CHAPTER 2: The Nerd and The Deal

3.5K 70 4
                                        

VIANA POV

"Gising na, Yana!"

Halos gumulong ako pababa ng kama nang maramdaman kong inaalog nila ako. Dalawang babae. Dalawang demonyo. Sabay pa sumigaw na parang may audition sa horror film.

"Ugh! Don't call me that name," reklamo ko habang kinukusot ang mata ko. The ceiling looked too bright. Too alive. Too early.

'Yana.'

That nickname used to mean butterflies. Ngayon, parang sirang CD na paulit-ulit na pinapatugtog kahit ayaw mo na.

"Viana, gising na kasi," malumanay na sabi ni Marj habang hinihila ang kumot ko pababa.

"May dala kaming food," dagdag ni Micha, parang nang-aakit ng pusang gala.

Umupo ako, buhok ko gusot at mukha ko siguradong sabog. "Iniwan ka lang ni Nash, naging ganito ka na? Anyare?" tuloy ni Marj.

Napatingin ako sa kanya. Diretso. Walang kurap.

Kailangan bang banggitin pa pangalan niya?

Nash.

My first love. My almost. My biggest what if. Ew. I hate that name. I hate that it still echoes.

"Alam mo namang bad word ang 'Nash' sa vocabulary ni Yana, right?" Micha tugged Marj's hair.

"I don't care!" tawa lang ni Marj bago lumabas ng kwarto.

Tahimik sandali. Micha studied me.

"Anyway," bigla niyang sabi, "may nakilala ulit akong cute guy" kinikilig na sabi ni micha.

"Good for you," sagot ko habang tumatayo. My tone sounded lighter than I felt.

"Gosh!" Napasigaw siya. "Bakit naka-panty ka lang?!"

Tinamaan ako ng unan. "Aray, punyeta!"

"I love sleeping in my underwear, duh?" binalik ko ang unan bago dumiretso sa banyo.

"Since when?!"

"Since nag-summer at nagpalagay ng aircon si mama!" sagot ko habang nagto-toothbrush. Foam sa bibig, yung buhok ko magulo at may mga nakatayo pa nga. Dati micro-shorts lang. Ngayon, confidence upgrade.

Habang kumakain kami sa labas bago pumasok, ramdam kong normal ulit ang mundo. Laugh. Tease. Repeat. Ganito ako ngayon — happy-go-lucky. Minsan napapabayaan ang grades, pero kaya ko namang habulin. I always do.

Sa parking lot, habang pini-park ko ang kotse, may napansin akong lalaki. Nagmamadali. White shirt na manipis. wash denims. May salamin. Payat. Maputi. bakat ang pawis sa likod ay mukhang inayos lang ng konti yung hair gamit ang water pada magmukhang maayos ewww.

Then nalaglag ang mga dala niyang books. They scattered across the pavement.

Huminto ako. One word entered my head.

Pathetic.

Lumapit ako at tumulong pulutin ang mga libro. He bent down too, careful, precise, parang ayaw magasgasan ang bawat pahina.

He looked at me once. Just once.

Dark eyes behind glasses. Calm. Observing.

Hindi ko siya pinansin.

Pagkatayo namin, inabot ko ang huling libro. "Here. Next time, don't look so pathetic in my eyes."

I expected embarrassment. Fluster. Maybe gratitude.

Instead, he just studied me for a second longer than necessary.

Not offended.

Not amused.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon