Kabanata 47

307 18 0
                                    

Kabanata 47

Saranghae

Matapos kong ikwento kina Lhieanne at Jazz ang nanyari noong gabing nagkausap kami ni Niccolo, naging maayos ang pakiramdam ko. Wala silang ibang sinabi no'n. They just here me out. They let me share all my thoughts and feelings. At parang walang nangyari, naging maayos ang takbo ng bawat buhay namin.

Pero akala ko'y magtutuloy-tuloy iyon...

Katulad ng pinangako ni Seungyeon sa akin, bumisita siya dito sa Manila. Laking gulat ko pa nang malamang siya ang tinutukoy na bisita ng aming kasambahay. Simpleng white shirt at black pants lamang ang kanyang suot pero sobrang lakas ng kanyang karisma. Nakita ko pang natulala ang batang kasambahay namin pagkakita sa kanya.

Malakas pa rin talaga ang epekto niya sa mga babae tulad noon. Wala pa ring nagbabago.

"Balak mo rin ba akong ipakilala sa ex-boyfriend mo?" Nakangisi siyang tumingin sa akin matapos naming maihatid sa labas si Jazz at Rhein na kaninang nandito. Pinakilala ko sila sa isa't isa kahit na kilala naman na ni Seungyeon si Rhein dahil minsan na silang nagkita noong nasa Korea pa ako. Si Jazz naman ay tuwang-tuwa dahil minsan naming tinilian ang lalaking ito noong highschool pa kami. Noong kasikatan nila noon.

"Tigilan mo ako, Seungyeon." Banta ko bago siya tinalikuran at naglakad papasok ng bahay. Naramdaman kong sinusundan niya ako.

"Not Seb anymore? I thought you're going to call me Seb while I'm staying here?" Nakataas ang kilay ko nang nilingon siya. Seryoso ang kanyang mukha.

"Fine, Seb." Umikot ang mga mata. I heard him chuckled.

"But I'm really curious how he looks like. Kung dapat lang bang pinagseselosan niya ako." Lumapat ang kanyang kamay sa aking beywang. Hinayaan ko lang na ganoon. Sabay kaming umakyat pataas at dumiretso sa veranda na madalas pinagtatambayan ni mommy sa tuwing wala siyang ginagawa. Mamaya pa ang uwi ni mommy dito. Si daddy ay permanente nang naka-assign sa palasyo ng Malacanang at isang beses isang linggo lamang siya kung umuwi. Tatlo lamang kaming nandito kaya ayos lang kay mommy na dito muna tumuloy si Seungyeon. Marami namang bakanteng kwarto.

"Wala akong sinabing nagselos siya, Seb. Tinanong ka lang niya sa akin." Nagharap kami. Ang ngisi sa kanyang labi ay hindi ko maunawaan kung para saan. Minsan ay may kakaibang pag-iisip din ang lalaking ito. Dapat talaga ay hindi ko na nabanggit sa kanya ang napag-usapan namin ni Niccolo noon. But he's my only friend I can talk to that time. He's always willing to listen. That's why I like him very much.

"Okay. If you say so..."

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo ang magiging pananatili niya rito. Madalas ay umaalis kami at mamasyal sa iba't ibang lugar. He's really enjoying his stay here. Minsan ay sinama niya ako sa pagmeet ng mga dati niyang kaibigan dito.

"Pwede mo ba akong dalhin sa dating tinitirhan niyo?" Nagulat ako nang bigla niyang itanong iyon sa gitna ng panood namin ng movie. Nawala ang atensyon ko sa umiiyak nang bida sa screen.

"Bakit biglaan? Anong meron?" Medyo natatawang tanong ko. Inasahan kong ngingiti siya pero nanatilinh seryoso ang kanyang mukha.

"Wala. Hindi naman exactly sa bahay niyo noon. Kahit sa lugar lang mismo. Sa mall, kahit saan." Nilingon niya ako dahilan para makita ko ang kagustuhan niyang makarating talaga doon. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Matapos ang panonood namin sa sinehan ay agad kaming nagtungo papuntang Taguig. Wala akong balak na dalhin siya sa mismong village kaya naisip kong sa BGC na lang siya dalhin.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi ko alam kung tama bang dalhin siya doon. Parang may mali. Parang may mangyayaring hindi tama. Hindi mapakali ang damdamin ko hanggang sa nakatapak kami sa mall.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon