Kabanata 40

301 16 5
                                    

Kabanata 40

Emergency

Paggising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Mabilis akong nagtungo sa bathroom para makaligo. I'm excited. Alam kong di niya ako bibiguin ngayon.

Saktong pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto ay nakita ko si mommy na mukhang patungo sa paborito niyang lugar ng bahay-sa veranda.

"Mom, where's Niccolo?" Inosenteng tanong ko. Alam kong alam niyang may hindi kami pagkakaintindihan ni Niccolo kahapon. And I know she understands.

Nakangiti siyang nagkibit balikat. Napangiti rin ako.

Nanakbo ako pababa sa hagdan at nakitang normal naman ang lahat. Nangunot ang noo ko. Where's Niccolo?

I think I'm just excited that's why I'm agitated.

Nagtungo ako sa dining room para mag-almusal. I found heart-shaped pancakes with strawberry syrup. May coffee rin doon na may note.

Claire,

Enjoy your breakfast. ♡

-niccs

Agad ang pagngiti ko. He made this?

I heard the beep of my phone while I'm enjoying my meal. It's a notification from facebook. Taas ang kilay ko itong tiningnan dahil tagged picture ang nandon.

Dalawang nakatalikod na lalaki sa isang madilim na lugar at tanging ilaw sa disco ball. A bar?

Zinoom ko ang picture at napansin ang babae sa harap ng isang lalaki. She's wearing a red dress. Nakapatong ang kamay nito sa balikat ng lalaki. Ano ito ngayon? Bakit naka-tag sa akin? Wala naman ako.

Tatanggalin ko na sana ang pagkaka-tag sa akin nang mapansin ang bahagyang nakalingon na lalaki. It's Rhein. Hindi ako pwedeng magkamali. So it means the other guy is Niccolo?

Tiningnan ko ang oras ng pag-upload at nakalagay na kagabi ito. Confirmed. Si Rhein ang kasama ni Niccolo kagabi.

Agad na nag-init ang ulo ko. Sabi niya'y may imi-meet siyang anak ng business partner ng daddy niya. Sa bar? At isang babae? Come on...

Padabog kong binaba ang cellphone ko. Napakasinungaling.

---

"Look, Claire. Mali lahat ng akala mo." Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitingnan siya.

Mali lahat? Natawa ako.

"Niccolo, tatlong taon na iyon. We should forget. Bakit kailangang ibalik mo iyon ngayon?"

"It's because you haven't heard my side. You left without hearing my explanation. You left after breaking up with me..." Puno ng hinanakit ang boses niya. I smiled sarcastically. Bakit ngayo'y siya pa itong lumalabas na kaawa-awa?

"Does it matter? May magagawa pa ba ngayon kung sakaling magpaliwanag ka? Tapos na. Matagal nang tapos, Niccolo. Dapat nalimutan mo na." As I don't want to sound bitter, kusang lumabas ng gano'n ang boses ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo. Sinundan niya ang galawa ko. Nakatingala siya ngayon upang makita ako.

"Mauna na ako." Naglakad na ako palayo sa kanya nang maramdamang hawak niya ang palapulsuhan ko.

"No, Claire. We still need to talk." Maawtoridad niyang turan. Nagtaas ang kilay ko kahit na hindi ako nakaharap sa kanya.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon