CHAPTER 33: Take You Home

1.4K 35 4
                                        

VIANA POV

Isang linggo.

Isang buong linggo na umiiwas si Asher sa'kin na parang may ginawa akong krimen na hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit iniiwasan na naman niya ako—nakakabaliw. So fine. Iniwasan ko rin siya. Pride versus pride. Pero ang tanong ko, natitiis niya ako? Ganoon lang? Kaya niya akong hindi pansinin nang ganito katagal?

Okay, alam kong may mali ako. Alam kong sumobra ako sa pagpapaselos. Pero bakit parang ang dali sa kanya na i-shut down ako? Fucksake.

Nakita ko silang dalawa ni Hara sa garden, nakaupo sa ilalim ng malaking acacia tree. May mga libro sa pagitan nila, parang ang peaceful ng mundo nila. Ang sakit sa mata.

Lumapit ako, diretso.

"Ash, pwedeng makausap?" sabi ko, casual kunwari pero ramdam kong nanginginig yung loob ko.

Tumaas lang ang kilay niya at tumingin sa'kin. Then I saw Hara's eyes—cold, assessing, parang nagbabantay ng teritoryo.

"We're talking right now," sagot niya, humalukipkip pa. Ang taray.

"In private," dagdag ko, sarcasm dripping from every syllable.

"As in, right now?" Asher finally spoke, voice stiff. "Viana, can't you see we're reviewing for our final exam?"

May ilang estudyante sa paligid na napalingon. Naramdaman ko yung init sa pisngi ko. Napahiya ako. Hindi dahil sinabihan niya ako—kundi dahil ginawa niya 'yon sa harap ng iba.

"Freaking nerd," bulong ko, pero sapat ang lakas para marinig niya, then tumalikod ako.

Umupo ako sa bench na medyo malayo pero tanaw ko pa rin sila. Hindi ako umiiyak. Hindi. Hindi over a nerd.

May kung anong bumabara sa lalamunan ko pero nilunok ko. Hindi ako iiyak dito.

Nag-bell kaya pumasok na rin ako sa room. Si Sasha, obvious na obvious ang concern sa mukha.

"What's with your mood, huh?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa bintana.

And there they were. Close. Nagtatawanan habang nagre-review. Ang landi.

"Aga-aga, nakabusangot ka d'yan," puna ni Sasha habang nagno-notes.

"Ang sarap kasi pumatay," sagot ko, mabilis ang sulat ko na parang may tinataga akong papel.

Nilingon ko ulit ang bintana. Biglang mag-isa na lang si Asher. Nasaan si Hara? Bakit hindi niya ako hinabol? Bakit ni isang text, wala? Hindi man lang magtanong kung okay ba ako?

Maya-maya, bumalik si Hara at inakbayan siya. Effortless. Natural. Parang sila na.

"Oh," sabi ni Sasha, natatawa. "Gets ko na mood mo."

"Kay Hara, marami siyang oras," asar kong sabi. "Sa'kin, wala."

"Umiiwas siya, umiiwas ka rin. Malamang nagsawa na 'yun sa'yo," biro niya.

Ang weak naman kung ganoon. Susuko agad? Bakit ba ang ikli ng pasensya ng mga lalaki? Samantalang kaming mga babae, kahit gaano kahirap, kaya naming tiisin.

Natapos ang klase at may free time pa ako bago ang next subject ko. Umupo ako sa paborito kong bench—yung mahangin, medyo tago sa main pathway.

"Long time no see."

Si Harry. 

Tinarayan ko siya agad, pero umupo pa rin siya sa tabi ko na parang wala siyang pake sa aura ko. Its been a while since nakita ko si harry, we've become normal friends na rin since may mga subjects ako na kaklase ko siya. parang same with asher mga minor subjects madalas. 

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon