Kabanata 8

417 32 13
                                    

Kabanata 8

Pained

Hindi ko alam kung paanong humantong sa ganito ang buhay ko. Ang huling malinaw na pangyayaring naaalala ko lang ay ang araw na nakita kong magka-usap si Rhein at Jazz tungkol sa relasyon nila. Ofcourse hindi ko malilimutan ang pagluluksa ko sa nalaman ko. I want to forget. I want to moved on. Pero hindi ko naman ginusto na maging ganito kagulo.

Hindi ko man sinagot ang tanong ni Troy sa akin noong nakaraan, nagdesisyon siyang ituloy ang gusto niya. He's now officially courting me. I always receive sweet texts and a stem of red rose. Hindi ako humahanga sa mga ganitong pakulo pero hindi ko maitatanggi na nagugustuhan ko ito. Marahil ang dahilan ay galing sa kanya.

Si Niccolo naman ay palaging naghihintay sa akin araw-araw para sabay kaming pumasok sa eskwelahan. Hindi ko alam ang dahilan niya. I don't even bother asking.

Nasa science laboratory kami ngayon at kasalukuyang nakapalibot sa isang lamesa. Our teacher wants us to experiment. Nakikihalubilo ako sa kanila pero wala akong iniaambag. Hindi ko alam ang ginagawa nila. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang pailawin ang bumbilya gamit ang batteries. Pwede namang ikonekta sa kuryente na mismo. Pinapahirapan lang nila ang buhay nila.

"Anong meron sa inyong dalawa ni Troy?" Nilingon ko ang katabi kong si Lhieanne. Ang mata niya ay nakapako sa ginagawa ng mga kaklase namin.

"Troy?"

"Oo. Si Troy Mendez." Hinarap niya ako. Nakita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Jazz sa amin ni Lhieanne.

"Wala naman." Wala sa emosyon kong turan. Pinaningkitan ako ng mata ni Lhieanne pero pinagkibitan ko lang siya ng balikat.

"Sabi natin, walang sikreto sa isa't isa." Nag-iwas siya ng tingin. Alam ko iyon...

At pinahahalagahan ko iyon.

Ewan ko lang kay Jazz kung pinahahalagahan niya ang pinangako namin sa isa't isa. Walang sikreto. Pero bakit kailangan niyang ilihim ang tungkol sa kanila ni Rhein? Matatanggap ko naman...

Tinitigan ko si Jazz na abala sa pagtuturo kay Adrian kung paano ang gagawin sa battery. Pagkatapos ay nalipat ang tingin ko kay Rhein...

He's looking at Jazz. Masakit... Masakit dapat ang nararamdaman ko. Pero bakit tila walang reaksyon ang puso ko?

Namanhid. Namanhid na nga siguro.

"Wala akong tinatago, Lhie. Sasabihin ko naman ang lahat kung sakaling meron." I gave her a faint smile.

I really value friendship. Ayokong may mga bagay akong magawa na maaaring makasakit sa mga kaibigan ko. I love them so much. Kaya masakit ang pagsisikreto ni Jazz.

Hindi ko lang talaga matanggap kung bakit kailangan niyang ilihim ang tungkol doon. Kaya kong intindihin. Pero bakit si Rhein kasi? I know that she knew what I feel. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanila iyon. At isa pa, wala siyang binanggit na gusto niya rin si Rhein. Wala din siyang binanggit na nililigawan siya nito.

Masakit lang talaga.

Nang sumunod na mga araw ay naging ayos din ang lahat. Hindi na ako umiiwas sa kanila. Bumalik na ulit kami sa dati na magkakasabay kumain tuwing lunch. I missed them. Kahit papano ay natatanggap ko na.

At para tuluyang makalimutan ko ang nangyari, kailangang siya mismo ang magsabi sa akin. Kailangan kong maging honest siya. Kailangan niyang pahalagahan man lang pinangako namin sa isa't isa.

From: Troy

Sa coffee shop ulit tayo tonight?

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. He asked me late. Gumagayak na ako ngayon para sa pakikipagkita namin kay Ate Chi-- kuya Patrick's girl. Kahapon pa kami inimbitahan ni kuya para sa pagkikitang ito. I'll be with my friends too.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon