CHAPTER 30: I Care

1.2K 30 4
                                        

VIANA POV

Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni Symone kagabi. Be ready for change... everything is changed. Parang fortune cookie na may kasamang pananakot. Tapos si Asher pa—kung magsalita, laging may itinatago. Ang galing nilang magpipinsan mang-istorbo ng peace of mind. Isa lang ang malinaw: kinakabahan ako, at mas nakakaasar dahil hindi ko alam kung bakit.

Nagising na naman ako sa condo ni Asher, at sa unang segundo, nalito pa ako kung nasa sarili kong place ba ako.  Pumikit ako ulit, sinubukang bumalik sa tulog, pero yung amoy ng malinis na linen at aircon niyang sobrang lamig, paalala agad na hindi ito akin. Bumukas ulit ang mata ko, at doon ko lang na-realize: oo nga pala, kagabi.

Nakita ko pa sa peripheral ko yung bag ko na nasa tabi ng armchair, tapos yung heels ko na parang iniwan na lang kung saan. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito. Ang last memory ko? Bar lights, tequila na "sakto lang" raw pero biglang dumami, tapos yung mga pinsan niya na parang security team.

Pwede naman nilang ihatid ako sa condo ko. Pwede naman silang magtanong kung saan ako nakatira. Pero nung sumakay ako sa sasakyan nila... diretso tulog na ako. Parang hinigop yung energy ko sa katawan. Nahihilo pa rin ako ngayon, yung tipong gumagalaw yung ceiling kahit nakahiga ka lang.

Umupo ako, inayos yung buhok ko, tapos napansin ko yung tahimik. Masyadong tahimik.

"Where is he?" bulong ko, automatic.

Lumabas ako ng kwarto, dahan-dahan, barefoot sa malamig na tiles. Pagdating ko sa sala, doon ko siya nakita—tulog sa sofa. Isang braso nakatakip sa mata, yung isa naka-bitaw lang sa gilid na parang sumuko. May kumot sa kalahati ng katawan niya pero halatang hindi siya comfortable. Ang buhok niya magulo, salamin niya nakapatong sa coffee table, at may faint na crease sa noo niya na parang kahit natutulog, may iniisip pa rin.

Bakit sa sofa siya natulog?

May sakit ba ako? Allergy? Or... is he avoiding me? Kasi sanay naman kami matulog na magkatabi. Dati nga, wala lang. Ngayon, parang may invisible rule na biglang sumulpot.

Napatingin ako sa relo sa wall. Maaga pa, pero halatang puyat siya. Anong oras na kaya siya nakauwi? If he went out last night... with Hara? O baka school works na naman. Nerds will be nerds.

Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis. So I did both—quietly.

Kumuha ako ng kumot mula sa kabilang chair at dahan-dahang inilapag sa kanya. Tinakpan ko siya hanggang dibdib. The moment my fingers brushed his sleeve, parang may konting kuryente na stupid. Ang OA, Viana. Kumot lang 'yan.

Pero hindi ako umatras agad. Sandali ko siyang tinitigan. Ang puti ng balat niya, parang hindi pinagpapawisan kahit kailan. Nakakainggit. Tapos yung mukha niya, kahit messy at puyat, ang linis tingnan. Ang unfair. Paano siya nagiging gwapo kahit mukhang napuyat sa thesis na hindi niya naman thesis?

Last night, I decided something—hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa pagod sa sarili kong drama, pero I decided na pakikitunguhan ko na siya nang maayos. Kahit today lang. Miss ko na siyang asarin nang normal, yung walang bigat. Miss ko na yung busangot niyang mukha na nakasimangot pero hindi talaga galit. Miss ko na yung version naming hindi nauubusan ng joke.

Kaya lumapit ako. Umupo ako sa sahig para kalevel ko siya. Tinitigan ko siya nang malapitan, parang sinisiguradong humihinga pa.

"Hoy, nerd," bulong ko, malambing kunwari. "Bakit ka dito natulog? Kainis ka, ah."

Wala siyang sagot, pero gumalaw yung noo niya. Micro-movement. Parang narinig niya, pero pinili niyang hindi magising.

Ngumiti ako. Okay. Game.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon