Kabanata 3

697 46 16
                                    

Kabanata 3

Number twenty one

Kinalimutan ko ang nangyari noong graduation. Tinuon ko ang isip ko sa ibang bagay habang bakasyon. Kasama ko si kuya Patrick nang magbakasyon at sinasama niya ako sa mga concerts ng paborito naming grupo. Pareho kaming mahilig sa KPOP. Magkasundo kami tuwing may korean group na magco-concert dito sa Pilipinas.

Nang malapit nang magpasukan ay sumama ako kay kuya Patrick sa Maynila para kumuha ng entrance exam. Nakapasa naman ako sa mga kilalang eskwelahan sa Maynila ngunit hindi ako doon pinag-aral dahil malayo. Lumipat na rin kami ng bahay nitong buwan na ito kaya doon sa pinakamalapit na Academy ako pinapasok ni mommy para malapit lang. Ayos lang naman sa akin dahil kilala naman ang school.

Hindi naman ako nahirapan sa pagpasok. Naging close agad ako sa mga kaklase ko. Siguro'y natuto akong makisalamuha dahil sa pagsama ko no'n kay Rhein.

Sumali rin ako sa mga club sa school. Naengganyo akong sumali sa photographer's club dahil iyon ang hilig ni kuya Patrick. Doon ako nakakilala ng bagong kaibigan. Si Lhieanne ang una kong nakilala at pinakilala niya naman sa akin ang kanyang pinsan na si Jazz. Nakakatakot sila noong umpisa pero nang naglaon, nakuha namin ang loob ng isa't isa at naging matalik na magkakaibigan.

Noong umpisa pa lang, hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng kaibigan dahil sa natural na ugali ko. Nasanay din akong iisa lang ang kasama at iyon si Niccolo. And since Nicco and I are apart, I'm left all alone. I just din't expect that Rhein will come and be my friend. Napaisip pa nga ako noon kung bakit lalaki na lang palagi ang nagiging kaibigan ko. I thought maybe, my girl classmates didn't want me as their friend. That I don't fit with them. Pero ngayong nakilala ko sina Jazz at Lhieanne, nawala ang tanong ko. 'Yung konklusyon ko. That I can fit with them. It's just a matter of what type of girl friends I must be with.

We're friends but we're not classmates. Sila kasi ay nag-aaral na dito noong elementary pa kaya awtomatikong nasa first two section sila. Ako bilang transferred student na maituturing, sa third section ako napunta. Close naman ako sa iba kong classmates pero iba ang kina Jazz. Para ko silang mga kapatid.

Kaya naman pinagbutihan ko ang pag-aaral noong taon na 'yun para maging kaklase ko sila. I'm not smart but I pushed myself to excel in class. Masipag siguro, oo. Hindi nga nagtagal ay nagtagumpay ako. It's all worth it. Lalo akong naging masaya.

Second year highschool nang maging obsessed si Jazz sa kanyang crush noon pang first year. Si Clarence Adrian na kaclub namin ay gustong-gusto niya. Hindi namin ito kaklase dahil nasa sunod na section ito. Palagi siyang sumisilip doon.

"Bakit mo ba gusto si Adrian?" Tanong ko nang nasa cafeteria kami at pinapanood si Adrian na nakaupo sa malayong sulok at nag-iisa. Hawak nito ang kanyang cellphone at mukhang may hinihintay.

"He's cute. He plays basketball really nice. He loves photography. Friendly din siya. I like his smile." Nakangiting turan ni Jazz habang nakatingin sa kanyang gusto.

Iyon din ang araw na nakita ko si Rhein nang nagtungo ito sa mesa ni Adrian. Nagbatian silang dalawa doon at nag-usap.

I know that he's Rhein. Kabisado ko ang facial expression niya at kilos. Alam kong siya iyon kahit na malaki ang pinagbago niya. Wala na ang eyeglasses na suot niya noon. Nagbago ang gupit niya, mas tumikas ang katawan niya, may kakaibang aura na rin siya ngayon, at ang angas niyang tingnan. Ang laki ng pinagbago niya.

I don't know when and how pero naging close kaming muli ni Rhein. We often talk to each other using chat messages. Gano'n pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin though sometimes I can feel that something's change. Marahil siguro'y nagmature kami. Unlike before, we're close dahil kami lang naman ang magkasama at bata pa ang isip namin noon. Ngayon ay may kanya-kanya na kaming kaibigan. May kanya-kanya na rin kaming pinagkakaabalahan. He engaged himself in basketball habang ako naman ay unti-unting napapamahal sa swimming.

"Claire, you got a message." Inabot sa akin ni Lhieanne ang cellphone ko matapos kong umahon sa pool. Una kong inabot ang towel na hawak ni Jazz para magpatuyo ng kamay. Nung tapos na ako, binasa ko ang message and it's from Rhein.

Rhein: I already meet your bestfriend.

Nagtaas ako ng kilay sa nabasa. Ofcourse he knows Jazz and Lhieanne, my bestfriends. Kilala sila kaya imposibleng hindi. At nasa iisang school lang kami.

Clara: Ofcourse, Rhein. Gusto mong ipakilala kita sa kanila?

Pinagpatuloy ko ang pagtuyo ng buhok ko while waiting for his reply. Seen ✔ . Typing....

Rhein Gabriel: Not them. Your childhood bestfriend, I mean.

Napakurap ako ng ilang beses bago pinaniwalaan ang nabasa ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. He's joking. Niccolo's not here. Or anywhere. Imposibleng magkita sila. Niccolo's probably studying in public school in Bulacan.

Clara: Shut up, Rhein.

Matapos ko siyang replyan ay agad kong nilog-out ang account ko at binalik kay Lhieanne. Mags-swimming na lang ako.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya hanggang sa isang araw, may pumutok na balita na mayroong bagong member ang varsity team na isang transferee. Nagulat kami ng malaman iyon. Fan kami ni Jazz ng basketball dahil member nito ang crush niyang si Adrian. Nagtanong kami kung sino iyong bagong member ngunit walang nakaalam. They know the looks but not the name. Kaya kami mismo ni Jazz ang umalam.

Saturday. Walang pasok pero pumunta kami sa school dahil alam naming may practice ang basketball team. Papasok pa lang kami sa gym ay rinig na ang friction ng sahig af rubber shoes ng players. Una kong nakita si Adrian at Rhein na nagpa-practice sa loob ng court while the others are preparing. Dumiretso kami sa bleachers kung saan may ilang estudyanteng nanonood. Umupo kami sa usual spot at agad kong ginala ang mata ko. Nasaan ang bagong member?

May lumabas galing shower room na nakakulay grey jersey na tumatalon-talon. Nakayuko ito at hindi kita ang mukha. Pero sigurado akong siya ang bagong miyembro dahil hindi pamilyar sa akin ang ganyang tikas ng katawan.

"Siya na ata 'yun, Jazz." Turo ko sa lalaking 'yon. Sakto namang nag-angat siya ng tingin at halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita kung sino iyon. Niccs...

"He's cute. Maganda din ang katawan but not my type." Inosenteng sabi ni Jazz. Hindi na ako nakakibo matapos no'n.

Why are you here, Niccolo? What are you doing here?

Nagsimula ang practice ng hindi napapansin ni Rhein na nandito ako. Hindi siya tumitingin sa gawi dito 'di tulad ng nakasanayan. He become serious this time. Pero madalas ang atensyon ko ay napupunta kay Niccolo at sa skills niya sa basketball. Hindi ko alam na kaya niya pala ang ganitong klase ng laro. Ang laki ng pinagbago niya. I'm really surprised.

"I hate the guts of that number thirty." Napalingon ako sa gawi ni Rhein ng sabihin iyon ni Jazz. Rhein's number is thirty. His birthday.

"Bakit?" Niccolo made a three point shot. Hindi ko tuloy mafocus ang atensyon ko sa mismong game. Idagdag pa na nagbibigay si Jazz ng komento kay Rhein.

"Mayabang siya. Wala namang binatbat kay Adrian." Napataas ang kilay ko ng marinig iyon. If she's not my bestfriend, paniguradong inaway ko na ito. But no...

Maybe she's saying this because all of her attention is on Adrian only. She's being biased.

"Mas magaling pa nga sa kanya 'yung number twenty one. 'Yung transferee..." Tsaka ko lang napansin ang numero sa likod ng jersey niya. Twenty one... Why twenty one?

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon