Kabanata 1

1.5K 53 22
                                    

Kabanata 1

Bestfriend

Since kindergarten, Nicco and I are friends. Pinalaki kaming dalawa na magkasama dahil magkapit-bahay lang kami at ang aming mga magulang ay magkaibigan. We're super close. Madalas kaming magka-away pero hindi naman maiiwasan iyon. He's like my older brother. He's my bestfriend. He's my only boy friend.

Sabay kaming hinahatid ni mommy patungong eskwelahan. Grade three simula nang maging magkaklase kami. Sobrang saya ko no'n dahil sa wakas mayroon na akong kaibigan sa klase. Madalas kasing mag-isa lang ako dahil hindi ako palakaibigan. Nasanay kasi akong si Niccolo lang ang kasama ko.

"Clara, naiwan mo 'yung lunch box mo." Nakangiting inilahad sa akin ni Niccolo ang pink lunch box na hinanda ni mommy. Tinitigan ko lang siya atsaka kinuha ang hawak niya. Tinalikuran ko siya at naglakad papasok sa room.

"Clara, iniiwasan mo ba ako?" Hindi na ako nagtaka nang sinundan niya ako. I know him. Ayaw niyang magkaaway kami though hindi naman kami magka-away ngayon pero parang gano'n na rin 'yun.

"Hindi..." Simpleng sagot ko. Inayos ko ang gamit ko sa mesa. Nakakalat ang lahat ng gamit ko kabilang ang notebook, pencil case, malalaking krayola, gano'n din ang suklay, pulbo at maliit na salamin.

"Hindi ako naniniwala." Pinigilan niya ang kamay ko sa paghahalungkat. Tinitigan ko siya ng masama.

"Then don't." Umirap ako at mabilis na sinikop ang lahat ng gamit ko at sinilid sa loob ng bag. Tinalikuran ko siya at lumipat ako ng ibang upuan.

Doon nagsimula ang bahagyang pag-iwas ko sa kanya. Grade five nang hindi na kami gaanong nag-uusap. I don't have a choice. Kinailangan ko iyon. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil kadikit ko naman ang mga kuya ko. We're all close kaya nga lang, dahil sa laki ng agwat ng mga kuya ko sa akin ay nagkaroon ng gap sa communication. Idagdag pa na ang kuya ko na sinusundan ko na si kuya Patrick ay nagpa-maynila para doon mag-aral ng kolehiyo.

Kuya, I miss you.

Siya ang kauna-unahan kong chinat simula ng gawan ako ni Niccolo ng social media account. May katagalan na rin ang account na ito pero hindi ko ginagamit dahil wala namang dahilan. Ngayon ko lang talaga para magkaroon naman ako ng komunikasyon sa pinakamalapit kong kuya. I miss him a lot. Namimiss ko na ang lahat ng ginagawa namin. We share secrets. Pero mas marami akong alam na sikreto niya dahil siya lang naman itong may tinatago.

I miss you too, bunsoy :(((

Doon na lang ulit kami nagkausap ni kuya. Kinuwento ko rin sa kanya ang mga nangyayari sa akin at ang pag-iwas ko kay Niccolo. Alam niya ang dahilan at hinayaan niya lang ako. Desisyon ko raw kung ipagpapatuloy ko pa ito kahit na ang maaaring kapalit ay ang pagkawala ng pagkakaibigan namin ni Niccolo.

Akala ko dahil sa pag-iwas ko kay Niccolo ay tuluyan na akong mawawalan ng kaibigan. Siya lang naman ang kaibigan mo. At masakit sa akin na iwasan siya.

"Ingatan mo si Clara sa school, Niccolo a?" Bilin ni mommy sa kanya. Nagugulat ako araw-araw na sa kabila ng pag-iwas ko sa kanya ay palagi niya pa rin akong dinadaanan sa bahay para sabay kaming pumasok sa eskwela.

"May nagawa ba talaga ako sa'yo?" Tanong niya habang naglalakad kami patungong school. Tanaw ko gamit ang gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin dahil magkatabi kaming naglalakad. Umiling ako ng di siya tinitignan.

"Kung gano'n, bakit mo ako iniiwasan?" Hinarangan niya ang dinaraanan ko kaya napahinto ako. He's looking in my eyes. Tagos sa aking kaluluwa. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi kita iniiwasan." Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nakaharang siya. Hinayaan niya akong maglakad pero nanatili siya sa gano'ng pwesto. Naglalakad siya ng patalikod para lang makaharap ako.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon