sa canteen para bumili ng kape. Lumamig na ang hangin; iba talaga ang lamig sa Zambales pag dapit-hapon. Umupo ako sa isang sulok, hawak ang mainit na paper cup, pinapainit ang mga daliri ko. Hihigop pa lang sana ako nang biglang may umupo sa harap ko.

Jason.

"Why do you keep doing that?" diretso niyang tanong.

"Doing what?" sagot ko, pero alam ko na agad.

"Pretending you don't care."

Napairap ako. "Pagod ako, Jason. Huwag ngayon."

"Then when?" sagot niya agad. Hindi siya nakangiti ngayon. Hindi siya yung usual na clown. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

"No." Uminom ako ng kape kahit mainit pa. Napaso tuloy ako pero hindi ko ipinakita. "I'm not going to admit it, Im a girl? Never ko pang nagawa yan?"

He stared at me like I just said something stupid. "And what's wrong with that? Wala namang rule na bawal mauna ang babae."

"Eh bakit hindi siya?" sagot ko agad. 

"Viana." Napahawak siya sa buhok niya, frustrated. "Asher is torpe. Buong campus alam 'yan."

Napasinghap ako nang bigla siyang magmura. Hindi naman siya ganun magsalita. Napaso tuloy ulit ako sa kape.

Lumipat siya sa tabi ko at inakbayan ako. Hindi malisyoso. Comfort lang. "You look miserable," bulong niya. "And you're pretending you're not."

Hindi ko alam kung dahil sa lamig o pagod o sa bigat ng dibdib ko, pero bigla akong napahinga nang malalim. Sandali lang. Isang segundo lang.

I rested my head on his shoulder.

Wala namang meaning. I just needed something steady.

Pero bago pa ako makapikit, may biglang malakas na hila kay Jason. Napaatras siya at ako naman ay napasubsob sa likod ng upuan. Sumakit ang ulo ko sa impact.

"DON'T MESS WITH MY GIRLFRIEND!"

Nanlaki ang mata ko.

Si Asher.

Hindi ko siya kilala sa ganitong anyo. Namumula ang mukha niya, nanginginig ang dibdib niya sa paghinga. Hindi siya sumisigaw madalas. Hindi siya confrontational.

Pero ngayon?

Parang ibang tao.

Hinila niya ako sa braso. Masyadong mahigpit. Hindi masakit, pero desperate. Dinala niya ako palayo, malapit sa lake kung saan kami nagusap kagabe.

"Asher!" sigaw ko. "Ano bang problema mo?!"

"Why are you doing this?" sigaw niya pabalik, sinipa ang isang bato na tumilapon sa tubig. "Why are you pushing me like that?"

"Pushing you? Sinuntok mo si Jason!" sigaw ko rin. "Nababaliw ka na ba?!"

"YES!" sagot niya agad, walang pagdadalawang-isip. "I'm going crazy!"

Huminto ako.

Hindi dahil sa sigaw niya.

Kundi dahil sa sunod niyang sinabi.

"I'm jealous, okay? I'm fucking jealous."

Parang may bumagsak na kung ano sa pagitan namin.

Hindi ako nakagalaw.

Hindi ako nakapagsalita.

Naririnig ko lang ang hangin. Ang tubig. Ang sariling tibok ng puso ko na parang gustong lumabas sa dibdib ko.

Jealous?

Pero... Hara?

"Stay away from him," dagdag niya, mas mahina na ngayon. Hindi na galit. Mas delikado. "Because it hurts. It hurts like hell."

Hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin niya 'yun. Parang nahihiya. Parang ayaw niyang makita ko kung gaano siya ka-exposed.

Bumukas ang bibig ko pero walang lumabas na salita.

Bigla siyang lumapit at niyakap ako.

Mabilis.

Hindi mahigpit. Hindi rin malambing. Parang impulse. Parang hindi niya napigilan.

Ramdam ko ang dibdib niyang mabilis ang paghinga. Ramdam ko ang init ng palad niya sa likod ko. Isang segundo. Dalawa.

Tapos kumalas din agad.

Parang natakot sa ginawa niya.

"I'm sorry," bulong niya, hindi malinaw kung para saan.

Hindi ko alam kung anong mas nakakagulo—yung galit niya kanina, o yung yakap ngayon.

Tinitigan ko siya. Parang first time ko siyang nakitang ganito ka-raw. Walang filter. Walang control.

"Girlfriend?" mahinang sabi ko, pilit na binabalik ang pagiging Viana ko. "Since when?"

Napapikit siya saglit, parang napahiya sa sarili niyang sigaw. "I didn't mean it like that."

"So ano 'yun?" tanong ko. "Selos ka pero may mahal kang iba?"

That hit him. Kita ko sa pag-igting ng panga niya.

"It's not that simple," sagot niya, halos pabulong. "You think I don't know that?"

Lumapit ako ng konti. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro gusto kong makita kung magsisinungaling siya.

"Then explain."

Tahimik siya.

Ang daming gusto niyang sabihin, kitang-kita ko. Pero hindi niya magawang buuin.

"I just..." huminga siya nang malalim. "When I saw you with him, it felt wrong. I don't know when it started. I don't know why. But it felt wrong."

Hindi 'yun confession.

Hindi rin denial.

Mas nakakatakot kasi totoo.

Tumawa ako nang mahina, pero hindi masaya. "Ang labo mo, Asher."

"I know," sagot niya agad. Walang depensa.

At doon ako lalo nalito.

Kung dati sigurado ako na mahal niya si Hara at hanggang doon lang ako, ngayon parang may crack na sa narrative na 'yun. Maliit lang. Pero nandun.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.

O tumakbo palayo.

"Don't touch Jason like that again," sabi ko sa wakas, mahina pero matigas. "Wala siyang kasalanan."

He nodded. Walang argumento.

"And don't call me your girlfriend kung hindi naman."

His eyes softened at that. " okay "

Pero hindi siya umatras. Nakatayo pa rin siya sa harap ko. Ilang pulgada lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang init niya kahit malamig ang hangin.

"Viana," tawag niya, mas kalmado na.

"Ano?"

"If I figure this out..." he hesitated, choosing his words carefully, "will you wait?"

Hindi ako agad sumagot.

Kasi ang totoo? Matagal na akong naghihintay.

Pero hindi ko pwedeng sabihin 'yun.

Kaya tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti nang bahagya. " I don't know asher "

Hindi ko alam kung challenge ba 'yun o self-defense.

Pero sa paraan ng pagtingin niya sa akin—steady, hopeful, terrified—

Parang may nagsisimula na hindi ko na kayang kontrolin.

but I will always wait for him. 

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon