VIANA'S POV
"You can..."
Paulit-ulit sa utak ko. Parang sirang speaker na naka-loop.
"You can..."
Bigla akong napabangon. "WAAAHHH NABABALIW NA AKO!" sigaw ko, sabay hawak sa ulo ko na parang may static sa loob. Hindi ko alam kung totoo ba talaga 'yung sagot niya kagabi o imagination ko lang dahil sa pagod at emosyon.
Kung totoo man—
Bakit parang mas nakakatakot?
Tumingin ako sa orasan. 7:30 PM. Hindi ako pumasok buong araw. First time ko mag-skip nang walang valid reason. Hindi dahil may hangover. Hindi dahil tinamad.
Dahil nahihiya ako.
Ako? Nahihiya?
Tumayo ako at humarap sa salamin. Sinuri ko ang sarili ko—mula sa magulong buhok hanggang sa oversized shirt na suot ko.
"Maganda naman ako," bulong ko. "Sexy. Flat nga lang at walang pwet. Ang liit ko pa. Mukha akong Grade 10."
Napairap ako sa reflection ko. "So bakit sa kanya ka nagkakaganito, ha?"
Huminga ako nang malalim at humarap sa pader.
"HOY, ASHER!" sigaw ko. "Naririnig mo ba ako?! Hindi ka naman gwapo! Hindi ka rin hot! Minsan hindi ka pa naliligo kasi puro ka computer! Para kang naka-live sa loob ng monitor mo!"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tinatawag mo akong bata? Immature? Annoying? Eh ikaw nga 'tong walang lakas ng loob! Takot magsalita! Takot ipaglaban kung ano'ng gusto mo!"
Hindi ko namalayan na may mahinang tunog ng yapak sa likod ko.
"Hindi ka attractive! Hindi ka confident! Hindi ka 'yung tipong hahawakan ang kamay ko sa harap ng lahat at sasabihing akin ka! Lagi kang umatras!"
My voice cracked.
"Sa dami ng lalaking kayang ipagmalaki ako, ikaw pa 'yung pinili kong pansinin! Pero minsan naiisip ko... baka mali ako."
Napakagat ako sa labi ko.
"Kasi baka hanggang tagamasid ka lang talaga. Hanggang tahimik sa gilid."
Tahimik ang kwarto.
"Gusto ko 'yung lalaking kayang tapatan ako. Hindi 'yung laging tinutulak ko para lang gumalaw."
Bitter akong natawa. "Bakit ikaw pa? Bakit ikaw 'yung hinahanap ko paggising?"
"Viana."
Parang tumigil ang mundo.
Dahan-dahan akong lumingon.
Nakatayo siya sa may pinto. Calm. Expressionless. Parang wala siyang narinig.
"Are you crazy?" malamig niyang tanong.
"Kanina ka pa ba diyan?!" mabilis kong sagot, ramdam ko ang pag-init ng tenga ko.
ASHER'S POV
I stared at her.
She looked like someone who had just confessed her entire heart to a wall.
"No," I answered.
She marched toward me, eyes wide. "Narinig mo ba? Which part? Everything? Narinig mo ba lahat?"
"Why are you panicking?" I asked evenly.
"Sagutin mo ako!"
I raised my hands slightly. "No. I didn't."
Her shoulders visibly dropped. She even muttered something like safe ka pa, Viana under her breath.
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomantikShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
