VIANA POV
(One Year After He Left)
One year.
Three hundred sixty-five days.
I counted the first fifty.
After that, I pretended I stopped.
People think time makes things easier.
It doesn't.
It just makes you better at hiding.
"Ano ba 'yang tinititigan mo d'yan?" tanong ni Micha habang nakasandal sa study table ko, hawak ang milktea ko na parang kanya.
"Financial statements," sagot ko, hindi ko siya tinitingnan.
"Financial statements o memories?" sabat ni Marj mula sa kama ko, nakahiga na parang siya ang may-ari ng condo.
Inirapan ko sila pareho. "Kayo ha. Kung ayaw niyo tumulong, umalis kayo."
Tawa sila nang tawa habang nasa kwarto ko at nakatambay
"Girl," sabi ni Micha, lumapit at sumilip sa laptop ko. "Hindi ka na talaga yung Viana dati. Ikaw na mismo nag-aaral ng projections ng negosyo ng dad mo. Sino ka?"
Ako nga minsan hindi ko rin kilala sarili ko.
After Asher left, may dalawang choices ako: magpakalunod o magpakalalim.
Pinili ko magpakalalim.
Mas madalas na akong nasa office ni Dad ngayon. Nakikinig sa meetings. Learning cash flow. Understanding contracts. Hindi dahil pinilit ako.
Kundi dahil ayokong maging dependent sa kahit kanino ulit.
If a man leaves, fine.
But my stability stays.
"Ang seryoso mo na," sabi ni Marj habang nakaupo na ngayon, nakatingin sa akin nang may exaggerated concern. "Miss ko na yung Viana na puro landi at away."
"Namatay na 'yun," sagot ko, deadpan.
Tumawa sila pareho.
Pero hindi nila alam—
Hindi siya namatay.
Nag-mature lang.
At minsan, pag gabi na at tahimik, hinahanap ko pa rin yung dating ako na hindi takot magmahal.
"Okay break muna," sabi ko, isinasara ang laptop. "Coffee?"
"Libre mo," sagot ni Micha agad.
"alam mo wala kang ambag sa buhay ko bakit ba andito ka" sagot ko, pero tumayo pa rin ako.
Sa café sa baba ng building, umorder kami. Habang naghihintay, may group ng lalaki sa kabilang table na obvious na nakatingin sa amin.
Micha leaned closer. "Yung naka-white shirt, cute."
"Yung nasa gitna, mayabang," sabi ni Marj.
"Yung nasa dulo," dagdag ni Micha, "tingin nang tingin sa'yo."
Hindi ko man lang nilingon.
"Eh di tumingin siya hanggang maubos eyeballs niya," sagot ko.
"Grabe siya oh" natatawang sabi ni Marj. "Dati, ikaw pa yung mag-iinitiate ng eye contact at magiinarte pa para mas lalong mabaliw sa kanya yung lalaki."
I shrugged. "dati na yon! nakakapagod din sila"
"mga lalaki? lahat?" tanong ni Micha, teasing.
I took a slow sip of my coffee. "Lahat."
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
