Kabanata 38

250 18 1
                                    

Kabanata 38

Familiar

Naging tahimik kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa village nila Lhieanne. Magkasama sila doon ni Rendel. Marahil ay sadyang hinintay si Niccolo sa pagdating.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalawa nang pagpasok nila sa sasakyan ay nakita ako. I just smiled at them at muling binalik ang tingin ko sa aking phone. I'm stalking Uniq's profile. Nag-aabang ng updates sa kanila.

"Galing kang Manila?" Narinig kong tanong ni Rendel kay Niccolo matapos nilang ilagay sa likod ng kotse ang kanilang ibang gamit. Nagstart na ang makina ng sasakyan.

"Yeah. Sa unit ni dad ako nagstay. Dinaanan ko na si Clara." Nagtaas ang kilay ko nang marinig iyon. Kaya pala...

"Paano si Jazz? Hindi na tayo kasya sa kotse..." Mahina ang pagkakasabi ni Lhieanne no'n.

"There's a vacant on Rhein's car. Si Yesha at Adrian lang daw ang kasama niya." Sabat ko. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang tatlo na para bang nakapagtataka dahil sumali ako sa usapan nila.

"Okay... pababa naman na siguro 'yun. Tinawag ko na siya kanina." Tumango-tango siya bago tuluyang in-start ni Niccolo ang sasakyan.

I texted Rhein.

Me: Daanan mo si Jazz. I'm on Niccs' car.

Pakiramdam ko ay hindi ako ang orihinal na nakasakay dito. Bakit nga ba kasi ako sinundo ni Niccolo?

Rhein: I know.

Kahit sa text lamang ay pakiramdam ko'y nakangisi ang isang ito ngayon. Sinadya? I raised my brow.

Me: Your plan will not work if you're acting like this.

Rhein: That's your plan. Not mine.

Mabilis lang ang naging biyahe. Pagkarating namin sa resort na sabi'y kina Vlad—ka-miyembro nila sa grupong Boy In Luv—ay naglabasan na kami. Unang nakarating ang sasakyan nina Vlad pagkatapos ay kami. We're still waiting for Rhein's car.

"Hi!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Vlad sa gilid ng bukas na sasakyan ni Niccolo. Hindi ako tuluyang bumaba. Nagstay ako sa loob habang bukas ang pintuan. I don't want to burn my skin under the scorching heat.

"Oh, hi!" I smiled.

"Hindi pa tayo nakapagpapakilala sa isa't isa... ng maayos, ibig kong sabihin." He shyly smiled. Lumitaw ang dimple sa kanyang pisngi.

"Oo nga. Ako nga pala si Clara. Niccolo's-"

"I know. Ex-girlfriend. Ako pala si Vlad. Leader ng grupo." Napatigil ako sa pagputol niya sa akin. Muntik nang magtaas ang kilay ko. Pilit akong ngumiti.

"I see... This is your resort? It's nice." Pag-iiba ko ng usapan. Baka magtanong pa ito ng kung ano. Pero mas maganda kung aalis na siya ngayon din.

"Thanks. Si mommy ang nag-aasikaso nito since dad is busy with our main business. Parang libangan lang ito ng mommy." Nagpamulsa siya. Tumango lamang ako.

"So you mean you have business other than this?"

"Yeah. Dad is an architect. Siya ang nagdesign sa bookstore ng kapatid mo. Architect Luis?"

"Ah... yes! Naalala ko na. I met you there. I'm sorry I forgot." Iiling-iling ako. Nakalimutan ko na iyon.

Maya-maya lang ay dumating na rin sina Rhein. Nang kumpleto na lahat ay nakapasok na kami sa loob. Sa resthouse nila mismo kami pinatuloy. Apat ang magshe-share sa isang kwarto. Ayos lang naman. I'm with Lhieanne.

Chased (In Luv Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon