VIANA'S POV
"Isa lang masasabi ko sa lahat ng kinuwento mo..." madiing sabi ni Marj habang iniikot ang tequila shot sa kamay niya. "Inlove si Viana Tuazon."
Parang may sumabog sa tenga ko.
"Excuse me?" umirap ako at tinungga ang natitirang cocktail sa baso ko. "Maybe gusto ko lang siya. That's it."
Pero kahit ako, ramdam ko na hindi buo ang depensa ko.
Kanina pa ako nagsasalita nang nagsasalita—kung paano ako iniiwasan ng sarili ko kapag malapit siya, kung paano ako nahihiya bigla, kung paano ang simpleng "para sa'yo" niya ay parang may hidden meaning. Kinuwento ko lahat. Lahat ng kabobohan ko pagdating kay Asher.
Ako? Inlove?
No effing way.
"Hahaha! Denial!" Micha laughed, sabay tulak sa noo ko.
"Aray, punyeta!" Napahawak ako sa ulo ko. "Masyado kang gigil."
Sa table naming apat, si Sasha at Marj medyo steady pa ang tingin. Si Micha, kahit mukhang sober, ang lakas makasermon. Ako? Medyo umiikot na ang paligid pero malinaw pa ang iniisip ko.
Or at least, akala ko malinaw.
"Alam mo," sabi ni Sasha, nakasandal sa upuan habang nagve-vape, "likes, falling, crush, infatuation... lahat 'yan, kapag hindi mo inagapan, love ang bagsak."
Binugahan niya ako ng usok.
"Bwiset ka," sabi ko pero hindi ko na siya tinulak. Pagod na ako makipagtalo.
"Look," Micha leaned forward, seryoso na ang mukha. "You're avoiding him because you're scared. Kilala kita since elementary. Ganyan ka rin kay Nash, remember?"
Napairap ako. "Nakikinig ako, gago."
"Hindi mo lang matanggap na nagkakagusto ka sa nerd kasi hindi siya pasok sa standards mo. Hindi siya six-pack, hindi siya maangas, hindi siya bar boy."
Napatahimik ako.
Hindi dahil tama siya.
Kundi dahil... tama siya.
Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko type ang nerd? Ilang beses ko na bang pinagtawanan ang pagiging tahimik niya? Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na "fun lang 'to"?
"Tama si Micha," dagdag ni Marj, medyo malumanay. "Hindi basehan ang physical appearance kapag tinamaan ka. Once na nandiyan na, wala ka nang control."
Napatingin ako sa baso ko. Ang reflection ko sa liquid medyo distorted.
"Learn to accept all of him. That's love," sabi ni Sasha. "Tsaka cute si Ash. Bulag ka lang."
Umirap ako. "Hindi ako mahal ni Ash. Mahal niya si Hara."
Tumahimik sila.
Hindi nila ako kinontra agad. At 'yun ang mas masakit.
"Last question," sabi ni Micha, sabay hampas sa mesa. "Yes or no?"
"I don't know."
Hinigit ni Marj ang baso ko bago ko pa maubos.
"Sagutin mo, gaga ka!"
"Tangina, umiinom ako!" natapunan tuloy ang top ko.
"Yes or no?"
Huminga ako nang malalim.
Ipikit ko lang sandali ang mata ko.
At doon, sa gitna ng ingay ng bar, sa gitna ng amoy ng alak at usok—
"...Yes."
Isang salita.
Isang aminin.
Isang pagkatalo.
Pagmulat ko, may tumulong luha.
Hindi dahil masaya ako.
Kundi dahil natatakot ako.
Hindi kami.
Hindi niya ako gusto. O kung gusto man niya ako, mas mahalaga pa rin si Hara sa kanya. At ako? Ako 'yung babaeng may reputation. 'Yung playgirl. 'Yung hindi sineseryoso.
Paano siya maniniwala na seryoso ako ngayon?
Paano kung pag umamin ako, tawanan niya lang ako?
"Shhh," bulong ni Sasha, sabay akbay sa'kin. "This time, hindi ka masasaktan."
Lumapit si Micha, sumunod si Marj. Group hug sa gitna ng eesome. Parang tanga pero sobrang kailangan ko.
"Kami bahala," sabi nila.
Napatawa ako kahit may luha pa. "Ang baho niyo na."
"Fight for him!"
"Bring out the Viana way!"
"She's weak, you're a badass!"
Unti-unting tumigil ang luha ko.
Tama sila.
Hindi ako duwag.
Kung kaya kong ipaglaban ang sarili ko sa mundo, kaya ko rin ipaglaban ang nararamdaman ko.
Kung siya ang gusto ko—
Hindi ako basta-basta susuko.
Pero sa kaibuturan ng isip ko, may maliit na takot na hindi nila kayang patahimikin.
What if I'm already too late?
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
