Kabanata 22

316 23 0
                                    

Kabanata 22

Follow

Pareho kaming nakangiti ni Niccolo nang ihatid niya ako sa bahay. Hindi lang dahil sa kami na. Masaya rin ako dahil sa wakas, nagkaroon na rin ng linaw kay Jazz kung ano si Rhein para sa kanya.

I'm happy for all of us. Si Lhieanne at kuya Rendel naman ay masaya rin nang gabing iyon. Si Adrian at Elise ay maagang umalis sa prom at hindi na nila naabutan ang pag-amin ni Rhein kay Jazz.

Sobrang bilis ng pangyayari para sa aming lahat. Who would have thought that your best enemy would turn to be your knight in shining armor? Who would have thought that the one you truly love will turn into just someone in your past? And who would have thought that your childhood bestfriend can be your lover?

Napapangiti na lang ako.

"Why are you smiling?" Siniko ako ni kuya nang makita niya ang pagngiti ko. Nasa kama kaming dalawa habang nanonood ng downloaded video ng paborito naming kpop group.

"Wala." Tinuro ko si Jimin nang lumabas siya sa music video.

Nagulat ako nang patayin niya ang pinanonood namin. Hinarap ko siya.

"Kuya naman!" Reklamo ko. Nakangisi siya.

"Alam kong kanina ka pa wala sa wisyo, bunso. Simula 'yan kahapon. Umuwi lang kayo ni Niccolo galing ng prom, ganyan ka na." Pinasok ni kuya ang ulo ko sa pagitan ng kanyang braso at kili-kili. Inipit niya ako.

"Hala si kuya! Gawa-gawa kwento." Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aminin mo. Kayo na ba?" Nagtaas-baba ang kanyang kilay. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Tsismoso. Tabi nga. Maliligo na ako." Hinawi ko ang kamay niya at nanakbo na ako sa banyo. Pauulanan pa ako niyang tanong kaya mabuting umiwas na lang.

Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Niccolo na kausap ni kuya Patrick. Nagtatawanan silang dalawa. Hindi ko iyon pinansin at dumiretso sa kusina. Maghahapunan na maya-maya.

"Clara, dapat matuto ka nang magluto." Nagulat ako nang isingit ni kuya Patrick iyon habang kumakain kami sa lamesa. Nasa tabi ko si Niccolo at si kuya naman ay nasa harap ko. Magkatabi sila ni mommy.

"Ha? Bakit naman? Baka gusto mong magkasunog ngayon." Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang aking pagkain. Nahagip ng mata ko si Niccolo na nakangisi.

"Dapat naghahanda ka na. Malapit ka na ring mag-asawa." Halos mabulunan ako sa narinig ko. Napatingin ako sa kanya at hindi rin magkamayaw sa pagtawa. Gano'n din si Niccolo. Si mommy naman ay nakangisi pero mukhang wala pang nalalaman.

Bakit ba kasi magkasundo ang kuya ko at Niccolo na ito? Kainis.

"Mag-aasawa ka na, anak? Mabuti naman at hindi ka talaga tomboy!" Mas lalong tumawa ang dalawang itlog sa sinabi ni mommy. Naiirita ako.

"Mommy, hindi nga sabi ako tomboy! Ano ba naman 'yan." Inirapan ko sila. Binaba ko ang kubyertos na hawak ko at sumandal sa upuan. Binalingan ko si Niccolo na mukhang tuwang-tuwa pa.

"Hindi tomboy si bunso, my. May boyfriend na 'yan." Nakangising bumaling si kuya kay Niccolo. Nakangisi rin ito.

"Talaga, anak? Sino? Bakit hindi mo man lang sinabi agad?" Nagtatampong sabi ni mommy. Binitawan niya na rin ang kanyang kubyertos.

"Don't worry, my. Matagal mo naman na siyang kilala. Isa pa, siya naman ang matagal mo nang dinidikit sa akin." Ininom ko ang juice ko. Nasabi ko tuloy sa kanila ng biglaan.

Biglang nagningning ang mata ni mommy at napabaling sa katabi kong si Niccolo.

"Talaga, anak? Naku! Matutuwa sina Carmela kapag nalaman ito!" Pumalakpak si mommy. Napahataw na lang ako sa noo ko.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon