Kabanata 48

291 20 0
                                    

Kabanata 48

Wait

Tuluyan na akong natigilan nang lumabas iyon sa bibig ni Seungyeon. He said that he loves me. At ano ngayon itong nararamdaman ko?

Seungyeon's been inlove with his manager even before I came to Korea and became friends with him. Mula pa noong trainee pa siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya ay magkakilala na sila ni Manager MingYu. Magkasing edad lamang silang dalawa. Anak ng isa ring manager si Manager MingYu noon. Palagi silang nagkikita sa building hanggang sa nagkakilala at maging magkaibigan. Nang magdebut na ang grupo nila, si Managar MingYu ang pinahawak sa kanila.

Umamin na noon si Seungyeon kay Manager ngunit ang sagot nito ay hindi pa siya handa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagreject sa kanya ni Manager MingYu, nagawa niyang hintayin ito at suyuin. Saksi ako sa kung paano tratuhin ni Seungyeon si Manager. Buong akala ko noon ay pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa dahil sa nasasaksihan kong pag-aalaga pero laking gulat ng lahat ng may ipakilala si Manager MingYu na boyfriend nito.

Nasaktan si Seungyeon. Saksi rin ako doon. Nakita ko kung paano niya inayakan ang babaeng mahal na mahal niya. Natagalan ang proseso ng pagmomove on niya pero nagawa niya naman. Iyon ay noong nagsimula muli kaming dalawa na enjoy-in ang bawat pangyayari at gumawa ng magagandang alaala.

Hindi ko maipagkakaila na nahulog ako sa kanya. Noon pa man ay gustong-gusto ko na siya kaya nga sobrang saya ko nang makilala ko siya ng personal at maging kaibigan. Pero habang nakikilala ko pa siya, lalong lumalim ang pagtingin ko. Alam kong may hindi tama kaya pilit kong kinalimutan ang nararamdaman ko.

Ngayon ay sinasabi niyang mahal niya ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung pareho pa rin ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo, hinahangaan ko siya. Pero dumating na ba ako sa puntong mahal ko siya bago ko pa man pigilan ang nararamdaman ko?

"Seungyeon..." Sinalubong ko ang puno ng pag-asa niyang mga mata.

"I-I love you pero... hindi pareho ng sa nararamdaman mo." Ang kaninang masasaya niyang mga mata ay agad napalitan ng lungkot. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon pero ito ang kailangan kong sabihin sa kanya. Mahal ko siya. Pero bilang kaibigan lang.

"I'm sorry..."

"It's alright. Alam ko naman kung sinong mahal mo." Pilit siyang ngumiti. Bakas ang papatulo nang luha sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang ganito.

"Seungyeon, nagpapasalamat ako sa friendship natin. Sa pag-aalaga mo sa akin noong nasa Korea ako. At kahit nandito na ako, pinakikinggan mo pa rin ang lahat ng problema ko. You're always there for me. Sobrang swerte ko dahil nakilala at naging kaibigan kita. Mahal kita, Seungyeon. At ayokong mawala ka sa akin." Hindi ko alam kung para saan pero sunod-sunod na bumuhos ang luha sa mga mata ko. I'm just too lonely for these past few days na kahit tumatawa ako kapag kasama ko ang aking mga kaibigan, madalas akong tulala kapag nag-iisa na.

Hindi ko alam kung para saan ang pagiging malungkot ko. Pero siguro'y masyadong marami iyon kaya hindi ko mapangalanan ang kahit isa. Marami na rin namang nangyari. Marahil ay naipon na at ngayon ko lang talaga naramdaman.

"Can I hug you?" Pilit kong tiningnan si Seungyeon kahit blurr na ang aking mga mata. The smile on his face makes me want to hug him. Imbis na sagutin ang kanyang tanong ay ako na ang unang yumakap sa kanya.

"I really need this hug right now." Humagulgol na ako sa kanyang dibdib.

"If ever you need a hug next time, just call me, Clara. I'm always one call away."

