VIANA POV
Nagising ako na may malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Yung aircon ni Asher na parang pang-hospital sa lamig.
Wait langggg?? akala ko nasa sarili kong condo ako. Ginamit ko yung kamay ko para hanapin yung phone ko na usually nasa tabi ng unan... hanggang sa napadilat ako at tumambad yung pader na hindi akin. Minimalist. Clean. Walang kalat. Walang random na hair clips. Walang brown na tumbler. Nasan ako??
Aish.
Condo ni Asher.
Umupo ako agad, sabay kumunot ang noo. Ang bilis ko ring sinulyapan yung pinto, parang may mahuhuli akong multo. Wala. Tahimik. Walang footsteps. Walang tunog ng keyboard. Walang "good morning" na mahina. Which was weird kasi si Asher, laging may ginagawa.
Mas weird pa yung fact na... ayoko munang umuwi dito ulit.
Hindi dahil ayoko sa condo niya. Actually, ang sarap matulog dito.
Ayoko kasi sa sarili ko kapag nandito ako.
Baka anumang oras, madulas ako. Baka bigla na lang akong magsalita nang hindi ko sinasadya. Baka mabanggit ko yung bagay na pinipigilan ko nitong mga nakaraang araw.
Na gusto ko siya or mahal ko siya, gusto mo rin ba ako?
Napahawak ako sa mukha ko, pinisil ko yung pisngi ko na parang kaya kong ibalik sa normal yung utak ko sa ganung paraan.
What if na-attach lang ako? What if masaya lang ako sa company niya pero hindi talaga ito "love"? I don't know. I don't fucking know what love is supposed to feel like. Yung kay Nash, akala ko love, pero kapag iniisip ko ngayon, parang crush lang na pinatagal ko hanggang sa naging humiliation.
Or maybe more than crush?
Tangina, ang gulo.
Tumayo ako at naglibot sa condo, naka-oversized shirt lang. Tahimik pa rin. Malinis pa rin. Amoy fabric conditioner pa rin—yung amoy na parang may taong responsible sa buhay niya. Hindi ko alam kung nakakakilig o nakakaasar.
Pagdaan ko sa sala, napatingin ako sa wall clock. Habit ko na pag gising, tinitignan ko oras—parang assurance na may control pa rin ako kahit sa isang bagay man lang.
May nakadikit na sticky note sa gilid ng clock.
Aabutin ko sana, pero putcha... hindi ko abot.
"Wow," bulong ko, irap. "Okay."
Nilibot ko yung paligid, nakakita ako ng upuan sa may bedside table. Hahawakan ko na sana nang mapansin ko... may sticky note din yung upuan.
Binasa ko.
"Use me because your height is short."
Napatigil ako. Tumingin ako sa note, tapos sa upuan, tapos sa hangin—parang doon lalabas yung may sala.
"Gago," sabi ko, pero yung bibig ko, gusto nang ngumiti.
Is he making fun of me or does he care? Bakit laging parehong option sa kanya? Bakit hindi pwedeng isa lang?
Hinila ko yung upuan papunta sa wall clock, tumayo ako doon na parang may mission sa buhay, tapos kinuha ko yung note sa clock.
Ang sulat niya, neat. Parang wala ring galit sa pen strokes. Controlled. Parang siya.
"I know you will see this. Are you hungry? Sorry if we're not okay. There's milk tea and pizza in the ref."
Hindi ko napigilan yung ngiti ko. Yung ngiting hindi ko gustong umabot sa mukha kasi nakakahiya—pero umabot pa rin. Parang automatic.
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
