Part 21

31.5K 597 13
                                    

Pag hawak ko sa microphone saka ko lang napansin lahat nang design sa bar.

Playing cards ang designs!

Then naalala ko yung sinabi nila na may band na nag perform.

Eclipse! Baka andito pa sila!

Hindi pa ako naririnig kumanta ni Ace and I'm hoping that he could listen to even just one of my song.

"This song is for you. Sana nandito ka pa and I hope magustuhan mo ito" I know I'm here to forget him for a while but still, umaasa pa rin ako na magugustuhan nya ang pagkanta ko.

Gusto kong ma-appreciate nya ito. I want him to be proud of what I'm doing.

Before we got married, napaka sweet ni Ace sa akin. He treats me so well at ni minsan ay hindi nya ako napaiyak. He's my protector at ipinag tatanggol nya din ako kay Ice lalo na kapag kinukulit ako nito.

When I'm wounded he would blow the pain away.

Ipinagtatanggol nya din ako sa parents ko and whenever I'm upset he would do everything he can just to make me smile. Just imagine, I got to marry my childhood sweetheart.

Everything was fine but after naming magpakasal he suddenly changed. My memories with guy I loved the most was slowly turning into a nightmare. And up until now I'm still trying to fix whatever was left on our relationship.

Paulit-ulit na din na dumating sa point na gusto ko nang sumuko dahil sa kasinungalingan nya at dahil na rin sa pangloloko nya sa akin.

Kahit na may iba syang babae ay handa akong magbulag bulagan at kahit sinasaktan nya ako nang paulit ulit hindi ko parin sya magawang iwan.

I do love him and he's all I ever have now. Nung time na kinamuhian at itinakwil ako nang parents ko dahil I pursued my dream to be a singer, He still remained by my side. That was enough for me to know that he still cared for me even just by a little bit.

Handa akong tanggapin sya at patawarin sya. Hindi ko rin isusumbat sa kanya lahat nang kasalanan nya.

Ang gusto ko lang ay mag bago sya at mahalin nya ako tulad nang dati.

I will wait 'till the day when he was ready to fix our relationship again. I will endure everything until then.

But, I'm afraid that I'll grow weaker as the time passed by. Nasasaktan din ako. At kahit gaano kahigpit ang paghawak ko sa relasyon namin I'm sure that one day I'll stop fighting for it.

I'll stop fixing it dahil sirang sira na din ako.

I've did all I can already and I'm hanging by a thin thread now.

I hope he will try to fix our relationship together with me too. I hope that he would stop damaging it to the point of no repair.

He only need to give me a sign that he's willing to start all over again and I will accept him whole heatedly. I will love him more than I do now.

But if he gave me a reason to stop fighting then I will give up on him kahit na alam kong masasaktan ako kapag ginawa ko iyon.

Habang kumakanta ako ay hinahanap ko si Ace but I can't see him. Ang nakita ko lang ay si Ice na masayang nakikinig sa kanta ko at si Manager Meg na kasama nang madaming papabels nya.

Naiiyak na ako! Kahit gaano kadaming kanta ang kantahin ko, wala pa ring kwenta ang mga ito kung wala si Ace.

Gusto ko kahit minsan lang maging proud sya sa akin. Na sana makipag bati na sya saakin

"DUET!"

"DUET!"

"DUET!"

"ACE AND ALEAHRICA! DUET! DUET!" sigawan nang mga tao. Nagulat naman ako sa sinabi nila.

Nandito pa sya?

Tumingin tingin pa ako sa paligid then nakita ko syang nakasimangot. He looks irritated at walang balak pumunta dito sa stage.

"Damn!" narinig kong sabi ni Ice then sya nalang ang pumunta sa stage.

"KYAAAAAH!"

"PARTY PARTY!"

"WAAAH! 2nd DUET NA NI ALEAHRICA!" Tilian naman ang mga nanunuod.

They mistook  Ice as Ace since kakaunti pa lang ang may alam na nandito si Ice para sa shooting.

Nag tataka nga ako sa sarili ko kung bakit ang dali kong mai-identify kung sino si Ice at Ace. Or maybe matagal ko na silang nakasama kaya mas kilala ko na sila.

Identical Twins sila at sa boses man o sa galaw ay parehas din sila. Kahit sa expressions parehas din. Maybe sa pananamit? Maaring medyo thug and gothic manamit si Ace dahil sa band sya tumutugtog at si Ice naman ay may pagka formal dahil actor sya.

"Drink this para hindi ka maiyak" bulong ni Ice then may iniabot sya sa aking wine at ininom ko naman ito. Ayaw talaga sa akin ni Ace and I think hindi na mababago iyon.

Kinahihiya ba nyang pumunta dito sa stage dahil ako ang makakaduet nya?

"Isipin mo nalang ako si Ace, Okay?" paglalambing sa akin ni Ice. Tumango naman ako. Sometimes naisip ko na siguro when I die saka lang ako magugustuhan ni Ace.

My Husband vs. MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon