Kabanata 27

272 22 0
                                    

Kabanata 27

Akin

Nang makarating kami sa parte ng dagat na maraming makikitang lamang dagat ay huminto ang bangka. Sabi ng bangkero ay pwede kaming sumisid kung gusto. Siyempre gusto kong makita ang ilalim. Agad kong hinila si Niccolo patungo sa kabilang parte ng bangka.

Hinubad niya ang sandong suot niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa maganda niyang katawan. Dahil sa basketball at work-out ay nagkaroon ng ganitong klaseng katawan ang lalaking ito. Agad akong napaiwas ng tingin nang mapansing nakatingin na rin siya sa akin.

"Mauna na akong tumalon?" Nakangising tanong niya. Bigla akong nahiya. Nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya!

Clara naman kasi! Hindi ka pa ba sanay makakita ng ganyan? May dalawa kang kuya at ang mga kamiyembro mo sa swimming team ay madalas nakaganyan. Bakit mukhang takam na takam ka?

Tumango na lang ako.

Nang tumalon siya ay siya namang paghubad ko sa aking pang-itaas gano'n rin ang shorts ko. Nilapag ko ito sa lugar na pinaglapagan ni Niccolo ng kanyang damit. Saktong pagharap ko kung saan tumalon si Niccolo ay siya namang pagharap niya. Kita ang pagkagulat sa kanyang mukha. Nahiya akong bigla. Umupo ako para maitago ng harang ng bangka ang aking katawan.

"What are you doing, Clara?" Bakas ang pagngisi sa kanyang sinabi.

"Tumalikod ka! Huwag mo kong tingnan. Tatalon ako." Tinuro ko ang likuran niya.

Nginisian niya ako.

"Nagsuot ka ng ganyan tapos ikahihiya mo? Show it to me again." Panghahamon niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. He's enjoying this!

"Hindi! Tumalikod ka na! Maglaway ka pa..." Bulong ko sa huling pangungusap na mukhang narinig niya naman.

"Why would I? E kaya ko namang hawakan ang katawan mo? Para lang sa mga hindi makalapit ang paglalaway, baby. And I can take you whenever I want." Binato ko sa kanya ang salbabida na nasa tabi ko.

"Bastos!"

"Sinasabi ko lang ang totoo. Sige na... Puntahan mo na ako rito." He licked his lower lips. Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Manyak.

Tumalon na nga ako tulad ng gusto niya. Agad akong lumangoy papalapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. Nakahawak siya ngayon sa akin beywang habang ang akin naman ay nasa kanyang batok.

"You look hot." Malagkit niya akong tiningnan.

"Talaga?" Ngumisi ako. Tumango lang siya.

"Ewan sa'yo!" Agad akong lumayo sa kanya matapos kong itapat sa kanyang mukha ang dahon na nakuha ko kanina.

Sumisid ako pailalim.

I can see different kind of fishes. Iyong iba ay hindi ko makilala kung ano.

Sumisid pa ako nang hindi ko matanaw ang halamang dagat. I can't name any of those but it's beautiful.

Napatigil ako sa pagsisid ng mas malalim nang may humawak sa paa ko. Nakita ko si Niccolo. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

Hinawakan niya lang ang beywang ko habang titig na titig sa akin. I can't read his expression. Mahirap dahil nasa ilalim kami ng tubig.

Hinampas ko ang kanyang braso nang maramdamang mauubusan na ako ng hininga. Pero ayaw niya akong pakawalan.  Nagsalubong ang kilay ko at patuloy na hinampas ang kanyang braso. Hindi na ako makahinga! Nanatiling seryoso ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

Sinenyas ko na hindi ako makahinga. Imbis na pakawalan ako ay mas kinulong niya ako sa kanyang braso. Magkadikit na magkadikit na ang aming mga katawan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Ang hindi ko paghinga o itong katawan namin na magkalapit.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon