VIANA'S POV
Kring! Kring!
Napabalikwas ako sa kama. Kasi Parang may kumakalabit sa kaluluwa ko.
"Sino ba 'to—" ungol ko, hinahalungkat ko ang phone ko sa ilalim ng unan habang nakapikit. Midnight na and Kakauwi lang namin nina Micha galing bar kagabi sa tomas morato. May hangover pa ako, besh. Hindi ako ready makipag usap jusko!.
"Viana, si Symone 'to. Can you help us? Lasing si Asher at may lalaking umaaway sa kanya!"
Napapikit ako. Of course.
Of course si Asher.
"Eh ano naman?" mataray kong sagot, pero umupo na ako sa kama. Lalaki sila di ba dapat marunong silang lumaban jusko ah!
"VIANA!" sigaw ni Pixie sa kabilang linya. "SI SEAN MENDOZA ANG NAKAAWAY NI ASHER!" sigaw ni pixie, sounds like nastress na sigaw.
Sean. Nanlamig ako at biglang nagising.
"Pix, ibigay mo kay Sean ang phone."
Tahimik saglit ang narinig ko nang May kalabog. at nag sigawan ang mga tao. Then—
"Viana?" malamig na boses sa kabilang linya.
"Sean, please. Huwag mo silang saktan. Kaibigan ko sila," sabi ko habang nagmamadaling magbihis. Hindi ko na inintindi kung match ba ang suot ko. Basta makaalis lang. Nahihilo pa nga ako.
Then the line went dead.
"Putangina mo talaga," bulong ko.
Tumunog ulit ang phone.
"Early Night, Taguig, Viana! Bilisan mo!" sigaw ni Paulo.
I was already running. shit shit!
Hindi ko alam kung ilang traffic lights ang nilampasan ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura habang nagmamaneho. Lord, huwag muna ngayon. Kahit hindi ako mabait, please.
Pagdating ko, bumisina ako nang malakas. Ang daming tao. May nagkukumpulan sa gitna at may nagtatakbuhan sa parking area.
Pagbaba ko ng kotse tumambad agad sa akin ang mga tauhan ni Sean. Maskulado. May tattoo. May piercings. Mukhang hindi mga nagbibiro.
Hinanap ko agad si Asher at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakita ko siya Nakahandusay at May pasa sa mata. Halos wala nang malay,
Sina Pixie, Symone, at Paulo, sugatan pero lumalaban pa rin.
Aish.
Sa dinami-dami ng pwedeng makaaway, Si Sean pa talaga.
Kinuha ni Sean ang collar ng damit ni asher at aakmang sinuntok to. "SEAANN! " sigaw ko pero hindi niya ako marinig kasi malayo pa ako.
Tumakbo ako papalapit na nakita ko na binagsak niya si asher at hinugot niya ang sigarilyo sa bibig niya at papasuin na sana si Asher—
"KUYAAAA!" sigaw ko habang tumatakbo.
Tumigil ang mundo. Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Hingal na hingal ako at sinuntok ko si Sean.
Nagulat si Sean at aakmang suntukin na sana ako ng mga kasama niya pero naghand signal siya na tumigil ang mga ito.
hinawakan ko si asher. "Asher??" tinapik ko siya pero wala siyang malay.
Lumapit sa akin si sean at tinulak ang balikat ko. Tinulak niya ako at kinuha si asher. "Hoy! Sasabihin mo nga sa'kin," malamig niyang sabi habang hawak sa kwelyo si Asher, "paano mo nakilala 'tong babaeng 'to?"
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomansaShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
