VIANA'S POV
"I won't be in my condo for two days. Take care of my place."
I stared at Asher's text for a full minute before locking my phone.
Two days.
Two whole days sa Zambales. Seminar ng mga nerd. And of course, kasama si Hara. Organizer pa nga raw. So ibig sabihin, magkasama sila sa planning, sa meetings, sa kung anu-anong "important discussions."
Nakakainit ng dugo.
Habang siya nasa beach, may bonfire, may team building, and probably late-night talks with Hara—nandito ako, nag-ooverthink sa kama ko.
"So, are you coming?"
Napatingin ako sa bagong message. Jason.
Nung una niya akong niyaya, tinanggihan ko. Akala ko boring—puro lecture, puro powerpoint. Pero sabi niya kailangan nila ng tulong sa design team para sa Foundation Day event. Alam niyang forte ko 'yon.
Naalala ko rin 'yung sinabi ni Asher noon.
"Don't go to that seminar."
Malamig ang tono niya. Halos galit.
Bakit?
Dahil kay Jason?
O dahil ayaw niyang makita ko silang magkasama ni Hara?
Fine.
If he can go there with her, I can go there too.
"Yes. Sunduin mo ako."
ZAMBALES
"Nauna na 'yung bus," sabi ni Jason habang nagmamaneho. One hand sa manibela, chill na chill. Malakas ang music, open-top ang car niya. Hangin sa mukha. Parang walang problema sa mundo.
Ako lang ang may problema.
"Sumama ka dahil kay Asher, 'no?" asar niya.
Napangiti ako nang bahagya. "Oo. May aalamin lang ako."
Hindi ko na tinago. Kilala na ako nito.
Pagdating sa campsite—bundok area pero kompleto ang facilities—halos lahat napatingin sa sasakyan ni Jason. Siya kasi 'yung tipo ng lalaki na kahit wala pang ginagawa, may dating na agad.
Wala akong paki.
Tumalon ako palabas ng kotse. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa crowd.
"So guys, sorry we're late. Ms. Tuazon is joining the design team. Let's get it on!"
Palakpakan. Whistles.
"Do we look sweet?" bulong niya habang nakaakbay pa rin.
"Good job, dude," sabi ko sabay batok sa kanya.
Kailangan kong umarte.
Kung maglalaro si Asher, kaya ko rin.
Pagpunta namin sa rooms, halos matawa ako sa irony.
Katabi mismo ng room namin ang room nina Asher at Hara.
Universe, ang galing mo talaga.
"Hi, Viana," bati ni Hara.
Ngumiti ako. Plastic. "Hi."
Papapasok na sana ako nang marinig ko ang boses na ilang araw ko nang gustong marinig.
"Viana."
Huminto ako.
Lumabas ako ulit.
Si Asher.
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
