CHAPTER 26: Don't Sleep With A Boy

1.5K 31 1
                                        

VIANA POV

Pagkatapos ng mahabang umaga ng seminar orientation, halos kumalam na ang sikmura ko sa inis. Hindi pa man nagsisimula ang actual program, pagod na ako. Bago mag-seminar, kumain muna raw lahat. Eh shete, gutom na gutom na ako kanina pa. Itong si Jason, dakilang kuripot, hindi man lang ako pinakain bago kami umalis. "Doon na tayo kakain," sabi niya. Tapos ang tagal pa niyang naligo kasi "init na init" daw siya. Ako nga hindi na naligo dahil sa gutom. Konti na lang, mananapak na talaga ako.

Hindi rin naman maganda ang gising ko. Paulit-ulit pa rin sa utak ko 'yung mga sinabi ni Asher kanina. Calm. Honest. Masakit.

Hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Hara.

Ang simple lang naman ng sinabi niya, pero parang may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko. Ayokong umiyak sa ganitong lugar. Ayokong may makakita. Kung babagsak man ako, sa kwarto na lang. Mag-isa. Hindi sa harap nila.

Nahuli pa kami sa kainan kaya pagpasok namin sa canteen—isang malaking gazebo type na kasya siguro ang limang daang tao—parang spotlight agad ang peg namin. Lahat napatingin.

"Tangina mo, Jason, gutom na ako," singhal ko habang naglalakad kami sa ilalim ng tirik na araw.

Tumawa siya. "Edi kainin mo ako."

"Ulol. Baka maingay ka pa pag kinakain kita," sagot ko agad. Ganyan lang talaga kami. Walang malisya. Tropa. Walang emotional complication.

"Ikuha mo na nga lang ako," utos ko sabay bagsak sa pinakamalapit na long table. Wala na akong energy para pumila. Tinawanan lang ako ng gago bago siya umalis.

Nasa tapat ako ng buffet table kaya kitang-kita ko ang mga pagkain. Kanin, liempo, pancit, iced tea na halos tubig na. Pero kahit simple lang, parang heaven na sa gutom ko.

Hanggang sa napansin ko si Asher.

Kumuha siya ng pagkain. Tahimik. Maingat ang galaw. As always, parang hindi niya kailangan makipag-unahan. Kasama niya si Hara.

Siyempre.

Umupo sila sa same row ng table namin, medyo malapit. Close enough para marinig ko sila kung gugustuhin ko.

Bago umupo, lumapit si Hara sa akin at inabot ang bottled water. "You look dehydrated," she said softly.

Nagulat ako. Saglit kaming nagkatinginan. Walang sarcasm sa mukha niya. Ngumiti lang siya bago bumalik kay Asher.

Napatingin ako sa hawak kong tubig. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magpapasalamat. Ininom ko pa rin. Uhaw na rin naman ako.

"Ang init sa Pinas," bulong ko sa sarili ko habang nilalagok ang tubig. Pero hindi init ang dahilan kung bakit parang nanunuyo ang lalamunan ko.

"Viana, kayo ba ni Jason?" biglang tanong ni Jennah mula sa kabilang table.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang chismosa mo, 'no?"

Narinig kong natahimik sina Hara at Asher. Hindi ko kailangan tumingin para malaman na nakikinig sila.

"Eh kasi lagi kayong magkasama—"

"Magkaibigan kami. Hindi ba pwedeng may kaibigan lang?" mataray kong sagot. Ramdam ko ang sariling inis ko. Hindi ko alam kung kanino ako mas badtrip—kay Jennah, kay Hara, o sa sarili ko.

Dumating si Jason dala ang dalawang plato. "Your royal highness," sabi niya sabay lapag ng pagkain ko.

"Thank you, Jason," malandi kong sabi, medyo nilakasan ko pa. Alam kong childish. Alam kong petty. Pero wala eh. Masakit.

Buti na lang talaga nakikisabay ko sa trip si Jason. well you know si Jason is my long time friend since nasa huspicio kami. Nakilala niya ako dahil mukha daw ako masaya non naglalaro kahit nasa ampunan. Nakipag kaibigan siya kasi para kahit papano mawala daw yung lungkot niya na iniwan siya ng lola niya sa ampunan. Then we became bestfriends kasama si sean. 

"Asher, try this," sabi ni Hara. Sinubuan niya si Asher.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon