CHAPTER 40: From Nerd to Good Kisser

2.1K 38 8
                                        

AFTER 2 YEARS

"He's not the Asher you've known before."

"Asher is freaking hot!"

"Ghadsake, ang sarap ikama ni Asher."

"Why don't you give him a chance?"

"Viana! Your first love is back... si Nash! Oh no!"

"Asher is the new front page ng dyaryo ng school."

"From nerd to good kisser."

VIANA POV

Akala ko sanay na ako sa pangalan niya.

Akala ko kapag narinig ko ulit ang "Asher," hindi na sisikip ang dibdib ko.

Pero hindi pala.

Isang lalaking mabango, robust, at manly ang katawan—topless, defined ang abs, balikat na parang mas malapad kaysa sa alaala ko—ang nakahiga sa tabi ko.

Nakatakip ang unan sa mukha niya. Ang sikat ng araw sumasayaw sa balat niya. Slow. Calm. Parang walang kasalanan sa mundo.

Napakurap ako.

Tumingin ako sa sarili ko. Kumpleto pa ang damit. Maayos ang suot. Hindi gusot ang shorts ko.

"May damit pa naman ako," bulong ko, kinakapa ang sarili kong parang may hinahanap na ebidensya. "Wala bang nangyari?"

Last night was my birthday.

May ininom ako. Sumayaw. May humawak sa baywang ko. May humalik.

Shit.

May humalik nga sa'kin.

Gumalaw siya.

Inalis niya ang unan sa mukha niya at humarap sa'kin, buhok niya messy, lashes heavy, lips slightly swollen from sleep. When he opened his eyes and looked at me—diretso, steady—parang may kuryente sa hangin.

"I miss you, babe."

Parang bumagsak ang mundo sa dibdib ko. Napanganga ako. Literal.

"Asher?"

Ngumiti siya. Hindi 'yung nerd na awkward smile. Hindi 'yung pilit. This one was slow. Confident. Aware.

Lumapit siya ng konti, enough for me to smell him. Clean. Woody. Warm. Yung amoy na dati kong hinahanap kahit ayokong aminin.

"Babe?" mahina niyang sabi, and he brushed my nose lightly with his fingers.

Napaatras ako agad.

"Tangina, Asher?!" sigaw ko, biglang bumalik ang boses ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil ba sa galit o sa proximity niya. Ang laki ng pinagbago niya. Mas defined ang jawline. Mas matigas ang katawan. Mas controlled ang galaw.

He wasn't a boy anymore.

"I really love the way you cuss," sabi niya, half amused, half something else. "So, Viana Tuazon... can I ask you on a date after this cuddling?"

Cuddling.

The word snapped something inside me.

Tinulak ko siya at bumangon. Kinuha ko ang librong nasa side table at hinampas siya sa braso.

"TANGINA MO!" sigaw ko, hindi ko na kayang pigilan ang buhos. "Pagkatapos mong mawala nang ganun-ganun lang, may gana ka pang magyaya ng date? Ano 'to, trip mo lang?"

Iniwas niya ang mga braso niya, pero hindi siya umiwas sa akin. Hindi rin siya tumatawa nang malakas. Just that controlled half-smile.

"Easy," mahina niyang sabi.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon