Kabanata 2

882 45 17
                                    

Kabanata 2

Rejected

Leave Niccolo alone. How many times do I have to tell you this? Sinabi ko sa'yong kaya kong saktan ang kuya mo. Mahirap bang gawin ang pinapagawa ko sa'yo, Clara? Bakit ka ba kasi dikit ng dikit sa lalaking 'yon? Sasaktan ka lang no'n. Hindi ka naman niya tinuturing na kaibigan. Just leave him alone. Just follow my rules.

Hindi ko alam kung ilang beses ba akong nakatanggap mula sa kanya ng ganyan. Kahit naman hindi ko na talaga kausapin si Niccolo sa school ay para bang may mata siya maging sa loob ng bahay namin kung saan ko lang nakakausap ang kaibigan ko. Makapangyarihan talaga siya. Sila ng pamilya nila. Kaya natatakot akong kalabanin siya.

Hindi ako nagsusumbong kina mommy sa pinapadalang sulat niya. Akala nila ay isang sulat ng kaibigan ang laging dumadating sa bahay pero hindi nila alam, pinagbabantaan na pala ako. Kaya daw niya kasing saktan si kuya na nasa Manila para mag-aral. Natatakot ako para sa kanya dahil siya lang mag-isa doon. Walang magtatanggol sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi iwasan na lang ang kaibigan ko. Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niyang sasaktan lang ako ni Niccolo e. Kilala ko siya. Hindi niya magagawa 'yun.

Tinapos ko lang taon na 'yon bilang grade five at hindi na ako muling pumasok doon nang sumunod na taon. Alam ni mommy at mga kapatid ko ang nangyari kaya ginusto na nilang lumipat na lang ako. Gusto nilang magreklamo sa ginawa sa akin pero pinigilan ko sila. Ayokong patulan ang mga bagay na gano'n. Tutal ay hindi naman ako gaanong nasaktan. Siguro sinaktan nila ako pero hindi naman ibig sabihin no'n na dapat na rin akong manakit.

Hindi naman malayo ang pinaglipatan kong eskwelahan. Sa kabilang baranggay lang naman. Sapat na para hindi lang makita ang mga taong nanakit sa akin gano'n din na hindi nila ako makita para hindi na ako masaktan. Walang ibang nakakaalam na lumipat ako hanggang sa may nakakita sa akin suot ang ibang uniporme at nagkalat na sa dati kong eskwelahan at nakarating maging kay Niccolo.

Dear Niccolo,

Sorry pala kasi di na tayo nag-uusap. Sorry din dahil hindi na tayo nakakapaglarong dalawa. Sorry kasi iniiwasan kita. Sorry kasi bigla akong nagbago. Sorry kasi... basta sorry. Sana patawarin mo ko. Kaibigan tayo diba? Bestfriend tayo. Sana maintindihan mo kung anomang naging desisyon ko. Lumipat ako kasi gusto ko. Hindi naman dahil sa pang-aaway nila. Basta lumipat ako kasi ayaw ko na sa school natin. Sana maintindihan mo. Sana bestfriend pa rin tayo a? Kahit hindi na tayo gaanong makakapag-usap.

Your friend,
Clara :)

Tinapos ko ang sulat ko para kay Niccolo. Ipapadala ko na lang ito kay Yaya mamaya kina Niccolo habang nasa school pa siya. Sana mabasa niya at maintindihan niya ako.

Pinupuntahan ako ni Niccolo sa bahay pero hindi na ako nagpapakita sa kanya. Araw-araw, walang palya ang bisita niya hanggang sa marahil ay nagsawa siya at hindi na nagpakita pa. Naging maayos naman ang buhay ko sa bago kong school. Tahimik pa rin naman ako pero ang kaibahan ay wala ng umaaway sa akin at wala na rin akong bestfriend.

Sa unang dalawang buwan ko sa paaralang ito ay hindi naging madali. Kinailangan ko kasing makisalamuha sa kanila para naman maka-adopt ako. Mahirap dahil hindi ako sanay pero kahit papano'y umayos rin naman.

Dalawa kaming transferee sa section namin. Lalaki siya at palaging may suot na eye glasses, matalino at kayang pakisamahan ang lahat. Iyon ang pagkakaiba namin. Pero hindi ko alam kung paano kami naging close. At dahil sa pagiging malapit ko sa kanya ay natuto na rin akong makibagay sa iba.

"Clara, bakit ka nagtransfer dito kung hindi naman kayo lumipat ng bahay?" Tanong niya sa akin habang nasa science laboratory kami at nagtuturo ang teacher namin ng iba't ibang klase ng bato.

"Bakit mo naman biglang natanong?" Hinarap ko siya dahil nawala na ang konsentrasyon ko sa tinuturo sa harapan.

"Wala lang. Gusto ko lang." Napangiti ako sa sinabi niya.

Si Rhein ay may pagkasuplado pero gaya ng sinabi ko ay kayang makisalamuha sa ibang tao. Ewan ko. May kakaiba sa kanya na hindi ko rin masabi kung ano. Para siyang nagtatago sa katauhan ng isang taong hindi naman talaga siya.

"Mahabang istorya. Ikaw?" Pumangalumbaba ako. Tinitigan ko ang nangungusap niyang mga mata. Napatingin din ako sa bahagyang magulo niyang buhok dahil sa pagsabunot sa kanya kanina ng babae naming kaklase.

"Gano'n din e." Nagkibit-balikat siya matapos no'n. Ngumiti lang ako.

Hindi nagtagal nang lalo kaming naging kumportable sa isa't isa. Nalaman namin ang dahilan kung bakit nga kami nandito sa paaralang ito. Palipat-lipat pala sila ng bahay dahil kung saan-saan nadidistino ang kanyang ama. May sarili daw kasi silang business at dahil sa mga pagpapatayo ng opisina nila ay nadadamay siya sa paglipat. Hindi na nga raw niya mabilang kung pang-ilang lipat niya na ito. Pero ito raw ang pinakamatagal na pananatili niya sa taong ito. Doon ako nakakuha ng ideya kung bakit marunong siyang makisalamuha.

Nagkuwento rin akk ng tungkol sa akin. Sinabi ko ang dahilan ko kung bakit ako nandito. Pinagtawanan niya pa ako. Ano ba daw ang naisip ko at naniwala ako sa pinagsasabi ng isang bata. Kahit na ba daw makapangyarihan ang ama ng batang iyon ay dapat hindi ako naniwala. Malaki na rin naman na daw ang kuya ko kaya bakit pa ako nag-aalala. Sinayang ko lang daw ang pagkakaibigan namin ni Niccolo. Parehas lang sila ng sinabi ni kuya Patrick.

"Sino ba kasing crush mo, Rhein?" Tanong ko matapos kaming pagawain ng teacher namjn ng valentines card. Sabi kasi nito na ibigay sa magulong, kapatid, kaibigan o taong hinahangaan. I will give my card to my father dahil malayo siya sa amin ngayon. Pero kasi itong si Rhein ay sa crush niya raw ibibigay.

"Kahit naman sabihin ko sayo, hindi mo kilala." Nilagay niya sa puting envelope ang mabangong papel na pinagsulatan niya. May nakadikit pang hugis puso doon.

"Talaga ba? Baka naman isa lang sa mga kaklase natin 'yan?" Mapanuyang turan ko. Binigyan niya ako ng masamang tingin.

"You know that I don't like our classmates especially girls. They are all spoiled brats... except you, ofcourse." Napangiti ako sa tinuran niya. Atleast I know that he really accept me as his friend.

"Okay, if you say so... Pero gusto kong malaman kung sino ang babaeng gusto mo."

"Jaja. Her name is Jaja." Napatango na lang amo habang tinitignan ang mumunting ngisi niya. I suddenly wanted to see her.

Simula nang araw na sinabi niya ang tungkol sa babaeng gusto niya ay naging madalas ang kuwento niya tungkol rito. Marami siyang kuwento araw-araw. Pero kahit na naiinis na akl sa paulit-ulit na kuwentong iyon, nakikinig pa rin ako. Gusto kong palagi siyang kausap. Kahit na nakakasakit na dahil ibang tao naman ang laging mukhang bibig niya.

Graduation nang tuluyan ng nagpaalam si Rhein dahil hindi na kami magkikita. Huling taon na namin itong magkasama at magkakanya-kanya na kami para sa highschool. Lilipat na naman daw kasi sila ng bahay at doon niya na siguro sisimulan ang highschool. Malungkot ako, oo dahil mawawalan na naman ako ng kaibigan sa ikalawang pagkakataon.

"Rhein... I'll miss you " Turan ko nang kaming dalawa na lang ang magkasama sa classroom. Ito na ang huling beses na makikita ko siya. At ginamit ko na rin ang pagkakataong ito para sabihin sa kanyang gusto ko siya. Gusto ko siya higit pa sa kaibigan.

"I'll miss you too. Pero hindi ibig sabihin no'n ay kinoconsider ko na ang feelings mo. You know that I treat you as my friend and nothing more. I don't want to hurt your feelings but I need to. Bata pa tayo at alam kong hindi magtatagal yan. And I know that you love someone else."

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Yes I know that he rejected ny feelings pero may mas nagpagulo ng damdamin ko. He even said those words that I once said when I received love letters. Di ko alam na babalik din pala iyon sa akin.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon