CHAPTER 28: Savior

1.4K 36 4
                                        

VIANA POV

Geez. Hanggang ngayon, parang may echo pa rin sa katawan ko yung nangyari kagabi—yung sigaw niya, yung biglang paghawak niya sa braso ko, yung mukha niya na parang may iniwang markang nagmamakaawa. Hindi ako makamove-on, hindi ko rin ma-figure out kung anong dapat kong paniwalaan.

Kasi ang hirap tanggapin na baka nga... baka nga nagugustuhan niya rin ako.

Pero imposible. Mahal niya si Hara. And Asher... he doesn't look like the type na manglalaro lang para sa ego boost. He's too careful with words, too honest in the eyes, too... soft in a way that makes you want to trust him even when you shouldn't. That's exactly why I'm confused. One minute, cold siya—parang may pader. Next minute, he's claiming I'm his "girlfriend" like everything we have is real. 

Tapos yung sinabi niya—

When I saw you with him, it felt wrong. I don't know when it started. I don't know why. But it felt wrong.

Putangina. Ayoko na nga isipin, pero utak ko, parang naka-loop. Parang tanga. Gusto kong batukan sarili ko.

"Viana!" sigaw ni Jason mula sa parking area, kaya napilitan akong kumilos. Pauwi na kami. One night lang naman yung official seminar; yung second night optional para sa gustong mag-libot sa Zambales. Buti na lang pareho kaming may dahilan para umuwi, pagod na pagod ako, at si Jason... well, mukhang ayaw na rin niyang maulit yung nangyari.

Habang isinasalansan niya yung mga bagahe sa likod ng sasakyan, napakamot siya sa panga niya at napangiwi. May pasa pa rin. Kita mo yung faint na pamumula sa jawline niya.

"Masakit yung suntok niya, nadamay pa ako sayo" sabi niya, trying to sound casual pero halatang nanggigil pa rin siya sa nangyari.

Lumapit ako. Tinitigan ko yung pasa, tapos bigla kong naramdaman yung bigat sa dibdib ko. Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko siya ginamit sa petty jealousy ko, hindi siya masasaktan.

"I'm sorry," sabi ko, mas mahina kaysa sa usual. "I didn't think he'd—"

"Don't," singit niya agad, parang ayaw niyang marinig yung guilt ko. "Don't feel guilty. I'm fine. Tsaka... I did kind of enjoy seeing the nerd lose his mind sayo." Sumulyap siya sa'kin, half-smirk, half-serious. "Pero next time, please. Less punching."

Napatawa ako nang konti, pero hindi umabot sa mata ko.

Nag-vibrate phone ko.

Isang text mula sa naka-save na pangalan: Nerd.

Nerd: Off-limits siya sa'yo, weirdo.

Napapikit ako saglit, parang gusto kong ibato phone ko sa damuhan. Baliw talaga 'tong si Asher. Kagabi, "jealous" daw siya—tapos ngayon, siya pa unang nagte-text?  is he just... making me assume again?

Thumbs hovering, nag-type ako kahit masama sa loob ko na excited ako.

Ako: Fuck you, nerd. Off-limits din siya sa'yo.

Mabilis yung reply.

Nerd: Good. We agree on something.

Kinagat ko yung labi ko, inis at kilig na nakakainis. Paano ako magiging normal kung ganyan siya? Ang laki niyang manggulo.

"nakangiti ka dyan ngayon?" tanong ni Jason habang umaandar na kami palabas ng venue. 

"Wala," sagot ko agad, sabay tingin sa bintana. Kunwari wala akong pake. Kunwari hindi ako kinikilig sa simpleng notification.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa school—mga deadlines, professors, kung sino raw yung bagong transferee sa Tourism. Buti na lang hindi siya palatanong tungkol kagabi. Jason is that kind of friend. He'll only go deep if you open the door, pero palagi siyang nasa labas lang, ready sumalo.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon