VIANA'S POV
Matapos ang gulo sa Malate, kita pa rin ang pasa sa mata ni Asher. Light violet na ngayon, pero halata pa rin. Tahimik siya buong linggo. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit... o dahil kay Kuya Sean.
"Mr. White, Ms. Tuazon, kayo ang magkagrupo sa gaganaping Green Day program," announce ng prof.
Napangiti ako agad.
Oh yes.
Universe, salamat.
Hindi ko naman aaminin, pero ang boring ng mga araw ko lately. Walang thrill. Walang drama. Si Micha at Marj busy sa schools nila. Si Sasha, busy sa ka-talking stage niya. Ako? Netflix at overthinking.
"Hindi ba pwedeng kami na lang ni Ms. Tuazon?" singit ni Troy mula sa likod.
Napalingon ako. Kumindat pa ang gago.
"Kala mo naman gwapo," bulong ko.
"Uy, Troy ha! May gusto ka kay Tuazon," tukso ng prof.
Nagtawanan ang klase.
Sa gilid ko, narinig ko ang isang mahinang "Tss."
Napalingon ako kay Asher.
Wait.
Was that irritation?
Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya. "Nerd, simulan na natin mamaya ah?"
Tumango lang siya.
Inisandal ko ang ulo ko sa balikat niya on purpose.
Cold and Stiff. Pero hindi niya ako tinulak palayo.
"Nerd, okay na ba sugat mo?" tanong ko nang mas mahina.
Tumango ulit.
Ano ba 'to? tuod ba tong kausap ko?
Natapos ang klase at tumayo siya agad. Akala ko lalayasan na naman ako.
"Viana," tawag niya.
Napangiti ako nang malaki. "Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis—"
"Let's eat?"
Napatigil ako.
Oh. Okay.
Hindi ako prepared sa calm invite. Medyo tumalon ata yung heart ko don ng slight.
"Talaga? Tara! Saan?" sobrang excited ako!! nagyaya siya!
Sa coffee shop kami napunta. Tahimik. Aircon na parang may sariling winter season.
"What coffee?" tanong niya, nakatingin sa menu.
"Matcha cold."
"One large cold Matcha, one medium hot Cafe Latte," sabi niya sa cashier. "Do you want cake?" hala!! bakit ang cute niya even tho may sugat siya.
"Blueberry cupcakes. Two." nakatitig pa rin ako sa kanya kasi naninibago ako na nakikipagusap siya even tho no expression yung mukha niya.
Umupo kami sa sofa area. For a few seconds, tahimik lang.
"I know its been 6 days, but I invited you because I want to say thank you " sabi niya, diretso ang tingin. "That's all."
That's all?
"Okay," sabi ko, naka-smirk. "Asan 'yung thank you?"
Nakita kong nag-shift ang expression niya—parang nahihiya pero pinipilit maging composed.
"Thank you," sabi niya, soft but clear.
Ang cute niya kapag naiilang.
"ulitin mo ulit," tukso ko habang kinakain ang cupcake. "Ang bait mo naman pala eh."
BINABASA MO ANG
Steal His Innocence - Completed
RomansaShe's bold, liberated, and lives life on her own terms-walang pakialam sa sasabihin ng iba. He's the quiet, nerdy boy na puro books, games, at acads lang ang mundo. Two completely different souls collide when she decides to make him her new "project...
