VIANA POV
Tahimik siyang nagda-drive ng kotse ko, parehong kamay nasa manibela na parang nag-ooperate ng machine na puwedeng sumabog anumang oras. Hindi ako mapakali. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Ang alam ko lang—ngayong magkalapit kami sa iisang space, parang may na-shift talaga. Parang may invisible line na natapakan namin at wala nang atras.
Mabango siya. 'Yung amoy na hindi mo maipapaliwanag kung ano exactly—pero alam mong mamahalin. Clean. Slightly woody. Parang hindi niya sinasadyang mang-akit, pero ganun pa rin ang effect.
At yung porma niya... Diyos ko. Black skinny jeans, striped black-and-white V-neck. Hindi siya yung usual nerd na parang laging ready mag-lecture. He looked... intentional. Like he dressed for a purpose.
Si Asher ba talaga 'to?
Hindi ko gustong aminin, pero cute siya. Cute in a way that makes my stomach flip in a way I hate. Kasi kapag ganito siya, mas mahirap magpanggap na wala lang.
"Let's get things clear," sabi niya, low voice, hindi ako tinitingnan.
"Ha? Ano na naman?" irita kong sagot, pero tunog ko, mas kabado kaysa irita.
Hindi siya sumagot. Mas lalo akong naasar. Ang galing niyang mag-control ng silence, parang weapon.
Nang huminto siya, napatingin ako sa paligid. Mapuno at malamig. Hindi yung sa campus garden—mas tahimik ito, mas malayo sa tao. May mga puno sa gilid, and the last light of the afternoon was starting to soften. May table sa ilalim ng shade, tapos... picnic basket.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko, eyes stuck sa basket na parang may sasabog na surprise inside.
He glanced at me finally, expression unreadable. "Baka rape-in ka."
Nanlaki mata ko. "Ha?!"
Pero bumaba na siya agad, calm as if he didn't just say the most unhinged thing, tapos pinagbuksan ako ng pinto. When he saw my face, his mouth twitched—like he was holding back a smile.
"That was a joke," he added, tone softer, almost amused. "C'mon, babe."
Babe.
Parang may humampas sa dibdib ko. Hindi ako nakagalaw agad. Mula kanina, "babe" na siya nang "babe" na parang normal. Samantalang ako, parang nilulunok ko yung dila ko every time naririnig ko.
Inilahad niya yung kamay niya para alalayan ako. I stared at it for a second too long before placing my fingers on his palm. Warm. Steady. Wala yung usual na hesitation niya—pero may tension, like he's forcing himself to be brave.
Jusko. Si Asher ba talaga 'tong nasa harap ko?
Ang alam ko, masungit at walang humor yung nerd na 'to. Ngayon, may half-smirk, may playful na tone, tapos yung aura niya... parang may bagong version siyang inilabas. Slightly seductive. Slightly dangerous.
I don't know if I like it.
Or maybe I like it too much.
Paglapit namin sa table, naglabas siya ng camping light habang papalubog na ang araw. The glow was soft and warm. The air smelled like grass and flowers—fresh, damp, quiet.
"Nerd!" tawag ko, trying to sound normal, trying to anchor myself. Humarap siya at ngumiti. And as usual, traydor yung dibdib ko—bumilis na naman.
"What happened?" tanong ko. "Ikaw ba talaga si Asher? Sabihin mo nga yung totoo."
He chuckled softly habang naglalabas ng pagkain. "It's me."
Tapos—kindat.
Nanlaki ulit mata ko. "Put—"
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