Matapos noong gabing iyon kasama si Seungyeon, hindi ko na muli siyang nakita kinabukasan sa bahay. Sabi ni mommy ay maagang umalis si Seungyeon pabalik ng South Korea. Madaling araw iyon at hindi na siya nag-abalang gisingin ako. Nakita ko naman ang note niya sa harap ng aking pinto na naglalaman ng kanyang paalam. Bigla akong nalungkot.

Tuloy tuloy ang naging iyak ko pagpasok ko ng kwarto. I'm crying because Seungyeon decided to go back to Korea without telling me. Is he hurt? Am I the reason why he decided to go back that urgent?

Another thing that I'm crying for is what happened yesterday. I saw Niccolo with that girl. Niccolo's the reason why I'm not inlove with Seungyeon and then he's with another girl.

At ngayo'y inamin ko na sa sarili ko.

I'm still inlove with that stupid Niccolo.

Tuluyan na akong nawalan ng gana nang mga sumunod na araw. Tamad akong bumangon sa aking higaan dahil wala namang rason para gawin iyon. The lesson that my teacher gave me last time ay tapos ko nang basahin. Hindi naman ako pumapasok sa school. Nakakabagot din pala ang ganito.

Mabilis na lumipas ang panahon. Matapos ang graduation ay naging maayos ang lahat para kina Jazz at Rhein. Dinala ni Rhein si Jazz sa bahay nila noon kasama ang lolo't lola niya. Masaya ang naikwento sa akin no'n ni Jazz. Nagdire-diretso ang pagiging maayos nila. Pero traydor ang sakit niya. Kung kailan maayos at masaya na ang lahat, 'tsaka naman aatake ito at manggugulo.

Matapos naming malaman na tuluyan nang nagbalik ang sakit ni Jazz ay naging magulo na naman ang lahat. Everyone can't focus on our activities lalo na't palagi naming nakikita kung paano nahihirapan si Rhein sa kalagayan ni Jazz. Jazz looks so vulnerable... so fragile. Sabi ng doktor ay hindi na kaya ng gamot ang sakit ni Jazz. She needs to be back abroad for another surgery. Fifthy-fifthy rin iyon. Kaya sinusulit na nina Rhein at Jazz ang oras nila habang nandito pa si Jazz sa Pilipinas. Ako ang sasama sa kanya habang magpapagamot siya. And I'm hoping for the best...

"Clara." Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang boses ni Niccolo. Nasa airport kami at nagpapaalam na sa isa't isa. Ngayon ang alis namin ni Jazz patungong Canada para sa kanyang operasyon.

"Yes?"

"Please take care." Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. His expressive eyes are on mine. Nararamdaman ko ang pag-aalala sa kanya. And it made my heart skipped a beat.

Matagal ko rin siyang iniwasan dahil sa nakita ko noong magkasama sila noong Laica na iyon. Nabalitaan ko ring nagtatrabaho sila ngayon ng magkasama. Sa kompanya ng kanilang mga ama.

"I-I will." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano pang maaaring maging reaksyon ng aking puso kapag hindi ako umiwas. Baka masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko kahit hindi naman ako sigurado sa maaaring nararamdaman niya ngayon.

Hindi niya na ulit sinabi sa akin ang mga salitang binitiwan niya noon. Kaya iniisip ko na baka wala na siyang nararamdaman para sa akin. Baka lumipas na. Baka pagod na siyang maghintay.

"Good. Dahil hihintayin pa kita. Pati ang magiging sagot mo."

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil agad na kong hinila ni Jazz dahil paalis na ang eroplanong sasakyan namin. Hindi ko na rin siya nilingon. He said he'll wait...

Agad na na-scheduled ang surgery ni Jazz pagkarating na pagkarating namin doon. Masama na ang pakiramdam ni Jazz noong nasa eroplano palang kami at mabuti na lang at hindi siya inatake. Nang maisalang siya sa loob ng operating room, tumigil na rin ang mundo ko.

Please, Jazz. Kaya mo iyan. Babalik pa tayong magkasama.

~*~

A/N:

Malapit ko nang matapos. Sa wakas! Hahaha lol. Hanggang Chapter 50 lang 'to. Salamat!

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon