CHAPTER 5: Annoying Him

2.2K 57 0
                                        

VIANA'S POV

"Hmmm... ang bango."

Nagising ako sa amoy ng tocino. Yung legit—matamis na nagka-caramelize, may konting sunog sa gilid, tapos may bawang na kumakapit sa hangin. Napadilat ako agad, sabay napabalikwas.

Wait. Bakit ako nakahiga?

At bakit... sa kama niya?!

Umupo ako, magulo ang buhok, and yung kumot nakalawit sa balikat ko. Last thing I remember, naglilinis ako habang naka-earphones. Tapos... wala na.

"Teka?? asan yung tukmol na 'yon?"

Tumayo ako, pa-cautious pa sana, pero muntik na akong humagalpak ng tawa nang makita ko siya sa kitchen area.

si Asher White, Naka-Spongebob na apron? haha ang cute na nakakatawa

Nagluluto siya at Focused na focus Parang walang sakit kagabi, walang drama, walang sugat. Grabe. Ang cute niya d'yan.

D'yan na lang siya habambuhay, please.

Dumiretso ako sa lamesa kung saan may bagong hain na tocino. "Luto mo 'to? Nakakagutom, penge ah," sabi ko, kukurot na sana ako. Pero tinamoal niya agad ang kamay ko. Sakto lang, hindi masakit, pero enough para mapatigil ako. hmp!

"Get your plate first," cold niyang sabi and his eyes still on the pan.

Ngumuso ako. "Arte." Kumuha ako ng plato at juice sa ref, sabay bulong, "Engliserong kokak," tapos tinapunan ko siya ng taray. Kainis!

Hindi siya tumingin pero yung corner ng bibig niya... parang gustong umangat.

Parang? Di ako sure.

Inayos ko ang mesa. Siya na nagluto, ako naman magaayos ng table. Fair trade lang and para mabilis na kaming makakain. Hindi ko alam kung bakit, pero natural lang sa'kin yung gumalaw sa unit niya na parang... sanay na sanay ako rito.

" okay ka na ba? " tanong ko habang nagaayos.

" yeah " cold niyang sagot.

hinawakan ko yung noo niya. medyo napausog siya ng konti at tinignan ako ng malalim " okay na nga " sabe ko at bumalik na ako magayos.

Tahimik kaming kumain. Yung silence na hindi awkward, pero hindi rin comfortable. Parang may invisible line sa pagitan namin na pareho naming hindi tinatawid.

Nang matapos siya, uminom siya ng tubig. "Th-thank you... a-again," sabi niya, almost under his breath.

Paglingon ko sa kanya, umiwas agad siya. Tumayo siya at inilagay ang pinagkainan sa lababo.

Napatawa ako nang mahina. "Nahiya pa mag-thank you," bulong ko sa sarili ko.

Binilisan ko ang pagkain ko at ako na ang naghugas. Habang nagbabanlaw ako, narinig ko siyang lumipat sa sala. Paglingon ko, nakaupo na siya sa couch, nakatutok sa TV na hindi ko alam kung pinapanood niya talaga.

"Nerd," tawag ko habang pinapatuyo ang kamay. "Okay ka na ba? Wala ka na bang sakit?"

"Yeah," tipid niyang sagot.

Ang ganda kausap. Sobrang meaningful.

Umupo ako sa tabi niya, hindi sobrang dikit pero enough lang para maramdaman kong nandoon siya. Tinapunan niya ako ng tingin, yung usual niyang expression na super cold.

"Nerd," tawag ko ulit. "Turuan mo naman ako sa calculus. Pagawa ng assignment, please?"

"Tss."

"Wow. Grabe. Ang sakit mo magsalita." Tumagilid ako, and placed my chin on my hand. "Please? Pansinin mo ako, Asher. Please lang. Maawa ka sa magandang nasa harapan mo."

Steal His Innocence - CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon