VIANA'S POV
"Ugh! Nasaan ka na ba, nerd? Ang tagal naman!"
Halos maupod na ang tsinelas ko kakalakad sa hallway habang hawak ang reviewer na parang death sentence. Calculus. Sa lahat ng subjects, ito pa talaga. Terror pa ang prof. Isang maling solution mo lang, parang gusto ka nang ipa-exile sa kabilang department.
"Kayang-kaya mo 'to, Viana," bulong ko sa sarili ko, kahit alam kong kalahati ng formulas dito parang alien language sa akin.
Pero hindi ako sanay bumagsak. Hindi ako sanay matalo.
"Viana!"
Napalingon ako. Si Asher, mabilis ang lakad papunta sa akin, may hawak na stapled papers. Medyo magulo ang buhok niya, parang nagmadali.
"Here," sabi niya, inaabot ang papel. "I rewrote the solutions properly. I marked the shortcuts so you won't panic."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"THANK YOUUU!" halos mapasigaw ako.
Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya sa gulat, pero hindi niya ako itinulak. For a second, parang nag-freeze ang mundo ko. Amoy sabon at konting fabric conditioner siya. Clean. Simple. Safe.
Tumakbo na ako papasok ng room bago pa ako makapag-isip nang kung anu-ano.
Pero habang nakaupo ako sa test, sinusundan ang sulat-kamay niya sa reviewer, may kung anong kumakabog sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot sa exam.
Kundi dahil sa kanya.
—————————————-—————————————-
ASHER'S CONDO – THE NEX DAY
Nagising ako sa tunog ng sariling hilik niya.
Nasa kama niya ako. Sa condo niya. Kagabi kasi tinuruan niya ako hanggang madaling araw. Hindi niya ako pinayagan na siya ang sumagot sa practice problems. "You need to understand it," sabi niya. "Hindi pwedeng shortcut lagi."
Nakatalikod siya sa akin, medyo nakatagilid. Ang tahimik niya kapag natutulog. Walang sarcasm. Walang asar.
Gumilid ako ng higa para masilip siya.
Bigla siyang nagising. Umupo siya at nag-inat, nakatalikod pa rin sa bintana kaya tumama ang ilaw sa likod niya. Para siyang may sariling spotlight. Nakangiti pa siya habang nag-aayos ng buhok.
Dug-dug-dug.
Ano ba 'tong puso ko?
Para akong timang na nakatitig sa kanya. Parang slow motion bawat galaw niya. Bakit ganito? Nerd lang 'to. Payat. Tahimik. Hindi nga marunong pumorma.
Poink!
Pinitik niya ang noo ko.
"Aray!" hinimas ko agad.
"You look weird," sabi niya, tumayo na at sinuot ang salamin niya.
Weird? Oo. Weird na weird.
Tumayo ako at kinagat ang lower lip ko. Bakit parang nag-iiba ang dating niya sa paningin ko? Bakit parang mas... lalaki siya ngayon?
"Viana," tawag niya ulit.
"Ano ba!" taray ko agad para matakpan ang kaba ko.
"Why are you staring at me? Do I look messy?"
"Feelingero ka," sagot ko, umiwas ng tingin.
Bigla siyang humubad ng t-shirt at umupo sa gilid ng kama, nakatalikod sa akin. "Pakikamot nga. Ang kati."
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
