CHAPTER 36: Buntis

2K 33 3
                                        

VIANA POV

Pagkagising ko, parang may buhangin sa mata ko. Mabigat ang ulo ko, parang may nakaupo sa sentido ko at ayaw bumaba. Hindi ko alam kung hangover pa rin ba 'to o epekto lang ng pag-iyak ko kagabi hanggang sa maubos ang lakas ko. Bumangon ako nang dahan-dahan at dumiretso sa ref, umaasang may malamig na tubig o kahit anong pagkain na kayang ayusin ang hindi naayos ng tulog.

Pagbukas ko ng pinto, may sticky note na nakadikit.

"Take care of yourself because he's taking care of himself, too."

Napatigil ako.

Mga pinsan na naman ni Asher.

Kinuha ko ang note, nilukot nang madiin, at binato sa basurahan na parang kasama roon ang buong apelyido nila.

"Taking care of himself?" bulong ko, may pait sa dulo ng bawat salita. "O taking care of Hara?"

Huminga ako nang malalim pero hindi sapat para mawala yung bigat. Mas okay pa sana kung may malinaw na dahilan. Mas okay pa sana kung sinabi niyang may iba na. Kaysa 'yung ganitong parang may kulang na eksena sa gitna ng istorya.

Tatlong araw akong hindi lumabas ng condo. Buti na lang Friday nagsimula ang pagkalugmok ko kaya isang araw lang ako na-absent. Pero kahit isang araw lang 'yon, pakiramdam ko ang dami ko nang na-miss. Hindi subjects. Hindi lectures.

Sarili ko.

Monday na ulit. Pinilit kong bumangon, pero bago pa ako makapagdesisyon kung mag-aaral ba ako o magmumukmok ulit, narinig ko ang tunog ng susi sa pinto.

Si Mama at Papa.

Paglabas ko sa sala, nakita ko sila—si Papa may dalang grocery bag, si Mama may paper bag na parang may pasalubong. Amoy bahay. Amoy ligtas.

Hindi ko napigilan. Lumapit ako at niyakap sila nang mahigpit. Yung yakap na parang sa kanila lang ako pwedeng bumigay nang walang kahihiyan.

"Hey, hey," sabi ni Papa, hinahagod ang likod ko. "What's wrong with my baby?"

Hindi ko alam kung paano nila nalalaman. Parang may built-in detector sila sa puso ko.

"Papa," sabi ko, boses ko basag, "mas lalo pa palang masakit kapag totoo na."

Tahimik sila sandali. Hindi agad nagbigay ng advice. Hinayaan lang nila akong umiyak. Yung kamay ni Mama, marahang humahaplos sa buhok ko.

"It's normal, baby," sabi niya sa huli. "That's how love works. Hindi siya fairy tale palagi."

"Mommy," sabi ko, napapahikbi, "kung kailan mahal ko na siya, tsaka naman siya mawawala."

Hindi siya nagulat. Hindi siya nagtanong kung sino. Alam na niya.

"May mga taong dadaan sa buhay mo," sabi niya, "pero hindi para manatili. Minsan dumadaan lang sila para turuan ka kung gaano kalalim ang kaya mong maramdaman."

"Bagong ano, Ma?" pilit kong biro, kahit nanginginig ang baba ko. "Bagong sasakit sa'kin?"

Natawa si Papa at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. "Ikaw talaga. Kahit wasak ka na, may punchline ka pa rin."

Bigla siyang umatras at suminghot. "Pero baby, maligo ka na. Ang baho mo na."

"Grabe ka, Papa!" sabi ko, pero natawa ako nang mahina.

At doon ko na-realize—hindi ako mag-isa.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, sinabi nila na lalabas kami. Hindi nila sinabi kung saan. Sumakay ako sa kotse ni Papa, tahimik lang habang tumatakbo ang sasakyan.

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon