Part 12

31.8K 648 84
                                    

**ACE's POV**


Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Heart kaya naligo na ako at lumabas para hanapin sya. Nakita ko naman sila sa dinning room na nag ku-kwentuhan at kumakain.

"Hey Ace! Ikaw ba ang nag luto nung beef steak o nag order ka? Ang alat naman at medyo sunog pa yung beef! It's too disgusting! Next time wag ka nang mag luto!" Reklamo ni King. WTF? hindi naman talaga ako nag luluto at mas lalong wala akong balak mag luto! Himala nalang pag nag luto ako!

Damn! Si Putching yung nagluto!

"Paano naman naging pangit ang lasa nyan eh expert ang nagluto nyan" sabi ko. Masarap naman kasi talagang mag luto si Putching.

"Don't worry dude. Tinapon na namin lahat at nag luto nalang ulit kami" sabi naman ni Queen at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Heart.

"May nakita akong collections nang Albums ni Aleahrica sa drawer mo. My gosh! Alam mo bang one day lang sold out na lahat nang Albums nya! Hater ka nya pero meron ka nang lahat nang Albums nya at original pa! Kinuha ko na tapos pinag hatian namin nang Eclipse. Salamat! Best ever gift na yun!" tuwang tuwa na sabi ni Heart

"What the? why did you do that!" Inis na sabi ko.

Damn!

Drawer ni Putching yung pinakialaman nya! Hindi ko kasi yun nailagay sa box!

"Ace please, Can we have that?" mapilit na sabi nya then nag pout sya.

"Oo nga! Sa amin nalang yun! There's no way in hell na ibabalik ko pa iyon!" sabat din ni Jack "I think I'm obsessed to her! Pati sa pangalan nya nagagandahan ako! If she's mine then I would call her as Aleah or Rica" dagdag pa nya.

"Whatever" sabi ko nalang at hinayaan ko na sila. Hindi naman kawalan yung Albums nya.

"Eclipse may special announcement pala ako" masayang sabi ni Heart

"What is it?" tanong ko kaagad.

"Siguraduhin mong special yan" sabi naman ni Queen.

"MAY NANGYARI NA SAAMIN NI ACE!!!!!!" proud na sabi ni Heart kaya naman inasar asar na kami nang mga bandmates ko. Tuwang tuwa ang mga baliw!

"Ang bilis naman" wala sa sariling usal ni Jack.

"Congrats sa inyong dalawa!" sabi naman ni King habang umiinom nang juice.

"Oh my gosh! You two were really meant to be!" Queen was obviously delighted with this news.

"Guys! Sana mabuntis ako!!!!!" tuwang tuwa na sabi ni Heart habang kinikilig pa. At ako namn? Pinapanuod ko lang silang mag saya

"Hey...Ace! Anong masasabi mo?" tanong ni Heart habang nakayakap sa akin

Ngumiti naman ako..

"Mag practice na tayo. Malapit na ang live gig natin" sabi ko at iniwan ko na sila.

Why did she even mention that to them?. It's embarrassing!

**ALEAH's POV**

I ended up driving in an unknown beach. Ang layo nang narating ko
It's too calm and peaceful here. Ang lamig pa at madaming puno at malinis din at walang tao.

Nakakarelax dito. I can cry and shout here without anyone noticing it.
I can think calmly here and I can also relax my mind and heart

May extra food and cloth naman ako sa car so maybe dito muna ako.

Umupo ako malapit sa water and as I watch the sunset.
Ang ganda pero habang tumatagal ay nawawala na ito. Sunset? parang relation lang namin ni Ace.
Maganda sa umpisa pero habang tumatagal it's slowly fading.

Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako

"I've done all my best Ace. I'm tired already" bulong ko then mas napaiyak ako. Why can't he love me back?

"ACE! THIS IS THE LAST TIME THAT I'M GOING TO CRY BECAUSE OF YOU! I'M TIRED OF CHASING YOU WHEN I DIDN'T EVEN KNOW WHY YOU'RE RUNNING AWAY FROM ME! JUST GIVE ME ONE LAST SIGN THAT YOU DON'T LOVE ME ANYMORE AND I WILL STOP BOTHERING YOU AGAIN!" sigaw ko. Sawa na ako. Sawang sawa na ako na intindihin sya. Hindi ko na kaya ang paulit ulit na pag basag nya sa puso ko.

My Husband vs. MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon