Kabanata 12

429 28 14
                                    

Kabanata 12

Teacher

Matapos no'n ay nagkabati din agad kami ni Niccolo. Pinapansin niya na ulit ako at sinasabayan niya na akong pumasok papunta sa school.

Everything's fine. Nagsorry ako sa kanya dahil sa pagbato ko sa kanya ng bola. Humingi din siya ng tawad dahil sa pagtrato niya sa akin ng gano'n. Ayos lang naman sa akin. Kaya lang naman siya naging gano'n makitungo ay dahil may kasalanan ako.

"Salamat sa paghatid." Nginitian ko siya matapos kong kunin ang librong dinala niya. Nasa tapat kami ng bahay at kita ko si mommy na nakatingin sa amin mula sa veranda ng bahay. Nakita rin siya ni Niccolo kaya kinawayan niya ito.

"Magandang hapon po, tita!" Ngiting-ngiti siya dahilan para lalong lumiit ang mga mata niya.

"Magandang hapon, hijo! Salamat sa paghatid sa anak ko." Kumaway din si mommy pabalik. They look so close.

"Walang anuman po."

Kinurot ko ang kanyang braso para humarap siya sa akin. Masyadong na-enjoy ang pakikipag-ngitian kay mommy.

"Ano?" Bahagyang nangunot ang noo niya nang lingunin ako. Aba!

"Umuwi ka na. Magkatuluyan pa kayo ng nanay ko." Tinalikod ko na siya at tinulak pagawi sa bahay nila. Ilang bahay lang naman ang pagitan nila sa amin. Pangalawang lipat na nila simula nang tumira dito sa Maynila.

Pilit niyang hinarap ang sarili niya. Nagulat ako nang saktong pagharap niya ay ang lapit lapit namin sa isa't isa. Narinig ko ang pekeng ubo ni mommy mula sa itaas kaya umikot ang mata ko sa nakangising si Niccolo.

"Uwi na." Pagbabanta ko. Lalong lumawak ang ngisi niya.

"Sabi ni tita, pwede daw akong mag-stay sa inyo kahit na anong oras ko gustuhin." Nginitian niya ako at nilampasan. Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Kailan 'yun sinabi ni mommy?" Nagtaas ako ng kilay. Masigla niya akong nilingon. Nakapasok na siya sa loob ng gate. Binati niya si Manong guard at nginitian din siya nito.

"Ngayon lang." Binelatan niya ako 'tsaka siya nanakbo papasok ng bahay. Siraulo.

Nilingon ko ang kinalulugaran ni mommy at nagkibit-balikat lang siya. Bahala na nga.

Hinanap ko si Niccolo sa sala pero wala. Saan naman dumiretso ang isang iyon?

"Ate Karing, may nakahanda na po bang merienda?" Tanong ko sa kasambahay na kalalabas lang ng kusina. Nakangiti siyang tumango.

"Pwede po bang padalhan kami sa taas? Salamat po." I gave my sweetest smile at dumiretso na sa itaas.

Tahimik ang bahay. Wala siguro ang dalawa kong kuya.

Pag-akyat ko ay dinig na dinig ko ang boses ni Niccolo na nakikipagkwentuhan kay mommy. Pareho silang naka-upo sa veranda.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong magmerienda, pag-aaralan ko ang tinuro ni Sir sa statistics. Bokya na naman ang nakuha ko kanina. Kapag daw kasi naulit iyon, hindi niya raw ako ipapasa.

Inis kong binuksan ang pinto nang hindi tumigil sa kakakatok ang sinomang iyon. Sinigaw ko na ngang saglit dahil nagbibihis pa ako pero hindi talaga tinigilan.

Bumulaga sa akin si Niccolo na dala ang tray ng merienda. Nakasimangot siya.

"Ang lakas ng topak mo a?" Singhal ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinabig ang kamay kong nakahawak sa pinto. Diretso niyang tinungo ang kama ko. Nilapag ang tray sa maliit na mesa sa gilid nito at humiga siya doon. Nasa likod niya pa rin ang kanyang bagpack.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon