Chapter 13: The New Student Strategy

1.5K 47 1
                                        

VIANA'S POV

"Why did you say that?"

"Why can't I?"

Grabe. Kagigising ko lang, hindi pa nga ako nakakapag-kape, sermon agad ang bungad niya. Nakatayo siya sa may bintana ng kwarto niya, magulo ang buhok, jaw clenched, parang may world war sa dibdib niya. Ako pa ang mukhang kontrabida kahit siya itong pinagtanggol ko kagabi.

"You know that Hara is in charge of the journal team in our school," he continued, voice low but tight. "Maybe tomorrow that rumor will spread. And then—"

"Tangina naman, Asher!" napataas ang kilay ko. "Huwag ka ngang weak. Magpakalalaki ka nga. Kaya ka kinakawawa kasi hindi ka marunong lumaban. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang sobrang bait."

Tumigil siya. Parang may tumama sa pride niya. Umupo siya sa gilid ng kama, parehong kamay nakahawak sa tuhod, tahimik pero halatang may iniisip. Lumapit ako at hinawakan ang baba niya para magkatapat kami. Ramdam ko ang init ng balat niya sa daliri ko.

"Ang mundo ay parang Quiapo," seryoso kong sabi, pero may halong arte. "Maraming magnanakaw. LUMABAN KA! Juskopo! Juskopo!" ginaya ko pa 'yung mga dramatic na eksena sa pelikula.

Bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Shut up," sabi niya, iritado pero hindi naman malakas.

"Aray! Naga-advice na nga, sinasaktan pa!" hinimas ko ang noo ko at tumayo. "Alis na nga ako. Kagigising ko lang, mag-i-English ka agad sa harap ko. Hindi ko pa period, ayokong duguin ang utak ko."

"Tsk." Napailing siya. "You don't really have manners when speaking. It's better if you go out of my condo."

At bago pa ako makasagot, binagsak niya ang pinto ng kwarto niya.

Napangiwi ako. Lakas ng topak. Edi fine.

Habang naglalakad ako palabas ng unit niya, may kakaibang bigat sa dibdib ko. Hindi naman ako sanay na may nagagalit sa akin dahil lang sa pagiging prangka ko. Sanay ako na ako ang dominante. Pero kay Asher, parang... iba. Hindi siya natatakot sa akin. Naiinis siya. At nakakairita 'yon.

Pagdating sa sarili kong condo, dumiretso ako sa parking para kunin ang kotse ko papuntang bahay. Yes, may sarili akong bahay at condo. May business kasi ang nagampon sa akin and as only child nasa akin lahat ng attention ng parents ko. Hindi naman booming ang business pero enough for us to say na may kaya. My parents ate always busy—meetings, flights, negosyo—but they made sure I grew up secure. Hindi man sila laging present, never akong nagkulang sa kahit ano.

Pagpasok ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Manang Edna.

"Ay, Ma'am! Paghahanda ko po ba kayo ng makakain?"

"Manang, gutom na gutom na ako. Pahanda na rin 'yung damit ko sa kwarto."

"Si Jordan po hinahanap kayo."

Paglingon ko, tumatakbo si Jordan papunta sa akin, hawak ang stuffed toy niyang mukhang pagod na rin sa kakayakap niya.

"Ate Viana, can I hug you? Plith?"

Napangiti ako. "Sure, baby."

Yumakap siya nang mahigpit sa baywang ko. Ang liit-liit niya, amoy baby powder at gatas. Bigla akong natahimik. Ang simple ng ganitong moment, pero ang gaan sa pakiramdam.

Baka kaya hindi ako takot sa mga komplikadong relasyon kasi may ganito akong mundo na babalikan.

Pagkatapos kong mag-ayos, tumawag si Micha.

"Viana! You don't know what you're doing," bungad niya agad. "He's different from the guys you play with mukha kayang mabait si asher!"himig niya na naawa

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon