CHAPTER 35: Letting it out

1.3K 30 2
                                        

VIANA POV

Sinimulan kong paandarin yung sasakyan kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Hindi ko na alam kung saang lane ako nakatingin—sa kalsada ba o sa alaala niya. Ang dibdib ko, parang may humihila pababa. Yung kamay ko sa manibela, nanginginig. Yung lalamunan ko, barado na parang may bato.

Ano bang karapatan kong umiyak? Ano bang karapatan ko para magmakaawa na huwag niya akong iwan? Ano bang karapatan ko sa kanya?

Wala. Walang-wala.

"Tangina naman, eh!"

Hininto ko yung kotse sa tabi ng daan, hazard lights blinking like a warning sign. I slammed my palm against the steering wheel once, twice—hindi para masira, kundi para may lumabas na kahit ano. Kasi kung wala, sasabog ako.

Huminga ako nang mabilis. Nanginginig yung balikat ko. Ang sakit. Ang sakit malaman na hindi ka pinili ng taong mahal mo, kahit wala namang label, kahit wala namang "kami." Ang sakit kasi totoo pa rin yung feeling—kahit anong tawag mo, hindi siya less.

For the second time, ako na naman yung nasaktan. For the second time, ako na naman yung umasa.

Ayoko na.

Ayoko na talagang magmahal. Parang hinuhugot lahat ng lakas ko sa bawat hikbi. Blurred na yung paningin ko sa luha—delikado. Pwede akong maaksidente. 

"Viana. Wag kang umiyak," utos ko sa sarili ko, pero wala. Wala talagang silbi pag yung puso mo na yung nagdedesisyon.

Kasi isa lang naman yung sagot kung bakit ganito ako.

Mahal ko si Asher.

Napa-iling ako, as if kaya kong i-deny sa simpleng galaw. I hate this feeling. Yung magmahal ka tapos laging talunan. Yung magmahal ka tapos ikaw yung laging wasak. Bakit ba kailangan nilang manakit? Hindi ba pwedeng dumaan yung tamang lalaki para hindi na ako mapagod kaka-build ng sarili ko ulit?

Pinunasan ko yung mukha ko nang marahas. Sige. Pagbibigyan kita, Asher. Ganito ba ang gusto mo? Ganitong laro? Freedom? Fine.

I started the car again. Mas maingat na. Mas tahimik. Pero sa loob ko, may nagwawala pa rin.

Simula ngayon, hinding-hindi mo na rin ako makikita.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Una, sinubukan ko—nag-alarm pa ako. Pero nung tumunog, parang may mabigat na kamay na tumulak sa dibdib ko pabalik sa kama. Yung katawan ko, ayaw. Yung utak ko, ayaw. Yung puso ko? Lalong ayaw.

Dati, naiinis ako sa mga babaeng nagka-cut ng class dahil lang iniwan ng boyfriend. Ngayon, gets ko na. Hindi pala siya kaartehan. Minsan, yung sakit, literal na ninanakaw yung energy mo. Parang may humigop ng baterya mo overnight.

Wala akong gana sa lahat. Tumitig ako sa ceiling, then pumikit, pero mukha niya pa rin yung nakikita ko. Yung paraan ng pagtingin niya nung gabing 'yon—cold, controlled, parang bato. Parang may choice siya at pinili niyang hindi ako.

I grabbed my phone just to distract myself. Wala. Kahit social media, may multo pa rin siya.

Nag-text ako kay Sasha.

Ako: Bar tayo.

Mabilis reply niya.

Sasha: almacen, pobla?

Of course. Kung nasaan pinakamalakas yung tugtog at pinakamadaling magpanggap.

Nagbihis ako. Hindi yung pang-date—yung pang-"wala akong pake." Lip tint lang, hair tied, jacket para hindi halatang nanginginig. I needed something that would shut my head up. I needed hard drinks—yung kayang pumatay ng sakit. Or at least, kayang patulugin.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon