VIANA'S POV
While walking, pauwi na ako since I only have three classes today nang biglang may tumawag sa akin.
"Viana!" tawag ni Sasha mula sa hallway.
Napalingon ako. "Oh? di ka pa uuwi?"
"Una na 'ko girl! Wala na akong class. Magre-review pa ako sa economics." Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.
At ayun. Mag-isa na pala ako uuwi akala ko sasabay si sasha since same condo lang kami pero different floor.
Irregular student problems. Iba-iba schedule ng mga kakilala ko. Huminga ako nang malalim at naglakad papuntang canteen para bumili ng food.
Pababa na ako at may nakita akong naguusap sa ilalim ng hagdan.
Asher. At isang girl.
Long hair. Model vibes. Polished. Siya ba si Hara?
Medyo bumagal ang lakad ko para malaman ko kung anong nangyayari.
"I'm sorry, Asher," rinig kong sabi ng girl habang inaabot niya pabalik ang sulat na hawak niya. "I don't like you that way. We're friends. And that's all."
Tahimik lang si Asher. Hindi siya nagsalita. Hindi siya naghabol. Tinanggap lang niya ang papel habang nakayuko
Mas masakit yata 'yon.
Umalis na si Hara papasok ng canteen, habang naiwan si Asher sa hagdan, hawak ang sulat, parang hindi alam kung saan titingin.
So this is the real story. Kagabi sa bar, ngayon sa campus. Infairnesss ganda ng chismissss.
Dahan-dahan siyang naglakad palayo, palabas ng building. Hindi ko alam kung bakit, pero sinundan ko siya.
"Pst," tawag ko.
Umupo siya sa bench sa ilalim ng canopy. Inalis niya ang salamin niya at napahilamos ng mukha.
Then I saw it. Namumula ang mata niya. Damn.
Lumapit pa ako. "Pst," mas mahina na.
Tumayo siya bigla.
At dahil nagmamadali akong lumapit sa kanya, Natapilok ako.
Sakto ring pagharap niya. Nasalo niya ako.
Pero sa impact, napaatras siya at tumama ang ulo niya sa gilid ng bench.
The sound was sickening.
"Damn," bulong niya, napahawak sa ulo.
Pagbaba ng kamay niya, May dugo.
Nanlamig ako. "Shit. I'm sorry!"
Agad kong hinanap ang bimpo sa bag ko at idiniin sa sugat niya. Hindi naman malalim, pero dumudugo.
Tinabig niya ang kamay ko. "I'm fine."
Hindi siya okay!! may dugo kaya??
Diretso siyang naglakad palabas ng campus para makalayo sa akin.
"Asher!" tawag ko ulit.
Walang lingon lingon at Sumakay siya sa kotse niya at pinaandar agad.
Nagpanic ako. Hala! Brokenhearted yun at may sugat sa ulo tapos Emotional pa??
Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko.
Tumakbo ako sa kotse ko at sinundan siya. Pumasok siya sa isang condominium na familiar sa'kin. Malapit lang sa condo ko to. Just Minutes of Travel. May kaklase akong nakatira rito, kaya nakalusot ako sa guard nang hindi masyadong nahirapan.
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomanceShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
